Search This Blog

Monday, May 6, 2024

May 6, 2024 - Moniegold

 


Okay kwento: The moment na makita ko 'to sa Bangkok, i knew, magugustuhan ito ni mama. And i was right! 😅


Favorite 'to ni mama eversince. Bago pa niya madiscover itong sampaloc flavored candy chews na ito ng Moniegold, gumagawa na siya noon ng minatamis na sampalok. O kaya sa mga tinadahan ng mga nagbebenta nito, kapag makakita siya, bibili talaga siya. Mapa sa palengke man, o sa mga tindahan na nasa gilid ng labas ng simbahan ng Manaoag (kasi marami din dun).


Nadiscover niya itong Moniegold sa 7eleven nung nasa Mayombo pa kami. So medyo matagal tagal na rin, 10 years ago na yata? May malapit kasi na 7eleven malapit sa bahay noon, siguro mga 150 meters away mula sa bahay. Di ko lang sure pero parang ganun nga. Hahaha.


How convenient kasi itong house namin now, may malapit din na 7eleven. Mas malapit, mga 100 meters aways na lang from our house. Hahaha.


Balik tayo sa Moniegold. So favorite nga ito ni mama, everytime madaan siya ng 7eleven bumibili siya nito. Nung may naka-pouch na version nito tapos meron na sa mmga groceries, lagi din siya bumibili nito. At ngayong meron na yung individually packed, candy-size sampaloc flavored candy chews na diko na maalala yung brand (hindi Moniegold), bumibili din siya lagi nun.


Nag-i-stock siya ng maraming ganito, para kapag bumabiyahe kami, may nangangata kami. Andaling maubos kasi nakaka-adik.


Yung Moniegold na nabili ko sa Bangkok, mas nagustuhan ni mama compared sa Moniegold na andito sa Pinas. Yung sa Bangkok, mas malalambot, though same lang ang lasa, tamis, asim at anghang, mas nagustuhan niya 'to kasi nga mas malalambot.


Ganyan kapag senior na, gusto lahat malambot na para madaling kainin. Hahaha


So sana pala marami akong binili. Inisip ko kasi na baka hindi na kasya sa maleta ko, which is tama naman naging desisyon ko dahil almost umabot na ako sa limit weight ng luggage ko.


I only bought 3 containers for 100baht. Mura siya actually compared dito sa Pinas. Babalik na lang siguro ako ng Bangkok, soon! 😊



Tuesday, April 16, 2024

April 16, 2024 - BBQ

Okay, kwento: "Today ngayong araw...". Sino na nga bang vlogger ang may intro nito? Hahaha.

Anyway, today, ngayong araw nga, after ko magpasyente, habang nagpapack-up na ako for the day, biglang nagchat si mudra.

Pinabibili ako ng barbeque. May pinagbibilihan kasi kaming suki na barbeque diyan lang pag labas nitong subdivision, sa tabi ng 7 Eleven.

Ang catch: masarap, malambot, malalaki, very affordable at masarap ang suka!

Magkano per stick? Tanungin niyo ako ah. Magugulat kayo! Hahaha! Sa mahal ng mga bilihin ngayon, gusto ko sana tanungin yung tindera kung hindi ba sila nalulugi dito pero naisip ko huwag na lang kasi baka biglang mahalan nila paninda nila.

Oh, heto magugulat din kayo sa mukha ko! Hahaha! Bilog na bilog! Ganyan kalaki yung barbeque nila.

Lahat laman na lang yung kinuha ko kasi alam kong ayaw ng mga kapatid ko ng taba. Although, may mga stick dun na may taba taba rin.  Pero ang masarap nga naman talaga sa barbecue yung may taba, ano? Di bale nabawi naman sa sobrang lambot nung karne. Sulit.

Walong sticks pala ang binili ko. Nadagdagan kasi umuwi pa yung isang kapatid ko. Usually tig dalawa kami ni mudra at nung dalawa ko pang kapatid. Sa dami at laki, hindi ko naman kayang ubusin ang dalawa. So, tinatabi ko muna tapos kinaumagahan yan na ang breakfast ko. Oh ha! Akala niyo lang matakaw ako pero hindi. Hehehe.

