Search This Blog

Friday, August 1, 2025

Aug. 1, 2025 - Quick Thought and Reflections

So August na! Medyo ambilis na naman ng mga araw. Bukas makalawa Pasko feels na. Pero gusto ko lang magreflect about last month.

Sobrang negative ng nakaraang July. As in literal na negative sa financial status. 2 weeks walang clinic dahil sa habagat, mga bagyo at baha. As in half of the month nawalan ka ng income then yung sanang kinita mo ng 2 weeks na yun katumbas siya nung expenses mo for the month. Negative bruh!

Pero grateful pa rin kasi kahit papaano may savings na kahit kakarampot, may panggastos in case of emergency just like last month na 2 weeks na walang income. No work, no pay kasi kami bhie. Ganyan kapag self-employed. Pero siyempre dahil kakarampot lang yun it will only last for a very short time. Di na kaya kapag lumampas pa ng 2 weeks yun. Sobrang anxious na ko nun bhie kapag tumagal na nang ganun.

Anyway, as much as malapit na kami atakihin ng anxiety dahil sa walang income, di ko rin naman maalis sa isip ko na paano na lang yung iba na walang wala talaga? Yung walang source of income? Yung isang kahig, isang tuka? Tapos naalala ko si Pers, yung dating naghahatid sundo kina Dana sa East Central noon gamit yung tribike niya. Dumadaan daan pa rin siya dito sa bahay, kumukuha ng kalakal. Pero everytime dumadaan siya dito, siguro once a week, binibigyan din namin siya ng food, old clothes and money, bukod pa sa iniipon namin na pangkalakal niya na binebenta niya sa junk shop. Homeless siya, FYI. Nung isang araw na punta niya rito, inaalipunga siya dahil nababad nang ilang araw na sa baha. Iika ika na siya maglakad. Sobrang awa kami sakanya. So paano na lang siya di ba? Mukhang wala na rin naman siyang pamilya. The only posession he has is his tribike. Hindi ko alam ibang details ng buhay niya pero just looking at him, you know.

No comments:

Post a Comment