Okay kwento: Tonight nagluto ako ng old school giniling for dinner. And tuwing giniling ang ulam, marami na naman akong naaalala.
Nung 4th year high school ako (hindi ko na babanggitin kung anong taon, napanghahalata ang edad ko eh), ang baon ko is 50 pesos. Back then, sapat na yun as pamasahe back and forth, pang lunch at may sobra pa yun na pang merienda.
Ang minimum fare sa jeepney noon sa pagkakaalala ko is around 2.50-4 pesos. Rough estimate na lang kasi hindi na ako masyadong sure, di ko na maalala, matagal tagal na rin kasi. Haha. Sabihin na nating 8 pesos back and forth ang pamasahe nung high school ako. Oh, may idea na kayo kung nasa anong age bracket na ako nung mga panahon na yan.
Tuwing lunch break, dati nung 1st year to 3rd year high school ako, umuuwi pa ako ng bahay para lang mag lunch. 1 to 1and a half hour ang lunch break, napagkakasya ko yung oras na yan na kakain, at bibiyahe ulit pabalik ng school. Since sa bahay pala ako naglulunch, ang baon ko yata nung 1st year ako is 20 pesos lang tapos nadagdagan na lang siya tuwing naglelevel up din yung school year. Hahaha.
Pero huwag ka! Malaki na yang 20 pesos na yan dahil naalala ko nung nasa 1st year high school ako, meron akong best friend. Naging best friend ko siya kasi lagi kaming napagtatabi ng upuan kapag seating arrangement. Pareho kasing nagsisimula sa letter C ang apelyido namin. Ano pa nga ba, eh di lagi na rin kaming magkasama. Pati sa mga group projects, at kung ano ano pang school works. At siyempre kapag recess sabay kami lagi kumakain.
Tuwing recess bibili kami ng isang boteng 800ml na softdrinks sa canteen na worth 9pesos. Hindi lang kaming dalawa ang naghahati dun kasi magre-recuit pa kami ng isang kaklase para tig 3pesos kami. Hihingi kami ng sarisarili naming plastic with straw then hahatiin namin nang pantay pantay yung softdrink. Kung may panulak, may pambara. Madalas kapag nagtitipid kami, yung tig 3 or 5 pesos na chichirya ang binibili namin. Busog na kami dun.
Naalala ko din noon na kapag nakaluwag luwag ako dahil nakapagipon ako mula sa mga binibigay ng nanay ko na baon, bumibili din ako ng siopao asado sa canteen, worth 10 pesos naman yun. Hindi ako sure kung Rubis siopao nga siya pero kapag bumibili kasi ako ng Rubis siopao ngayon, naaalala ko yung times na nasa high school ako. Rubis ang name nung restaurant na gumagawa ng pinakamasarap na siopao dito sa amin. At least for me, masarap siya.
At isa pang di ko makalimutan na lagi naming merienda ni best friend noon is yung Bavarian ng Dunkin. Yes po, may kiosk ng Dunkin sa loob ng canteen ng school namin noon. At 10 pesos lang din ang isa.
As the school days go by, we got to know each and everyone of our classmates, we were able to make more friends and form a clique. Yung sa umpisang kaming dalawa lang ng best friend ko ang laging magkasamang nagrerecess, nadagdagan nang nadagdagan hanggang sa naging isang long table na kami tuwing kumakain. Isang napaka-ingay na long table! Nakaka-miss. . .
During lunch break, dahil umuuwi nga muna ako, 8-10 minutes ang biyahe sakay ng jeep mula school hanggang bahay. May extra time pa yan na magpahinga ng konti, mag-cram gawin yung di nagawang homework kinagabihan at madalas may time pa na manood ng noontime shows sa tv (eat bulaga?). Uso manood ng tv noon ano? Ngayon kasi puro cellphone na. Lahat nasa internet na. Lumiit ang mundo nang dahil sa technology at internet.
10-15 minutes ang biyahe mula bahay pabalik ng school dahil iikot pa ng downtown ang route. Pwede naman akong sumakay ng tricycle actually, mas mabilis dahil may shortcut pero mas na-aappreciate ko sumakay ng jeep dahil sa maraming dahilan. Hahaha.
Una, mas mura ang pamasahe. Pangalawa, readily available siya, at least sa mga sinasakyan kong mga jeep dito sa amin ha. Hindi na kasi naghihintay pa ng ibang pasahero para lang mapuno bago umalis.
Pangatlo, may nakakasabayan kang iba't ibang mukha sa jeep. Hindi ko alam kung ako lang ha, pero tuwing nakasakay ako ng jeep ang dami kong nakikita, sa labas man o sa loob ng jeep, and at the same time, ang dami din tumatakbo sa utak ko. Umaandar din yung imagination ko. Somehow, therapeutic din siya para sa akin, somehow nakakapag-reset ng utak.