On my way home, may nakasalubong akong dirty ice cream. Timing! Sige manong, bili ako! 😅

Dalawang flavors ang ice cream ni manong, mango at vanilla yata yung puti. Haha. Ano ba yan biglang nagblock out yung utak ko ha. Basta puti. Yellow kasi yung mango. 😅

Ang verdict? So-so. Hindi ko madistinguish yung mango at yung puti. Kaya siguro nakalimutan ko na agad yung sinabi ni manong kasi pareho lang naman sila ng lasa nung dalawa. Sa kulay lang ang pinagkaiba. Hehe.

Pero overall okay lang naman. Worth it na rin ang 20 pesos.

P.S.: Nagsaing na lang pala ako ng kanin.

Wednesday, April 10, 2024

April 10, 2024 - Adobong Pusit


Okay kwento: Adobong pusit with baboy ang pinaka-favorite kong niluluto ni Ate Nena nung nasa Mayombo pa kami.

Kumbaga sa 100 dish na niluluto ni Ate Nena noong nasa Mayombo pa kami, itong adobong pusit with baboy ang nasa top 1 ko.

Sino si Ate Nena? Si Ate Nena ang mayor doma nung nabubuhay pa sila lola. Si Ate Nena rin ang nagalaga sa mga uncles at aunties, pati na rin kay mama nung mga baby pa sila. Hanggang umabot na na pati kaming mga apo ni lola ang inalagaan ni Ate Nena. Ganun na katagal si Ate Nena sa amin. She's already part of the family.

Balik tayo sa pusit. Hehehe. Ngayon si mama na ang nagluluto niyan. Hindi pa ito yung special kind of pusit dahil ito yung tinatawag nilang pusit kalawang. Cheaper version itong pusit kalawang. Yung nililuto kasi ni Ate Nena noon, yung tagalang maitim yung squid ink tapos medyo maliliit. Pugita ba ang tawag sa ganun?

Yung part ng baboy na ginagamit is yung pork belly or kasim. Luto sa kahoy yung mga niluluto ni Ate Nena noon kaya may smoky flavor at yung taba at balat ng baboy nagiging super lambot dahil sa sobrang lakas ng apoy ng mga kahoy.

Theory ko lang yung malakas na apoy from kahoy kaya lumalambot yung karne ha. Kaya minsan huwag kayo nagpapaniwala sa mga sinasabi ko. Mag-research din kayo. Hahaha!

Ewan, pero ang sarap talaga nung adobong pusit ni Ate Nena. At lahat naman talaga ng mga niluluto ni Ate Nena, masarap! Sa kanya natuto magluto si mama. Ako naman, sa kanilang dalawa na.

Naalala ko noon, nung mga nasa teens na ako at mga pinsan ko (because we used to live in a same compound), pina-experience sa amin ni Ate Nena magluto sa kusina niya. Yes, may sarili siyang kusina. Kumbaga parang dirty kitchen na nakaseparate sa labas ng bahay, like an auxiliary kitchen na siya lang ang pwedeng magluto dun. That's her throne! Walang pwedeng makialam, dapat magpaalam ka lalo na kung may kukunin kang mga ingredients na andun. Alam na alam niya kung may nawala. Ultimo asin, alam niya kung kumuha ka. Hehehe.

Noon, tuwing summer, kapag bakasyon, ang summer classes namin noon ay paggawa ng mga gawaing bahay. Old school summer classes. Ay wait, ganun na ba ako katanda? Hahaha! May swimming lessons na din naman noon ha, meron na ring singing classes, o kaya playing any musical instruments lessons, piano lessons, etc., etc. 

Never pala ako naipasok sa ganyang mga summer classes. Siguro dahil wala naman kaming extra money for those kinds of things or dahil ayoko lang talaga. Hahaha. Kasi kung gusto ko naman talaga ako mismo ang magsasabi sa nanay ko na gusto ko nun, gusto ko niyan pero wala eh. Ang classes lang na napasukan ko noon is magluto at mag general cleaning sa bahay tuwing bakasyon. Hahaha. Natuto akong mag gitara dahil sa mga songhits noon. Sa mga hindi nakakaalam, songhits ang tawag namin sa printed compilation ng mga kanta with lyrics and chords. Sa centerfold ng bawat songhits andun yung instructions on how to tune and play chords of a guitar.

So tuwing bakasyon, pinagpapaluto kami ni Ate Nena ng pang-lunch namin. Ginisang upo, pinakbet, at mga prito prito, pritong galunggong, pritong tilapia, pritong bangus, mga ganern. Yung typical ulam sa isang Filipino probinsya household.

