Ok, kwentuhan na may kasamang luto: For the past months, yes, months, lagi na lang tayong puyat. Yung reason, madami. Kesho may pinapanood akong kdrama, nageedit ng videos, natulog kasi ako between 6pm till 9pm, scroll scroll lang ng sa phone, o may hinihintay ako mag-chat (tho alam ko naman di talaga siya unang nag-cha-chat). Charr! So ayun, madalas 3am na ako nakakatulog tapos gigising ako ng before mag-8am.
Itong pagpupuyat ko, narealized ko lang na mas lalo akong nag-ge-gain ng weight. Tama nga si tita. Kahit anong gawin kong exercise, kung lagi naman puyat, wala din. Napaka-unhealthy ng lifestyle ko. Tapos for the last few days, napaparami ang rice ko. Ewan, lagi na naman akong gutom. Tapos yang mga cravings na yan madalas nasusunod. Hehe. Oo kasalanan ko din. Try ko baguhin. I-uncrush ko na yung crush ko para hindi ko na siya hintaying mag-chat sa akin! Charizz! Hahahaha!
Wala naman masyadong ganap. Kaya nga 'A Day In A Boring Life of Garps' ang title ng blogsite na ito. Hehe. Gusto ko lang kayo i-direct dito sa Blogger site ko. Dito may embedded video nung full vid ng Shakshuka. Play niyo na lang. Hahaha. Or kung gusto niyo sa Youtube mismo, pwede naman. Magsubscribe na rin kayo. Hahaha! Thank you thank you.
No comments:
Post a Comment