Balik tayo sa giniling. Hahahaha! Ang layo na ng inandar ng kwentong ito.
Anyway, nung nag 4th year high school naman na ako, dahil habang lumelevel up tayo ng year, lumelevel up na rin yung mga activities and school works na kinabubusyhan natin. Nadadagdagan na rin yung pagod. Adulting yarn?
Sabi ko kay mama, magbaon na lang ako ng pang lunch ko para di na ako pabalik balik from school to bahay tuwing lunch break.
Kung ano yung breakfast namin sa bahay, ganun din ang lunch ko. Nagluluto na lang si mama ng pang extra para pambaon ko. Hotdog, corned beef, longanisa madalas ang baon ko with rice siyempre. Very pang breakfast.
Kasama ko yung mga classmates ko naglu-lunch at si bestfriend, mula 1st year hanggang 4th year magkasama pa rin kami. Tinadhana kaming magkasama mula 1st to 4th year kasi nung 4th year na kami, bigla na lang kami nalipat ng ibang section. Wala kaming choice kasi admin ng school naman ang nagaayos niyan. From Section 1 mula 1st year hanggang 3rd year tapos naging Section 2 na ng 4th year. Which in fact, hindi namin pinagsisihan kasi nung napunta kami ng Section 2, aba'y di namin akalaing mas masaya yung samahan with our new classmates-turned-into-friends! Then later on turned into family. Because that's how we treat each other now until forever.
Nagkaroon kami ng special bond sa ibang classmates namin dahil hanggang ngayon, nagkikita kita pa rin kami. We were one. Nasa more or less 40 students kami sa section na yun pero isang buong team kami. Walang clique, clique. Walang OP (out of placed). Unity! Hahaha!
Naging ninang at ninong na rin kami ng mga junakis ng isat isa. Hindi man kami madalas na magkita na sa ngayon, siyempre may kanya kanya na kaming buhay, at marami na rin sa amin ang nagmigrate na sa ibang bansa, pero kapag nagrereunion kami or kapag may mga special occasions and gatherings, para bang walang nagbago. Ganun pa rin. Parang kahapon lang kami huling nagkita. We even have a group chat named 'IV-2 and Friends'. Nakakatuwa kasi hindi lang within sa section namin kami nakabuo ng classmates-turned-into-friends-turned-into-family kundi pati sa ibang mga sections. Yun yung history ng groupchat name namin kaya siya with 'Friends'. And believe it or not, this group chat is active and updated everyday up until today. Hehe. If you have these kinds of friends, you know what i mean.
Balik ulit tayo sa giniling! Hahahaha!
Yun nga, nung tagal tagal, medyo nabigatan na ako magbaon ng pang lunch so sabi ko sa school na lang ako bibili ng pang lunch. Hindi ko maalala na sa loob ng classroom kami kumakain ng mga baon naming lunch. Lumalabas kami ng school, sa harap lang, tatawid lang kami dala dala yung baon namin tapos sa may mga karinderia sa labas namin kakainin.
Dito na papasok yung giniling. Hahaha! Kasi madalas, nagbabaon ako ng rice lang, tapos bibili na lang ako ng ulam sa labas. Yung mga typical pinoy karinderia ulam, like adobo, sinigang, ginisang ampalaya na may scrambled itlog, tortang talong, pinakbet, chicken curry, lahat ng klaseng luto sa pork, sa beef, sa chicken tapos kulay orange lahat! Lahat may tomato sauce o nilagyan ng pampakulay na atsuete.
Oo yung giniling nga nila ang madalas kong orderin kasi yun lang yung ulam nila na pinaka nagustuhan ko. Oo kulay orange din siya dahil bukod sa may tomato sauce at mamantikang kulay atsuete, puro carrots lang ang sahog niya! Walang patatas, walang bell pepper, walang pasas, walang green peas. Hindi ganyan sa inattach kong photo. Na-imagine mo na ba? Hahaha.
Ang catch? Masarap. Sulit. Sa halagang 15 pesos busog ka na. Pwede ka pang pumili kung gusto mong puro giniling lang or may hard boiled egg. Siyempre kapag may hard boiled egg, mababawasan yung iseserve na giniling. Laging with hard boiled egg ang inoorder ko tapos pinadadagdagan ko na lang ng sarsa ng giniling.
Giniling lang pala humaba pa ang kwento. Hinding hindi ko makakalimutan yung name ng karinderia na kinakainan namin noon. Very witty and suitable yung name kasi eh. Thank you kasi ito yung nagpakain sa akin during my last school days in high school and ang dami kong memories with my high school friends. Thank you, Rendezvous.