Naiinis kami minsan dahil bukod sa mausok magluto sa kusina ni Ate Nena, we always get skin burns from talsik ng mantika lalo na sa bangus. Tapos sobrang init din sa kusina ni Ate Nena. Feels like in hell. Hahaha! As if naman nakapunta na ng hell??

Madalas pang mapagalitan kasi nga naman shushunga shunga pa kami noon. Of course it was our first time of everything. Hindi rin maiwasan na masunugan ng niluluto. Todo sermon pero wala na magagawa. Luto na lang ulit ng panibago. Sayang yung nasunog, pero doon kami natuto. Doon ako natuto. Doon ko na-appreciate magluto, kay Ate Nena at kay mama.

Ang saya noon kahit madalas kaming mapagalitan dahil mga pasaway kaming magpipinsan. Naalala ko pang nagtayo kami ng bahay bahayan sa may bubungan ng mismong bahay namin. Yung puno ng bayabas ang ginawa naming hagdanan paakyat ng bubong. Hindi naman ganun kataas yung bubong kasi bungalow lang siya pero siyempre delikado pa rin. Mapipilayan ka pa rin kapag nahulog ka. Nung nalaman ni lolo na umaakyat akyat kami sa bubong, pinatawag niya kaming lahat na umaakyat dun. Alam na namin na papaluin niya kami sa pwet kaya we came prepared. Naglagay kami ng diyaryo sa ilalim ng shorts namin para hindi masyadong masakit yung palo. Eh matalino si lolo. Nung nakita niyang matatambok yung pwet namin dahil sa diyaryo, sa legs niya kami pinalo! Hahaha!

Isa din yun sa pinaka-naappreciate ko dahil lumaki ako sa isang compound kasama yung mga pinsan ako. Magkakadikit lang ang mga bahay namin noon. Magkakamaganak kami sa isang compound. Sino pa nga ba ang mga kalaro ko nung bata, siyempre kami kami din na magpipinsan.

Naalala ko rin na every summer ng May, dahil nga birth month ko yun, ginagather kaming magpipinsan para magbilog bilog ng glutinous rice na ilalagay sa kiniler (ginataang bilo-bilo). Kiniler ang madalas ihanda ni Ate Nena tuwing birthday ko. Special eh! Hihi. So kaming magpipinsan, siguro mga 5-6 kami na puro babae, sa isang table kami yung magbibilog bilog ng glutinous rice dough. Kasama na dun ang kwentuhan, tawanan at kulitan. Then the rest procedure si Ate Nena na ang magluluto sa napakalaking kaldero. Malaking kaldero dahil apat na bahay kaming kakain nun. One super big happy family kami noon nung nasa Mayombo pa kami. Nakaka-miss. . .

Dahil nga sa sobrang na-miss ko yung mga ganung event namin sa Mayombo noon, nung birthday ko this past 4 years lang yata, diko na maalala, nagluto ako ng kiniler at isa isa naming dineliver sa mga pinsan ko at kay Ate Nena. Medyo natigil lang yung ganung routine namin na nagpapadala ng food every now and then kasi nagkapandemic at naging busy na din kami. Ganun din yung mga pinsan ko. Kapag may birthday, nagsheshare kami ng food kahit magkakalayo layo na ang mga bahay namin. Pero we are still in the same city so keribels lang basta may magdedeliver. Wala lang na-share ko lang, huwag ka magalit. Hahaha.

Ang sarap balikan noon noh? Yung memories nung mga bata pa kayo. Lalo na we grew up in a generation na wala pang cellphone. We were one of the 90's kids. Simple lang pero rak! Ngayon kasi, ano na bang pinagkakaabalahan ng mga bata tuwing bakasyon? Magcellphone na lang ba? Kung sabagay ngayon pwede mo na matutunan lahat sa Youtube academy.

Thursday, April 4, 2024

April 1, 2024 - Rendezvous


Okay kwento: Tonight nagluto ako ng old school giniling for dinner. And tuwing giniling ang ulam, marami na naman akong naaalala.

Nung 4th year high school ako (hindi ko na babanggitin kung anong taon, napanghahalata ang edad ko eh), ang baon ko is 50 pesos. Back then, sapat na yun as pamasahe back and forth, pang lunch at may sobra pa yun na pang merienda.

