Search This Blog

Saturday, October 4, 2025

October 3, 2025 - Iloilo and Guimaras Foodtrip


Ok, kwento: "What we ate during our trip to Iloilo and Guimaras 1-minute vlog." Alam ko hindi niyo tinatanong pero gusto ko lang magbigay ng honest review. Hahaha..bakit ba? Dahil nga foodie ako (yes, self-proclaimed, haha), whenever i go to a place for the first time, gusto ko matikman kung ano yung local, native or specialty particularly sa place na yun, experience their food culture ba. Yung makatikim ng something new, for the first time of course, brings me delight! Chariz! Since taste is subjective naman, so whatever my comments are, they are my own preference and my own opinion. Huwag niyo ako awayin. Haha. But to be fair, i'll share na lang my most faves na may konting review nang walang nasasaktan at may mahabang kwento. Hehe.

First fave, Batwan and Bye Bye ice cream ng Happy Endings Creamery in Molo Mansion. Batwan is maasim and mostly ginagamit siya as pampaasim sa mga savory dishes pero surprisingly masarap siya as dessert! Nakakaadik yung pagkaasim niya plus hindi siya matamis which i like even more. Cause you know i'm matanda na. Hihi. Bye bye is burnt rice ice cream. Hindi na bago ito pero first time ko kasi makatikim niyan. One of their bestsellers daw nila to. Infernes, deserve! It's a yes for me! Para siyang ginataang munggo. Hehe. Pero instead na gata, cream or milk ang gamit. Masarap!

Second fave, yung kilawin ng DT Restaurant sa Miagao, Iloilo. Not sure kung anong fish ang ginamit pero feeling ko tuna rin siya. Alam niyo yung SuTuKil ng mga Cebuano (Sugba, Tuwa, Kilawin)? Yung Kil, yun siya. Tuna ang usually alam kong ginagamit kasi na fish sa Sutukil. Typical kilawin na may gata pero ang sarap nito! Yung fish naluto na siya siguro sa pagkakababad sa suka pero ang lambot pa rin. Yung mga aromatics light lang, lalo na yung luya, di masyadong nagooverpower yung lasa at halos wala kang makita among the ingredients kaya di ka masusurprise na 'ew luya' pag ngumuya ka. Hehe. Yung grilled tuna belly, saks lang. Malambot. As of the grilled oyster with cheese, uhm saks lang din pero heto ang masasabi ko, "mas masarap ang talaba ng Dagupan City, mas malinamnam." I can compare kasi nga taga Dagupan ako. Parang Dagupan Bangus ang linamnam ng talaba ng Dagupan. "Umami" i think is the right term. Kung makabisita kayo ng Dagupan, you'll get what i mean. Hehe.

Third fave, yung Pancit Molo ng CarmiƱa Balay Nga Bato. Ang sarap niya. Creamy na parang sopas yung soup. At yung chocolate de batirol, ang smooth, parang inistrain muna para walang grainy feels sa lalamunan. Hindi siya kagaya ng ibang natitikman kong chocolate de batirol na may parang buhangin feels. Itong kay Balay Nga Bato ang swabe sa lalamunan at hindi siya matamis, which i usually like kasi hindi nakakasamid.

~~~~ to be continued