Search This Blog

Showing posts with label 90's. Show all posts
Showing posts with label 90's. Show all posts

Monday, August 5, 2024

August 5, 2024 - Ang Prinsesa at ang Gisantes

Ok, kwento: Speaking of "Princess and the Pea", naalala ko nung 1st year high school ako, may pina-homework sa amin sa Filipino subject na mag-summarize ng isang foreign fairy tale tapos itranslate sa Tagalog.

Criteria to get a perfect or a high grade should be in 500 words maximum and should be in 1 paragraph only. Not really sure kung 500 words nga ba talaga or 10 sentences. Hindi ko na maalala. Basta parang ganun na may limit sa number of words or sentences! 😄

Tapos yun na nga, napili ko ang "The Princess and the Pea". Sobrang privileged ko noon dahil sila mama bumibili talaga ng mga reading materials or books na mga pambata, e.g. compilation of signatured classic fairy tales. Yung mga books na naka-hard bound, makukulay, maraming drawings at makikintab na papel. Marami rin kaming references and sources kasi sila lola at lolo marami ring books, encyclopedias and dictionaries. Tapos yung pakarami raming set of encyclopedias topics arranged from A to Z. May mini library sila lolo noon. Mini library kasi may isang corner ng mga cabinet and shelves na puro books. And baka nga nakumpleto ni lolo lahat ng issue ng magazines ng National Geographic up until today kung nabubuhay pa si lolo ngayon. Speaking of National Geographic magazines ni lolo, i think nadisposed na lahat yun nung nababad sa baha. Sayang! 🙁

We were so "Privileged" back then dahil hindi na namin kinailangang pumunta pa ng school or public library para lang makapag-research. And take note, hindi pa uso ang internet at cellphone noon. Though may computers na, computers are not yet for everyone's use pa sa panahon na yun. So, thank you lola and lolo! We know you are partying hard na up there in heaven! Eyyy! 😄🤙

Balik tayo sa "The Princess and the Pea". So siyempre may book kami niyan noon at may English-Tagalog dictionary rin kami. Ngayon, may google translate na eh. Napakaswerte ng mga estudyante ngayon. Just right now in-enter ko sa google translate ang Tagalog ng "The Princess and the Pea",... it's "Ang Prinsesa at ang Gisantes". Papahirapan ko pa ba ang sarili ko na alalahanin kung anong Tagalog ng Pea?? So siguro nga ganyan yung title na sinulat ko noon.

Another requirement ng homework activity na yun is dapat type written sa isang short coupon bond. 1 inch margin on all 4 sides. Wow! Naalala ko pa! Haha! Dahil nung time na yun wala kaming typewriter, nakiusap ako sa bestfriend ko nung high school na si "Bekang" na i-typewritten yung sa akin since alam ko sila may typewriter sila. Binigay ko kay "Beks" yung summary ko para siya na ang mag-type. Ako ang gumawa nung summary ha, hindi ako nagpatulong kay mama. Ako ang nagsulat from scratch. Ako. 😄

Then ayun na nai-submit naman on time. Nai-check then returned back na to us to see how we did. And yes and of course, i got a perfect grade on that work! 10/10! Beks, my bestfriend, i think also got a perfect grade on her work too. Naalala niyo ba noon na kapag nagbabalik ng activities na nasa coupon bond, isa isang inaannounce kung ilan ang nakuha mong grade sa harap ng buong klase? Well, ganun yung eksena noon.

So eto na nga, ang highlight ng aking story for today. Hahaha! Habang tinatawag ang name and binabanggit ang scores, may palakpakan na may kasamang kantsawan yan. When it's my name na being called, boom perfect score nga! Siyempre i'm elated and proud of myself. Pinaghirapan ko yun eh! Then in the middle of my moment, meron kaming isang atribida na kaklase na bigla bigla na lang nagsalita out loud in front of everybody, "Ta si "M (real name ng bff ko) ang gumawa!" So nasabi ko na lang siguro sa sarili ko that time, "WHAT?? Tengena ka!" Hahahaha! Panira ng moment amfufu! Take note, lalaki siya! Inggit ang qaqu!

