Search This Blog

Sunday, November 10, 2024

Nov. 10, 2024 - Liver Spread

Ok, kwento: Sunday ngayon. As of this moment of writing, it's 9AM at kakagising ko lang. Sorry late na. Hindi ako batugan. Wala naman akong pasyente this morning. Mamayang hapon pa. So, naghanap ako ng breakfast. Sanay nga kasi akong nagaalmusal. Pakagising ko wala si mama, malamang nagsimba. Ako? Bakit di din ako nagsimba? Don't question my faith in God. Chariz! 😌 So nakita ko nga itong Reno liver spread. Ayun. Hindi ko napaalam itong liver spread so malamang pagagalitan ako paguwi ni mudrakels. Gagamitin pa yata ito sa kaldereta. 😅

P.S. More kwento like this on my blog. 😅 https://boringlifeofgarps.blogspot.com

Sunday, October 27, 2024

October 27, 2024 - Stairway to Gen.Luna

Ok kwento: Hindi ako sure kung need ko pa ikwento 'to kasi cringe. Wala namang kabuluhan. May ma-i-entry lang. Sayang eh. Sulitin ang monetization. Hehe.

Nag-pre-dent ako sa UB (University of Baguio) year 2012-2015 pero before ako magenroll ng dentistry, i used to work sa isang homebased call center sa Baguio rin starting year 2008. So medyo matagal tagal rin pala ako nag-stay ng Baguio and i can say, Baguio City was my second home. And nung bumaba na ako to continue my Dentistry proper sa VMUF (Virgen Milagrosa University Foundation), nagkaroon ako ng mild sepanx because i left my heart in Baguio. Chariz! Drama. Naka-move on na ako. Hahaha!

Anyway, yung stairway naman kasi ang talagang topic dito. Na-miss ko lang yung naging buhay ko sa Baguio as a student. And itong stairway na ito from Upper Bonifacio St. paakyat ng Gen. Luna lang naman ang inaakyat ko araw-araw noon papasok ng school. Hindi basta-basta ang stairway na ito dahil matarik! Kung 1st time mo akyatin ito talagang hihingalin ka at kinabukasan, sasakit ang mga binti mo. Idagdag mo pa kung wala kang regular exercise. Ewan na lang kung di ka pa humandusay diyan.

Imagine my used to daily routine noon. After mo malagpasan yang stairway na yan, kailangan mo pang maglakad ng ilang kilometro papunta ng RCB building for your 1st class nang pagka-aga agang 7am, sa 7th floor! Uy ang galing, sira yung elevator! Hahaha! No choice. Use the stairs! 🤷🤣

Ang mga tao sa Baguio, sanay sa akyatan at babaan at pakalayo layong lakaran. Kahit gaano pa katarik, basic na lang ito sakanila. Ito yung nami-miss ko sa Baguio, yung nate-train yung cardio mo. Ang sarap maglakad lang dahil malamig. Papawisan ka ng konti pero hindi gaano nakakapagod kahit napakalayo pa. Sarap din ng tulog after.

After almost 10 years, nadaanan ko na ulit itong stairway na ito. Infairness naayos na yung pagkakasemento. Naging pulido. Hindi na bitak bitak. Medyo lumuwag na yung bawat step. At hindi na madulas, for sure. Lalo na kapag umuulan. Actually sikat itong stairway na ito. Eto nga nagpapicture pa ako oh! Hahaha!



Saturday, October 5, 2024

October 5, 2024 - Angel's

A day in a life of a reklamadora?? Hahaha. Wala naman ako masyadong reklamo. Gusto lang kitang i-redirect dito tapos pindot pindutin mo yang mga ads na nakapalibot dito! Chariz! 🤣

Kidding aside. Reklamo sa Angel's Pizza?? Sa quality at lasa ng mga pizza at nung garlic parmesan wings wala akong reklamo. Masarap at bagong luto lagi at masarap nga yung Garlic Parmesan Wings nila ifurrr! Pero sa napakatagal nilang i-serve ang mga orders! Jusmiyo! Una sa Assada Centre, ayun dun kami una umorder ng pizza. Ubos na daw ang mga chicken and pasta nila. So pizza lang ang na-order for take out. Napakatagal as expected, oo alam na namin laging ganun dun kasi napakarami din kasi nilang orders in line. Sige okay lang, pagbigyan. So naisipan namin pumunta ng branch nila sa Lucao, yung bagong bukas lang. May dine in tables, maraming tables and chairs pero napakarami ring taong kumakain! Ay sus! Mas malala. For only our order of garlic parmesan wings, yun lang, umabot ng isang oras! 🥲

Wednesday, October 2, 2024

October 2, 2024 - Pho & Banh Mi


Ok kwento: On November 9, 2023, kumain ako mag-isa sa "D' Original Vietnamese Bread" dito lang malapit sa amin. Oo, "D' Original Vietnamese Bread" ang pangalan nung kainan na yan. Yan yung nakalagay sa karatula nila. And obviously Vietnamese dishes ang sineserve diyan. Particularly, Pho at Banh Mi, as their business name suggests.

