Okay, kwento: "Today ngayong araw...". Sino na nga bang vlogger ang may intro nito? Hahaha.
Anyway, today, ngayong araw nga, after ko magpasyente, habang nagpapack-up na ako for the day, biglang nagchat si mudra.
Pinabibili ako ng barbeque. May pinagbibilihan kasi kaming suki na barbeque diyan lang pag labas nitong subdivision, sa tabi ng 7 Eleven.
Ang catch: masarap, malambot, malalaki, very affordable at masarap ang suka!
Magkano per stick? Tanungin niyo ako ah. Magugulat kayo! Hahaha! Sa mahal ng mga bilihin ngayon, gusto ko sana tanungin yung tindera kung hindi ba sila nalulugi dito pero naisip ko huwag na lang kasi baka biglang mahalan nila paninda nila.
Oh, heto magugulat din kayo sa mukha ko! Hahaha! Bilog na bilog! Ganyan kalaki yung barbeque nila.
Lahat laman na lang yung kinuha ko kasi alam kong ayaw ng mga kapatid ko ng taba. Although, may mga stick dun na may taba taba rin. Pero ang masarap nga naman talaga sa barbecue yung may taba, ano? Di bale nabawi naman sa sobrang lambot nung karne. Sulit.
Walong sticks pala ang binili ko. Nadagdagan kasi umuwi pa yung isang kapatid ko. Usually tig dalawa kami ni mudra at nung dalawa ko pang kapatid. Sa dami at laki, hindi ko naman kayang ubusin ang dalawa. So, tinatabi ko muna tapos kinaumagahan yan na ang breakfast ko. Oh ha! Akala niyo lang matakaw ako pero hindi. Hehehe.
On my way home, may nakasalubong akong dirty ice cream. Timing! Sige manong, bili ako! 😅
Dalawang flavors ang ice cream ni manong, mango at vanilla yata yung puti. Haha. Ano ba yan biglang nagblock out yung utak ko ha. Basta puti. Yellow kasi yung mango. 😅
Ang verdict? So-so. Hindi ko madistinguish yung mango at yung puti. Kaya siguro nakalimutan ko na agad yung sinabi ni manong kasi pareho lang naman sila ng lasa nung dalawa. Sa kulay lang ang pinagkaiba. Hehe.
Pero overall okay lang naman. Worth it na rin ang 20 pesos.
P.S.: Nagsaing na lang pala ako ng kanin.