Search This Blog

Tuesday, March 26, 2024

March 25, 2024 - A Messy Room

Sheesh! Thirty minutes ago, i received a notification in my email saying that "FB internal Thrift over HTTP" had removed my phone and email address from my Facebook account. Well, i still recovered my account and was able to log in. Searched about it over the internet and found out it was created by Facebook mismo.

Here's what i found out:

What is Facebook internal thrift over HTTP?
Thrift is an interface definition language and binary communication protocol used for defining and creating services for programming languages. It was developed by Facebook. Since 2020, it is an open source project in the Apache Software Foundation.


Gagi nakakakaba siya ha. Ninerbiyos nanaman ako ulit while retrieving my account. Huwag ganun facebook! Huwag ganun!

Anyway, that's not the real kwento of this entry for today. Hehe. Pero Ngayon sa nangyari parang natatawa naman na ako.

So lately lang kasi, these past few days, parang nadedemotivate nanaman ako ngay. Di ko alam kung it's my hormones again acting up or my lack of stress sa buhay. Stress sa mga pasyente na lang ang meron ako ngayon. Or baka need ko lang ng kausap? Parang lately kasi pare pareho na lang ginagawa ko. Gigising, magpapakain ng mga aso, magki-clinic, magluluto, kakain, maliligo, magtotoothbrush, matutulog, minsan mag eedit ng vlog.

Speaking of vlogs, isa pa 'to. Lately sobrang tinatamad nako mag magluto and magvlog and mag-edit ng videos. Sobrang tagal ko nang walang long format upload sa Youtube like what i usually do. Though my Youtube account is still earning and acquiring subscribers, ambagal. Walang progress. Though hindi ko naman talaga siya priority and hobby ko lang naman talaga siya, nakakalungkot lang na wala man lang progress. Though nakakatuwa din kasi nagagawa ko nga ang gusto ko, bonus na lang yung extra income ko from doing what i like. Though maliit lang naman, at least meron. May pandagdag panggastos ng mga kung ano anong hindi naman importante sa buhay! Hehe.

Lack of motivation? O baka need ko lang talaga maglinis ng kwarto. Maglinis ng buong bahay. Magbasa ng libro. Mag garden ulit. Medyo napabayaan ko na yung garden ko eh. Nagiging gubat na. Pero still, nakapagtanim pa ako ng basil ko. It's a staple in my kitchen. It's my favorite cooking herb.


So this is how messy my stuff in my room is right now. Makalat pero walang kalat sa floor ha. Hindi pwedeng may gamit sa floor dahil may mga dogs kami that also goes inside our rooms. Though hindi naman sila pakialamero sa gamit.

Anyway, naisip ko lang ano, nung covid pandemic, during lockdown, Lahat naging plantito at plantita. tapos inabuso ng iba. Sa sobrang hype, yung Monstera Deliciosa umabot ng 80,000 pesos! Over ha! Pero ngayon, since tapos na ang pandemic, tapos na nga ba? Since tapos na, busy na ang mga tao. Wala nang naghahalaman. Napabayaan na ang garden.

Ano ba yan, mag ala una nanaman ng madaling araw! lagi na lang ako distracted by my phone. Di ko nanaman natatapos tong kwento ko for the day. I'll try my best to post an entry every day. Kaya nga "A Day in A Boring Life" ang title eh. Nakakainis lang kasi ayaw pa i-approve ng adsense itong blogspot site na ito. Kulang pa daw sa content. Hahaha. Monetization lang ang habol! :D

While writing this pala, ang background music ko is this playlist from my Spotify account.


No comments:

Post a Comment