Search This Blog

Thursday, November 14, 2024

Nov. 14, 2024 - Atchara

Ok, kwento: Wala muna akong 10k steps tonight dahil umaatake na naman yung migraine ko. Ang salarin? Yung Jjamppong instant noodles ng lucky me na kinain ko kahapon! This is what you get kapag matigas ang ulo mo, sasakit talaga ang ulo mo! Gunggunam! Hahaha! Alam na ngang bawal, sige pa rin. Pinikchuran ko pa nga! Hahaha!




Well, hindi lang naman yung jjamppong ang cause kaya sumigi ang migraine ko. Dumagdag pati yung 2-3 hours kong pamamalantsa ng mga damit ko kahapon! 2-3 hours akong nakatayo! Ramdam ko yung pangangalay ng mga binti ko! Gahd! I hate ironing clothes talaga! Hahaha! I don't find it amusing. Pramis! May mga area ng damit na kahit anong hanap mong posisyon, hindi talaga siya mapaplantsa nang maayos! Ang ending, kapag plinantsa mo, may mga lines dahil sa overlapping. Parang gusot pa rin ang itsura! The OC in me is screaming! Hahaha! Basta alam mo na yan kung nagpaplantsa ka rin ng mga damit. Wala lang talaga akong choice kasi yung mga nabili ko need talagang plantsahin. Hindi ko naisip na oo nga pala, ayong ayokong namamalantsa! Napaso pa nga ako oh! Grrr 🤣







Dumagdag pa yung 10k steps challenge ko everyday. Kaya sabi sa akin ng nanay ko, "Dahil sa kaka-exercise mo yan!" Pansin ko rin naman na kapag nag-e-exert ako ng too much pressure or stress, simusigi ang migraine ko. Kagaya nga nung inakyat ko ang Mt.Ulap, kinagabihan sobrang sakit ng ulo ko. Sobrang pagod ko kasi nun. So bawal talaga akong napapagod. Hahaha. So paano kapag ano, yung kapag...ah basta. Bawal ako napapagod. Hahahaha. I think itong migraine ko has also something to do with my hormones. Well, oo di naman ako neurologist or someone expert about this pero as a dentist who also studied human anatomy and physiology and principles of medicine, i kinda also understand how the human body works. Napa-check up ko na ito dati sa doctor pero sobrang tagal na nun. He even prescribed a maintenance medicine which i still take up until now. Pero need ko na talaga magpacheck up ulit kasi parang wala nang talab sa akin ng gamot ko.

So i will just consider tonight as my cheat day (cheat day??? 🤣) from that 10k steps  challenge a day. Jusko! Parang su!cide mission ito ha. Next time i will just go easy on myself. Baka bawasan ko yang 10k steps. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko na gawin ito. I just felt the need na magpaka-healthy. Chariz! Hehe. Nagiging stagnant na kasi ako and i'm not getting any younger. Alam niyo naman na yan. Hindi ko goal ang magpapayat, ang goal ko is maging fit. Tapos na ako sa pagpapa-sexy. Hahaha. Kung ang goal ng pagpapasexy ay dahil lang para maka-attract ng boys or men? Naaah, tanggap ko na, na baka, baka lang naman i was meant to be single forever. Hahaha! Pero i'm not closing my doors ha. Kung may darating, why not? Papasukin yan! Pero i have standards ha. Hello? Di ako desperate noh. 🤣 Di na rin uso sa akin yang balik alindog challenge. Juskooo! Cringggge! Sorry to disappoint you but i can handle bashing and body shaming. Life's too short to dwell on other people's bullsh!+. I can handle my own sh!t. 🤣

So kaninang 12noon, nagpatient lang ako ng isa though naduduwal duwal ako sa sobrang sakit ng ulo ko, pinilit ko na lang, tutal cleaning lang naman (pero severe yung case 🤦)  then tinulog ko na magdamag after. I need funds eh. Hahaha! Alipin ng salapi! 🤑 Until nagising ako ng around 7 or 8pm? Medyo nagsubside na migraine ko. Yey! Pero walang dinner. Pero may shanghai at atchara sa ref! Yuhoo! Kaya ko na magluto, di na masakit ulo ko. Buti may natira pa na kahit konting kanin sa rice cooker. Sorry, pero para sa akin talaga rice is life! Nagawa ko na yang "no rice" dati pero bumabalik pa rin talaga eh. Ang hirap kasi yung mga kasama ko sa bahay nagra-rice talaga eh. Plus, masarap magluto si mama. So, sorry, enjoyin ko muna mga luto ng nanay ko. 😝



Ako lang ba? Favorite ko ang atchara! Sa mga ponsyaan (fiesta) yan ang unang una kong hinahanap. Laging may ganyan eh. Lalo na sa mga fiesta na may lechon at lechon kawali. Meron at meron niyan. Madalas sa fiesta, mas maraming atchara sa plato ko kesa sa kanin. Kung medyo nahihiya ako, babalik balikan ko na lang. Nagra-round 2 ako sa buffet. Pero kung makapal ang mukha ko, yan talaga binabanatan ko. Hindi shanghai. Hindi lechon. Kundi yung atchara! Hahaha! Alam na! Kaya sana kapag inimbitahan ninyo ako sa mga fiesta sa lugar niyo, huwag niyo naman itago ang atchara. Sainyo na yang shanghai! Basta akin yang atchara! 🤣


 
Di ba ganyan ang OG na lalagyan ng atchara? Hehe. Binigay lang 'to ni ate nena eh. Si ate nena madalas nasa mga kwento ko din dito sa mga blogs ko. Kalkalin niyo na lang. 😄

P.S.: Ayoko sa atcharang sobrang tamis. Well, hindi naman kasi talaga ako mahilig sa matatamis. Kaya pansin niyo sa mga food vlogs ko, panay savory foods. Kung may dessert man, hindi siya ganun katamis. Saks lang. 😉

No comments:

Post a Comment