Matagal na itong Vietnamese kainan na ito sa Dagupan. Dito ko din first time makatikim ng vietnamese dishes. I think around year 2004-2005 unang na-introduce sa akin ni Ate Jing (ex-gf ng pinsan ko) itong vietnamese kineme na ito. Sikat ito nung panahon na yun actually dahil naalala ko pati yung bespren ko na si Jeeboy dinala din niya ako dito. Then yung mga pinsan ko laging nag-a-ayang bumili ng vietnamese bread dito.

Maliit lang itong pwesto na ito dati. Meron lang isang food display na stainless steel na may glass na siguro 1-2 meters wide kung saan nakadisplay yung mga baguette and yung mga fillings and condiments on each container. Just like sa authentic streets ng Vietnam na nagseserve ng vietnamese bread. Tapos may isang set lang ng monoblock na table and chairs. So maliit lang talaga siya. Usually kasi for take out lang talaga sila.

Ang nasagap kong chika about dun is, ang original na may ari nun noon is isang Vietnamese na nakapangasawa ng pinay dito. So siya din ang nagluluto at ang gumagawa ng lahat ultimo yung baguette from scratch. Ngayon, wala na daw yung Vietnamese dito. Di ako sure kung nategi na or bumalik na ng Vietnam. Humina ang radar ko sa chismis besh, pasensya na. Hahaha. Anyway, so iba na nga ang may ari ngayon, pinamana na lang daw yung recipe sa kung sino man ang may ari ng pwesto ngayon. Bagong pwesto na rin itong pwesto nila ngayon, lumipat na sila sa mas maraming tao at establishments. Though malapit lang naman nilipatan, dati kasi nasa Bonuan Gueset sila, ngayon sa Arellano na. Sorry sa mga hindi nakakarelate na nagbabasa nito. 😁

So ang verdict nga pala about sa food, dati, oo ang sarap yung pho at vietnamese bread nila noon! Ang layo sa lasa, texture ng baguette and sa ingredients noon na ginagamit nila sa ngayon. Kulang kulang na rin ng ingredients, specially yung mga herbs and spices na dati nilalagay nila. Ngayon tinipid na eh. So-so na lang sila ngayon. Though di naman natin sila masisisi kasi wala na nga yung original na Vietnamese na gumagawa noon. I can compare kasi i have been to Vietnam na din, ate their authentic foods kaya don't tell me na ang arte ko naman! Charies! 🤣

So if you'll ask me if i'll eat there again or buy their vietnamese bread again? Sure! Okay naman eh. Ano lang kasi, nakaka-miss lang siguro yung authentic and original. 😊


Sunday, September 29, 2024

September 28, 2024 - I Know You Know Ikaw 'To



Ang bilis ng mga araw. Di ko namalayan na antagal ko na din walang entry dito. Wala naman din kasi akong ma-kwento. Napaka-mundane ng buhay ko lately. Well, lagi naman. Pero ewan, busy lang siguro. Sa clinic? Naah.
Honestly, na-a-out of focus ako. Dahil na rin siguro na social media. Panay scroll lang. FB, Tiktok, IG, etc. Paulit ulit na lang, everyday. I can't say napupuyat ako kasi i get 6-7-8 hours of sleep a day. Kung napuyat man ako, usually nababawi ko yung tulog sa late afternoon. Gigising na ng late night, magdi-dinner. Then matutulog na ulit. Hehe. Unhealthy routine ano?

So ito na nga yung reason kung bakit ko ulit naisipan mag-entry dito. Hehe. Ayoko na kasi humaba pa to kasi medyo antok na din ako. 11:45pm na as of this moment of writing. Napagod yata ako this day kaya ako inaantok na. Andami ko nagawa today. Himalang walang nagpaschedule ng appointment this saturday so i got to do a lot of things. Typical household chores pero at least nagawa ko after napakatagal na rin. Tapos bukas ayun jam packed yung schedule. Sunday talaga ang free time ng mga patients. Ay wait, tignan mo yan. Lumihis na naman tayo sa topic. Yung reason kung bakit ko ulit naisipan magupload ng entry dito. May ADHD na yata ako.