Ang minimum fare sa jeepney noon sa pagkakaalala ko is around 2.50-4 pesos. Rough estimate na lang kasi hindi na ako masyadong sure, di ko na maalala, matagal tagal na rin kasi. Haha. Sabihin na nating 8 pesos back and forth ang pamasahe nung high school ako. Oh, may idea na kayo kung nasa anong age bracket na ako nung mga panahon na yan.

Tuwing lunch break, dati nung 1st year to 3rd year high school ako, umuuwi pa ako ng bahay para lang mag lunch. 1 to 1and a half hour ang lunch break, napagkakasya ko yung oras na yan na kakain, at bibiyahe ulit pabalik ng school. Since sa bahay pala ako naglulunch, ang baon ko yata nung 1st year ako is 20 pesos lang tapos nadagdagan na lang siya tuwing naglelevel up din yung school year. Hahaha.

Pero huwag ka! Malaki na yang 20 pesos na yan dahil naalala ko nung nasa 1st year high school ako, meron akong best friend. Naging best friend ko siya kasi lagi kaming napagtatabi ng upuan kapag seating arrangement. Pareho kasing nagsisimula sa letter C ang apelyido namin. Ano pa nga ba, eh di lagi na rin kaming magkasama. Pati sa mga group projects, at kung ano ano pang school works. At siyempre kapag recess sabay kami lagi kumakain.

Tuwing recess bibili kami ng isang boteng 800ml na softdrinks sa canteen na worth 9pesos. Hindi lang kaming dalawa ang naghahati dun kasi magre-recuit pa kami ng isang kaklase para tig 3pesos kami. Hihingi kami ng sarisarili naming plastic with straw then hahatiin namin nang pantay pantay yung softdrink. Kung may panulak, may pambara. Madalas kapag nagtitipid kami, yung tig 3 or 5 pesos na chichirya ang binibili namin. Busog na kami dun.

Naalala ko din noon na kapag nakaluwag luwag ako dahil nakapagipon ako mula sa mga binibigay ng nanay ko na baon, bumibili din ako ng siopao asado sa canteen, worth 10 pesos naman yun. Hindi ako sure kung Rubis siopao nga siya pero kapag bumibili kasi ako ng Rubis siopao ngayon, naaalala ko yung times na nasa high school ako. Rubis ang name nung restaurant na gumagawa ng pinakamasarap na siopao dito sa amin. At least for me, masarap siya.

At isa pang di ko makalimutan na lagi naming merienda ni best friend noon is yung Bavarian ng Dunkin. Yes po, may kiosk ng Dunkin sa loob ng canteen ng school namin noon. At 10 pesos lang din ang isa.

As the school days go by, we got to know each and everyone of our classmates, we were able to make more friends and form a clique. Yung sa umpisang kaming dalawa lang ng best friend ko ang laging magkasamang nagrerecess, nadagdagan nang nadagdagan hanggang sa naging isang long table na kami tuwing kumakain. Isang napaka-ingay na long table! Nakaka-miss. . .

During lunch break, dahil umuuwi nga muna ako, 8-10 minutes ang biyahe sakay ng jeep mula school hanggang bahay. May extra time pa yan na magpahinga ng konti, mag-cram gawin yung di nagawang homework kinagabihan at madalas may time pa na manood ng noontime shows sa tv (eat bulaga?). Uso manood ng tv noon ano? Ngayon kasi puro cellphone na. Lahat nasa internet na. Lumiit ang mundo nang dahil sa technology at internet.

10-15 minutes ang biyahe mula bahay pabalik ng school dahil iikot pa ng downtown ang route. Pwede naman akong sumakay ng tricycle actually, mas mabilis dahil may shortcut pero mas na-aappreciate ko sumakay ng jeep dahil sa maraming dahilan. Hahaha.

Una, mas mura ang pamasahe. Pangalawa, readily available siya, at least sa mga sinasakyan kong mga jeep dito sa amin ha. Hindi na kasi naghihintay pa ng ibang pasahero para lang mapuno bago umalis.