I don't mean to be mysogynist or whatever pero hindi ko kasi ineexpect na sasabihin yun ng isang male classmate ko. Though right after naman niya sabihin yun, may "Joke lang" sabay tawa, well mej napahiya din ako nun noh. Hayop! Hahaha!

Wala naman kaming naging tampuhan nung classmate ko na yun after. Alam naman naming lahat na mapangasar lang talaga siya. Hindi ko lang talaga makalimutan yung eksenang yun sa Filipino subject na yun! Gahd that was already 26 years ago na pala! Hahaha!

Hanggang ngayon naman friends kami. And lately lang naging pasyente ko pa yung anak niya. Hahaha. Turns out, naging crush niya pala ako nung high school! Hahaha! What are the odds?! 😁

Wednesday, April 10, 2024

April 10, 2024 - Adobong Pusit


Okay kwento: Adobong pusit with baboy ang pinaka-favorite kong niluluto ni Ate Nena nung nasa Mayombo pa kami.

Kumbaga sa 100 dish na niluluto ni Ate Nena noong nasa Mayombo pa kami, itong adobong pusit with baboy ang nasa top 1 ko.

Sino si Ate Nena? Si Ate Nena ang mayor doma nung nabubuhay pa sila lola. Si Ate Nena rin ang nagalaga sa mga uncles at aunties, pati na rin kay mama nung mga baby pa sila. Hanggang umabot na na pati kaming mga apo ni lola ang inalagaan ni Ate Nena. Ganun na katagal si Ate Nena sa amin. She's already part of the family.

Balik tayo sa pusit. Hehehe. Ngayon si mama na ang nagluluto niyan. Hindi pa ito yung special kind of pusit dahil ito yung tinatawag nilang pusit kalawang. Cheaper version itong pusit kalawang. Yung nililuto kasi ni Ate Nena noon, yung tagalang maitim yung squid ink tapos medyo maliliit. Pugita ba ang tawag sa ganun?

Yung part ng baboy na ginagamit is yung pork belly or kasim. Luto sa kahoy yung mga niluluto ni Ate Nena noon kaya may smoky flavor at yung taba at balat ng baboy nagiging super lambot dahil sa sobrang lakas ng apoy ng mga kahoy.

Theory ko lang yung malakas na apoy from kahoy kaya lumalambot yung karne ha. Kaya minsan huwag kayo nagpapaniwala sa mga sinasabi ko. Mag-research din kayo. Hahaha!

Ewan, pero ang sarap talaga nung adobong pusit ni Ate Nena. At lahat naman talaga ng mga niluluto ni Ate Nena, masarap! Sa kanya natuto magluto si mama. Ako naman, sa kanilang dalawa na.

Naalala ko noon, nung mga nasa teens na ako at mga pinsan ko (because we used to live in a same compound), pina-experience sa amin ni Ate Nena magluto sa kusina niya. Yes, may sarili siyang kusina. Kumbaga parang dirty kitchen na nakaseparate sa labas ng bahay, like an auxiliary kitchen na siya lang ang pwedeng magluto dun. That's her throne! Walang pwedeng makialam, dapat magpaalam ka lalo na kung may kukunin kang mga ingredients na andun. Alam na alam niya kung may nawala. Ultimo asin, alam niya kung kumuha ka. Hehehe.

Noon, tuwing summer, kapag bakasyon, ang summer classes namin noon ay paggawa ng mga gawaing bahay. Old school summer classes. Ay wait, ganun na ba ako katanda? Hahaha! May swimming lessons na din naman noon ha, meron na ring singing classes, o kaya playing any musical instruments lessons, piano lessons, etc., etc. 

Never pala ako naipasok sa ganyang mga summer classes. Siguro dahil wala naman kaming extra money for those kinds of things or dahil ayoko lang talaga. Hahaha. Kasi kung gusto ko naman talaga ako mismo ang magsasabi sa nanay ko na gusto ko nun, gusto ko niyan pero wala eh. Ang classes lang na napasukan ko noon is magluto at mag general cleaning sa bahay tuwing bakasyon. Hahaha. Natuto akong mag gitara dahil sa mga songhits noon. Sa mga hindi nakakaalam, songhits ang tawag namin sa printed compilation ng mga kanta with lyrics and chords. Sa centerfold ng bawat songhits andun yung instructions on how to tune and play chords of a guitar.

