Ayoko lang din nang may iniisip pa ako in the future and ayoko talaga nang feeling ng aligaga dahil may dapat akong bayaran na due date na. At lalong ayoko nagbabayad ng penalty at interest. Hehe.
Ok, kwento: Ayoko sana mag-breakfast kanina, kasi nag-a-IF ako (kuno, di ko naman kasi nasusunod, HAHA), eh nag-friedrice yung nanay ko kanina tapos nagprito pa ng itlog. So sige. Bawas-dagdag, bawas-dagdag ako ng pagsandok kasi nga diet ako (kuno, HAHA). Eh gustong gusto ko nga ang rice kapag fina-fried tapos may mga de-ambabangil na makukulay na sahog, like carrots, greenpeas, green onions at scrambled eggs. Kahit anong protein yan, mapa-shrimp, pork, beef or whatever. Wala lang, pinost ko lang ‘to kasi nagdedelete ako ng files sa phone. Hahaha