Ok balik tayo sa topic. Well kasi, gusto ko lang na dito sabihin na, "How are you?" "How are you today?" "How's life lately?" "Are you okay?" "If you want to talk about something, i'm just here. I will listen." "Nahihiya kasi ako i-chat ka. Hindi naman kasi tayo close. Gustong gusto kita kausapin. Matagal na. I already tried actually. I hearted your post, yung sa highlights sa messenger tapos sa chat siya lalabas? Alam mo yun di ba? Nag-thank you ka pa nga eh, in tagalog. Then we started a conversation about your post. Pero na-feel ko na na medyo reserved ka. So sige, inisip ko na lang na, hindi naman kasi talaga tayo close eh. Pagbigyan. So after ilang days, nag-attempt ulit ako. Sent you a photo of a food that reminded me of you. FYI, ikaw naman kasi yung nagsuggest ng food na yun sa comment mo sa photo ko noong matagal na. Nagkataon lang na i have it on hand kaya naalala kita. Haha. Wait nga parang inaaway na kita. 😂  Ang reserved mo pa rin. Di ko magawang pahabain yung convo. Hindi ka kasi nagtatanong. So na-feel ko na. Hanggang dun na lang talaga. I know madaldal ka in person, makwento ka. Marami kang alam. Alam ko conversationalist ka kasi may vlogs ka eh, which i watch every single of your uploads. You talk a lot. You need to talk a lot because that's what you do. Na-sad lang ako na hindi ka interesadong kausapin ako. Na makipagkwentuhan sa akin. Don't get me wrong ha, i just want to know you better and maybe become friends? Kasi i admire you. You inspire me. Feeling ko andami kong matututunan sayo kapag naging friend kita. For me, cool ka! You are good at what you do. Very passionate ka sa work mo dati which i find it so inspiring. And your hobby, na i would also like to learn. Taking pictures! 😢 You have a talent. I also want to learn from you. Gusto ko ulit magheart ng mga latest posts mo sa highlights eh kaso natatakot na ako na baka this time, you will ignore me na. 😢

Siguro nga hanggang dito lang talaga. Just admiring you from afar. Don't get me wrong, hindi kita crush! Huwag kang ma-feeling! 😂

Friday, August 23, 2024

August 23, 2024 - Limerence

 Lagi na lang napapadaan sa fyp ko sa tiktok, facebook or saan mang social media site yung term na "Limerence". Well, yeah algorithm, i know, kasi madalas ko rin naman i-like kapag naeencounter ko 'to.


Let me define Limerence in my own understanding and based sa aking experience. Hehe.:

So Limerence, ito yung may crush ka pero di ka naman niya kina-crush-back. Hahaha! Yung pagka-crush mo sakanya umabot na sa point na delulu ka na. Ini-stalk mo lahat ng social media accounts niya. Umaasa ka na baka naman pwede maging kayo. Why not di ba? Posible naman pero hindi ka naman niya kinakausap, so paano? Hahaha! Madalas kang mag-imagine ng mga scenes na "kayo" doing what "being kayo" is supposed to be doing. Minsan napapanaginipan mo siya dahil lagi mo siyang iniisip. Ini-stalk mo nga kasi lagi  ang fb profile niya, checking if he's online. Alam na alam mo kailan siya nag-oonline pero hindi ka naman niya china-chat. Hahaha! Lagi mo nga hina-heart ang mga shine-share niyang memes sa fb kahit wala namang kwenta. At dahil nga delulu ka, minsang mapa-heart din sa mga posts mo, akala mo naman may gusto na din siya sa-yo! Delulu amfufu! Hahaha! The list goes on and it's kinda pathetic.

So heto nanamn tayo sa crush crush na yan! Cringggee! Ang cheap! Ang pathetic di ba? Ito pa nga lang na pag-create ng entry about limerence is already one sign of limerence. "Jusko Mayan! Ang tanda mo na crush crush pa rin nasa isip mo! Dapat nga may asawa kana. Dapat may anak ka na. Tumatanda ka nang dalaga. Walang magaalaga sayo kapag tumanda ka. Sayang egg cells mo. Nabubulok na yung matres mo. Mamamatay kang mag-isa." Heto yung mga naririnig ko sa mga toxic people na nakapaligid sa akin. Hahahaha! Deym!

