Search This Blog

Friday, June 13, 2025

June 13, 2025 - Vunong

Ok, kwento: Trinay? Ni-try? We tried? Hahaha. Ah basta. Sinubukan namin ni ser i-experience yung "vunong" sa "Vunong at Jessica's Place" sa Batanes.

"Vunong" nga pala refers to a traditional meal ng mga taga Batanes. Wrapped ito ng breafruit leaves. Ang unique niya kasi di ba mostly ang common na alam nating pinangbabalot ng mga native foods ay dahon ng saging o kaya yung wineave? Ni-weave? Woven? Hahaha!!! Ah basta yung hinahabi na tuyong dahon ng coconut leaves gaya ng ginagamit sa pambalot ng "patupat" sa pangasinan or "puso" sa cebu.

Yung vunong sa jessica's place, isang set na siya na iseserve sayo. Walang ibang tanong kundi, 'ilan?'. Walang ibang menu kundi yun lang. Matic. Nakakahiya nga nung pumunta kami ni ser dun, pasado 8pm na yata. Pa-closed na sila. Hinihintay na lang yata nila matapos yung mga naunang kumakain. Pero ambait nila kasi winelcome pa rin kami at kung okay lang ba daw na maghintay kami kasi naubusan na yata ng sila supplies. Kinailangan pa daw nila magprepare ulit. Huhu. Soafer nakakahiya. Pero mababait talaga sila dun. Lahat ng locals sa Batanes napakafriendly.

Detailed component ng vunong, composed siya ng traditional turmeric rice, tapos may different kinds of meat. May beef tapa, may fish, may meatball, may Ivatan-style preserved pork na ang tawag daw ay "lunyis". Tapos lahat yan nakabalot sa Nakapalaking breadfruit leaves. Yung meal set may side dish nang kasama na parang beef soup na may pako leaves. Di namin alam ang tawag pero para siyang beef nilaga. Tapos may pako salad at "wakay" (kamote) pancake as dessert. Ang verdict? Siyempre masarap. As you can see sa reactions namin ni ser sa 10-minute vlog ko. Watch niyo, huwag na kayo mahiya. Hahahaha.

Food: 9/10
Service: 10/10

Ambiance: 9/10 (Very home-y. Presko! Actually bahay talaga siya ng may-ari. Malamang si madam Jessica 😁 Tapos ang dining nasa parang side garden nila. Limited ang tables and chairs na napakabigat dahil gawa yata sa narra o molave. Sosyal! ☺️ Pang small crowd lang talaga which we liked kasi parang napaka-private, napaka-peaceful at natututukan nila yung quality ng sineserve nila nang hindi rin nagmamadali. Plantita si madam Jessica! Ang daming halaman! Ang daming orchids! Ang gaganda! Also as a nagmamarunong na plantita, i know, ang mamahal ng mga halaman nila. Downside lang ng maraming halaman sa bahay? Malamok! Sinindihan nga kami ng katol (iykyk 😁) Pet-friendly din sila kasi may pet dog sila na friendly din. 😊

Ok, side kwento: May pinagkukwentuhan kami ni ser about sa kundol na nakain namin earlier this day nung nag-lunch kami somewhere during our tour. Haha. Wala lang. Share ko lang. Nasa vlog. Turn on the subtitles na lang para maintindin niyo kasi may mga parts talaga na hindi ko naiintindihan pinagsasabi ni ser. Hahaha. Yun lang. Andami ko pang gustong sabihin dito eh pero, masakit na ulo ko. Itulog ko na muna. Till my next blog. Magbasa kayo! Na808080 na tayo dahil di na tayo nagbabasa eh. Puro na lang reels! Puro tiktok! True? True! K, see yah! Peace! ✌️

No comments:

Post a Comment