Search This Blog

Sunday, September 21, 2025

September 21, 2025 - Patola




Ok, kwento: Nung mga bata bata pa ako, ayoko ng patola! Parang itong gulay lang na ito yung pinaka-ayaw ko sa lahat noon. Siguro dahil ang weird niya para sa isang gulay na napaka-bango! For me lang ha. Ang bango niya kasi kapag naluluto. Which i find it weird, pati sa lasa. Iba. Weird yung pagkamabango niya para sa isang gulay. Tapos yung texture niya medyo slimy na parang saluyot. Well, to be honest yung saluyot ayoko din nung una, pero nung napilit kami na kumain ng gulay, nagustuhan ko na rin.

Balik tayo kay patola. Hehe. Yung patola medyo natagalan bago ko nagustuhan compared sa ibang gulay na mas natanggap kong kainin during my adolescent age. Haha. Siguro nasa during my 20s or 30s na ako bago ko siya nagustuhan.

Nasimulan ko siyang nagustuhan nung nalaman kong isang siyang loofah! Hahaha! Yes, dahil isa siyang roughage na naglilinis ng bituka. Dahil sa obsession ko na magdetox dahil feeling bloated ako everytime, feeling ko malilinisan ng patola ang insides ko eh, kaya minahal ko na si patola eversince. Hehe. Well, alam ko namang lahat ng green and leafy vegetables ay roughage, special si patola eh. Loofah nga kasi siya! So ayun, as time goes by na rin at dahil madalas mamalengke si mudra ng patola na hinahalo sa mga dinengdeng at miswa natutunan ko na siya magustuhan. Pati sa lasa at sa texture niya.