Ok kwento: Hindi ako sure kung need ko pa ikwento 'to kasi cringe. Wala namang kabuluhan. May ma-i-entry lang. Sayang eh. Sulitin ang monetization. Hehe.
Nag-pre-dent ako sa UB (University of Baguio) year 2012-2015 pero before ako magenroll ng dentistry, i used to work sa isang homebased call center sa Baguio rin starting year 2008. So medyo matagal tagal rin pala ako nag-stay ng Baguio and i can say, Baguio City was my second home. And nung bumaba na ako to continue my Dentistry proper sa VMUF (Virgen Milagrosa University Foundation), nagkaroon ako ng mild sepanx because i left my heart in Baguio. Chariz! Drama. Naka-move on na ako. Hahaha!
Anyway, yung stairway naman kasi ang talagang topic dito. Na-miss ko lang yung naging buhay ko sa Baguio as a student. And itong stairway na ito from Upper Bonifacio St. paakyat ng Gen. Luna lang naman ang inaakyat ko araw-araw noon papasok ng school. Hindi basta-basta ang stairway na ito dahil matarik! Kung 1st time mo akyatin ito talagang hihingalin ka at kinabukasan, sasakit ang mga binti mo. Idagdag mo pa kung wala kang regular exercise. Ewan na lang kung di ka pa humandusay diyan.
Imagine my used to daily routine noon. After mo malagpasan yang stairway na yan, kailangan mo pang maglakad ng ilang kilometro papunta ng RCB building for your 1st class nang pagka-aga agang 7am, sa 7th floor! Uy ang galing, sira yung elevator! Hahaha! No choice. Use the stairs! 🤷🤣
Ang mga tao sa Baguio, sanay sa akyatan at babaan at pakalayo layong lakaran. Kahit gaano pa katarik, basic na lang ito sakanila. Ito yung nami-miss ko sa Baguio, yung nate-train yung cardio mo. Ang sarap maglakad lang dahil malamig. Papawisan ka ng konti pero hindi gaano nakakapagod kahit napakalayo pa. Sarap din ng tulog after.
After almost 10 years, nadaanan ko na ulit itong stairway na ito. Infairness naayos na yung pagkakasemento. Naging pulido. Hindi na bitak bitak. Medyo lumuwag na yung bawat step. At hindi na madulas, for sure. Lalo na kapag umuulan. Actually sikat itong stairway na ito. Eto nga nagpapicture pa ako oh! Hahaha!