Pangatlo, may nakakasabayan kang iba't ibang mukha sa jeep. Hindi ko alam kung ako lang ha, pero tuwing nakasakay ako ng jeep ang dami kong nakikita, sa labas man o sa loob ng jeep, and at the same time, ang dami din tumatakbo sa utak ko. Umaandar din yung imagination ko. Somehow, therapeutic din siya para sa akin, somehow nakakapag-reset ng utak.

Balik tayo sa giniling. Hahahaha! Ang layo na ng inandar ng kwentong ito.

Anyway, nung nag 4th year high school naman na ako, dahil habang lumelevel up tayo ng year, lumelevel up na rin yung mga activities and school works na kinabubusyhan natin. Nadadagdagan na rin yung pagod. Adulting yarn?

Sabi ko kay mama, magbaon na lang ako ng pang lunch ko para di na ako pabalik balik from school to bahay tuwing lunch break.

Kung ano yung breakfast namin sa bahay, ganun din ang lunch ko. Nagluluto na lang si mama ng pang extra para pambaon ko. Hotdog, corned beef, longanisa madalas ang baon ko with rice siyempre. Very pang breakfast.

Kasama ko yung mga classmates ko naglu-lunch at si bestfriend, mula 1st year hanggang 4th year magkasama pa rin kami. Tinadhana kaming magkasama mula 1st to 4th year kasi nung 4th year na kami, bigla na lang kami nalipat ng ibang section. Wala kaming choice kasi admin ng school naman ang nagaayos niyan. From Section 1 mula 1st year hanggang 3rd year tapos naging Section 2 na ng 4th year. Which in fact, hindi namin pinagsisihan kasi nung napunta kami ng Section 2, aba'y di namin akalaing mas masaya yung samahan with our new classmates-turned-into-friends! Then later on turned into family. Because that's how we treat each other now until forever.

Nagkaroon kami ng special bond sa ibang classmates namin dahil hanggang ngayon, nagkikita kita pa rin kami. We were one. Nasa more or less 40 students kami sa section na yun pero isang buong team kami. Walang clique, clique. Walang OP (out of placed). Unity! Hahaha!

Naging ninang at ninong na rin kami ng mga junakis ng isat isa. Hindi man kami madalas na magkita na sa ngayon, siyempre may kanya kanya na kaming buhay, at marami na rin sa amin ang nagmigrate na sa ibang bansa, pero kapag nagrereunion kami or kapag may mga special occasions and gatherings, para bang walang nagbago. Ganun pa rin. Parang kahapon lang kami huling nagkita. We even have a group chat named 'IV-2 and Friends'. Nakakatuwa kasi hindi lang within sa section namin kami nakabuo ng classmates-turned-into-friends-turned-into-family kundi pati sa ibang mga sections. Yun yung history ng groupchat name namin kaya siya with 'Friends'. And believe it or not, this group chat is active and updated everyday up until today. Hehe. If you have these kinds of friends, you know what i mean.

Balik ulit tayo sa giniling! Hahahaha!

Yun nga, nung tagal tagal, medyo nabigatan na ako magbaon ng pang lunch so sabi ko sa school na lang ako bibili ng pang lunch. Hindi ko maalala na sa loob ng classroom kami kumakain ng mga baon naming lunch. Lumalabas kami ng school, sa harap lang, tatawid lang kami dala dala yung baon namin tapos sa may mga karinderia sa labas namin kakainin.

Dito na papasok yung giniling. Hahaha! Kasi madalas, nagbabaon ako ng rice lang, tapos bibili na lang ako ng ulam sa labas. Yung mga typical pinoy karinderia ulam, like adobo, sinigang, ginisang ampalaya na may scrambled itlog, tortang talong, pinakbet, chicken curry, lahat ng klaseng luto sa pork, sa beef, sa chicken tapos kulay orange lahat! Lahat may tomato sauce o nilagyan ng pampakulay na atsuete.

Oo yung giniling nga nila ang madalas kong orderin kasi yun lang yung ulam nila na pinaka nagustuhan ko. Oo kulay orange din siya dahil bukod sa may tomato sauce at mamantikang kulay atsuete, puro carrots lang ang sahog niya! Walang patatas, walang bell pepper, walang pasas, walang green peas. Hindi ganyan sa inattach kong photo. Na-imagine mo na ba? Hahaha.

Ang catch? Masarap. Sulit. Sa halagang 15 pesos busog ka na. Pwede ka pang pumili kung gusto mong puro giniling lang or may hard boiled egg. Siyempre kapag may hard boiled egg, mababawasan yung iseserve na giniling. Laging with hard boiled egg ang inoorder ko tapos pinadadagdagan ko na lang ng sarsa ng giniling.

