Search This Blog

Saturday, June 28, 2025

June 28, 2025 - Drafts

Ok, kwento: andami nang nasa drafts ko, ipupublish ko ba? Hehe. Di na naman ako makatulog. It's 1:17am as of this time of writing. Nainis lang ako kasi kakalabas lang ng Squid Game Season 3 tapos sa news feed ko sa fb andami nang spoiler. Hehe. I know i know, pwede namang huwag muna ako mag-fb and panoorin ko na lang nang tuloy tuloy yung SG3 in peace, eh gusto ko nga mag fb eh!! Hahahaha. Galit yarn? Ewan, may ADHD na nga yata ako eh. Sa 1 hour episode kasi ng isang kdrama, hindi ko kayang panoorin yan nang isang upuan lang. I will pause at 10-15 minutes of continouos watching then i will switch into doing something else. Hindi ko kaya teh yung tuloy tuloy na panonood kaya yang isang episode nahahati yan sa apat, minsan pa nga lima o anim! Hahahaha!

So napunta ako sa blogging ulit. Cause i need to express what i'm effin' feeling today and for the past few days. Ayoko mag-rant sa social media, nakakahiya. Hahaha! Kaya dito na lang. Medyo gumagaan pakiramdam ko when i'm journalling, journalling??? May word bang ganun?? Haha. And kapag binabalikan kong basahin yung mga naisulat ko, natatawa ako eh. Kaya ko pa lang magsulat ng ganun? Haha. (*pats myself on the back 🤭)  Ang daldal ko sa blogs. Pero mahiyain ako in person. Chariz! Pero di nga, oo mahiyain talaga ako. Or maybe, may pinipili ang kadaldalan ko. 🤷

Anyway, itulog ko na lang muna siguro ito. Ituloy ko na lang ulit siguro yung SG3 bukas. May pasyente pa pala. Haha. Tigas na naman ng ulo eh! Wala bang mag-ggood night sa akin diyan? I guess wala. Eh wala talaga eh! Tengeneng yan! Pangit ba ako?? Wala bang may crush sa akin?? Hahaha! Biglang nagdrama eh! Epekto na yata to ng pagpupuyat! Oh siya siya! Good night self dahil walang nag ggoodnight sa akin kundi sarili ko lang! Oo sarili ko lang! Hahaha! (pathetic biatch). 😅

No comments:

Post a Comment