So tuwing bakasyon, pinagpapaluto kami ni Ate Nena ng pang-lunch namin. Ginisang upo, pinakbet, at mga prito prito, pritong galunggong, pritong tilapia, pritong bangus, mga ganern. Yung typical ulam sa isang Filipino probinsya household.

Naiinis kami minsan dahil bukod sa mausok magluto sa kusina ni Ate Nena, we always get skin burns from talsik ng mantika lalo na sa bangus. Tapos sobrang init din sa kusina ni Ate Nena. Feels like in hell. Hahaha! As if naman nakapunta na ng hell??

Madalas pang mapagalitan kasi nga naman shushunga shunga pa kami noon. Of course it was our first time of everything. Hindi rin maiwasan na masunugan ng niluluto. Todo sermon pero wala na magagawa. Luto na lang ulit ng panibago. Sayang yung nasunog, pero doon kami natuto. Doon ako natuto. Doon ko na-appreciate magluto, kay Ate Nena at kay mama.

Ang saya noon kahit madalas kaming mapagalitan dahil mga pasaway kaming magpipinsan. Naalala ko pang nagtayo kami ng bahay bahayan sa may bubungan ng mismong bahay namin. Yung puno ng bayabas ang ginawa naming hagdanan paakyat ng bubong. Hindi naman ganun kataas yung bubong kasi bungalow lang siya pero siyempre delikado pa rin. Mapipilayan ka pa rin kapag nahulog ka. Nung nalaman ni lolo na umaakyat akyat kami sa bubong, pinatawag niya kaming lahat na umaakyat dun. Alam na namin na papaluin niya kami sa pwet kaya we came prepared. Naglagay kami ng diyaryo sa ilalim ng shorts namin para hindi masyadong masakit yung palo. Eh matalino si lolo. Nung nakita niyang matatambok yung pwet namin dahil sa diyaryo, sa legs niya kami pinalo! Hahaha!

Isa din yun sa pinaka-naappreciate ko dahil lumaki ako sa isang compound kasama yung mga pinsan ako. Magkakadikit lang ang mga bahay namin noon. Magkakamaganak kami sa isang compound. Sino pa nga ba ang mga kalaro ko nung bata, siyempre kami kami din na magpipinsan.

Naalala ko rin na every summer ng May, dahil nga birth month ko yun, ginagather kaming magpipinsan para magbilog bilog ng glutinous rice na ilalagay sa kiniler (ginataang bilo-bilo). Kiniler ang madalas ihanda ni Ate Nena tuwing birthday ko. Special eh! Hihi. So kaming magpipinsan, siguro mga 5-6 kami na puro babae, sa isang table kami yung magbibilog bilog ng glutinous rice dough. Kasama na dun ang kwentuhan, tawanan at kulitan. Then the rest procedure si Ate Nena na ang magluluto sa napakalaking kaldero. Malaking kaldero dahil apat na bahay kaming kakain nun. One super big happy family kami noon nung nasa Mayombo pa kami. Nakaka-miss. . .

Dahil nga sa sobrang na-miss ko yung mga ganung event namin sa Mayombo noon, nung birthday ko this past 4 years lang yata, diko na maalala, nagluto ako ng kiniler at isa isa naming dineliver sa mga pinsan ko at kay Ate Nena. Medyo natigil lang yung ganung routine namin na nagpapadala ng food every now and then kasi nagkapandemic at naging busy na din kami. Ganun din yung mga pinsan ko. Kapag may birthday, nagsheshare kami ng food kahit magkakalayo layo na ang mga bahay namin. Pero we are still in the same city so keribels lang basta may magdedeliver. Wala lang na-share ko lang, huwag ka magalit. Hahaha.

Ang sarap balikan noon noh? Yung memories nung mga bata pa kayo. Lalo na we grew up in a generation na wala pang cellphone. We were one of the 90's kids. Simple lang pero rak! Ngayon kasi, ano na bang pinagkakaabalahan ng mga bata tuwing bakasyon? Magcellphone na lang ba? Kung sabagay ngayon pwede mo na matutunan lahat sa Youtube academy.