Giniling lang pala humaba pa ang kwento. Hinding hindi ko makakalimutan yung name ng karinderia na kinakainan namin noon. Very witty and suitable yung name kasi eh. Thank you kasi ito yung nagpakain sa akin during my last school days in high school and ang dami kong memories with my high school friends. Thank you, Rendezvous.

Sunday, March 31, 2024

March 31, 2024 - Tinamad Ba Talaga?

Ok kwento: Antagal ko nang walang Long Video Format sa Youtube, baka magtampo na at di na ako swelduhan.

Ito ngang latest upload ko which is the Filipino version of Pad Thai, parang mahigit isang buwan ko nang ineedit. Paunti unting edit every night. Masyado akong na-pre occupy sa kung ano ano. Ang tagal ko na rin hindi nagluluto for a long  video Youtube upload. Puro short vids na lang. Puro reels na lang.

Siguro nga naging preoccupied ako sa clinic. Busy nagpapasyente. Akala niyo ba hindi nakaka-stressed kahit nasa house na rin mismo itong clinic? Nakakastressed din mismo yung mga pasyente eh. Yung matawad tapos walang respeto sa oras. Hehehe. Sana wala akong pasyente na nakakabasa nito. Nakakapagod din men yung buong araw kang nagpapasyente. Masakit sa likod. Pramis. Only dentists know. Hindi lang kamay at buong katawan ang gumagalaw, pati utak dapat pinapagana. Pero don't get me wrong ha, I still and always remind myself that i am lucky enough and i am grateful kasi i am privileged na itong kind of work ko is di ko na need magcommute, di ako na-aarawan at di ko na din need magbayad ng rent for the clinic. That rent enough is malaking bagay na para makamenos sa monthly expenses. Sobrang laki.

And lately nga itong old school Blogging gusto kong buhayin. Aside from photos and videos kasi thru written words, na-eexpress ko kung ano yung mga gusto kong sabihin. I am able to express myself. Kahit wrong grammar pa 'to. My blogging is not to please you or anybody. This is for me. Plus points na lang yung i also get to earn from doing a hobby or from doing what i love. Oh db? Yung Youtube account ko nga hindi ko inakala na kumikita yun. Yung hindi ko naman sineseryoso pero at least kumikita siya! Hahaha!


Oh eto yung latest upload ko sa Youtube, panoorin niyo para kumita pa ako! Hahahaha! 1 minute na nga lang yan oh.



Wednesday, March 27, 2024

March 27, 2024 - Kalachuchi

Adenium Obesum a.k.a Desert Rose/ Bangkok Calachuche/Kalachuchi.

Based yan sa sinearch ko, okay? But still not sure kung yan nga. Plantitas, labas!

Okay, kwento. I remember my lola mostly by this flower. Nung nasa Mayombo pa kami, ang daming halaman ni lola sa harap ng bahay. And itong flowering plant na ito ang mostly naaalala ko dahil mga 3 pots ang meron si lola nito na pakarami raming flowers.

Marami pang ibang plant si lola pero siyempre dahil hindi pa naman ako plantita nung mga bata pa kami, hindi ko na maalala yung iba and hindi ko naman alam ang names nila. Only a few lang mga naalala ko like yung mga OG local plants e.g. (photos below are not mine, ctto)

Chinese dwarf bamboo




Five Fingers Plant


Etc. etc..marami pang iba. May puno ng bayabas, mangga, chesa, duhat, may saluyot din at kung ano ano pa.

Hi lola in heaven. We miss you. Na-miss ko din yung ginataang bayabas niyo lola. Ang sarap lalo na kung mainit init pa. I can still remember the smell and the taste in my mouth kapag naaalala ko yun. And yung color pink na sabaw dahil sa ripe guava.

I also miss Mayombo, where we used to live, where i grew up. Kahit laging binabaha, iba talaga yung memories from a place where you all grew up, kung saan ang daming nangyari, masaya, malungkot, shocking moments. Tapos isang compound pa kayo na magpipinsan so laging may kalaro. One big happy family!

I will always be thankful for that place and treasure it in my heart forever.

Naalala ko tuloy itong song na to from Munimuni.