Wait. Parang ayoko na ituloy tong entry na to. Naisip ko lang naman na ilagay sa entry ko for this month yung Limerence eh. Medyo nawawalan nako ng motivation to write something. Yung may sense. I just want to vent out. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami ko din gustong gawin pero madalas tinatamad ako. Gusto ko na lang humilata sa kama buong araw. Do nothing and just think, think think. Is it the hormones? Or i'm just getting old. I don't know na.

Need ko rin siguro ng kausap. Pero kasi napansin ko rin madalas kapag once may nakakausap nako, ayoko na din bigla nang may kausap! Hahaha! Baliw na ba ako? Or is it because i'm a gemini. Heto na naman tayo sa mga zodiac signs na ito. May nabasa ako na isa sa mga nakaka turn off sa isang tao is yung mahilig sa mga zodiac zodiac signs na yan. Cringe daw? Totoo ba? Well..i think totoo. Haha!

Nalulungkot ba ako? Hindi ko din alam. Siguro? Pero hindi rin. Haha. Ang gulo ano? I'm not happy but i'm not sad either.

May nagbabasa ba nitong mga blogs ko? Kasi kung meron man, ang cringe ano?? Not sharing this to my social media sites kasi wala namang sense itong entry na to. Hehe. Gusto ko lang may mai-publish. Malalaman ko na lang na may nagbabasa nito kapag may nag-comment. Pero sana naman you could tell me who are my commenters pero nawawala din kasi yung suspense thinking na "sino kaya yung nagcomment na yun?"


Ayoko na. Bye. :)

Monday, August 5, 2024

August 5, 2024 - Ang Prinsesa at ang Gisantes

Ok, kwento: Speaking of "Princess and the Pea", naalala ko nung 1st year high school ako, may pina-homework sa amin sa Filipino subject na mag-summarize ng isang foreign fairy tale tapos itranslate sa Tagalog.

Criteria to get a perfect or a high grade should be in 500 words maximum and should be in 1 paragraph only. Not really sure kung 500 words nga ba talaga or 10 sentences. Hindi ko na maalala. Basta parang ganun na may limit sa number of words or sentences! 😄

Tapos yun na nga, napili ko ang "The Princess and the Pea". Sobrang privileged ko noon dahil sila mama bumibili talaga ng mga reading materials or books na mga pambata, e.g. compilation of signatured classic fairy tales. Yung mga books na naka-hard bound, makukulay, maraming drawings at makikintab na papel. Marami rin kaming references and sources kasi sila lola at lolo marami ring books, encyclopedias and dictionaries. Tapos yung pakarami raming set of encyclopedias topics arranged from A to Z. May mini library sila lolo noon. Mini library kasi may isang corner ng mga cabinet and shelves na puro books. And baka nga nakumpleto ni lolo lahat ng issue ng magazines ng National Geographic up until today kung nabubuhay pa si lolo ngayon. Speaking of National Geographic magazines ni lolo, i think nadisposed na lahat yun nung nababad sa baha. Sayang! 🙁

We were so "Privileged" back then dahil hindi na namin kinailangang pumunta pa ng school or public library para lang makapag-research. And take note, hindi pa uso ang internet at cellphone noon. Though may computers na, computers are not yet for everyone's use pa sa panahon na yun. So, thank you lola and lolo! We know you are partying hard na up there in heaven! Eyyy! 😄🤙

Balik tayo sa "The Princess and the Pea". So siyempre may book kami niyan noon at may English-Tagalog dictionary rin kami. Ngayon, may google translate na eh. Napakaswerte ng mga estudyante ngayon. Just right now in-enter ko sa google translate ang Tagalog ng "The Princess and the Pea",... it's "Ang Prinsesa at ang Gisantes". Papahirapan ko pa ba ang sarili ko na alalahanin kung anong Tagalog ng Pea?? So siguro nga ganyan yung title na sinulat ko noon.

Another requirement ng homework activity na yun is dapat type written sa isang short coupon bond. 1 inch margin on all 4 sides. Wow! Naalala ko pa! Haha! Dahil nung time na yun wala kaming typewriter, nakiusap ako sa bestfriend ko nung high school na si "Bekang" na i-typewritten yung sa akin since alam ko sila may typewriter sila. Binigay ko kay "Beks" yung summary ko para siya na ang mag-type. Ako ang gumawa nung summary ha, hindi ako nagpatulong kay mama. Ako ang nagsulat from scratch. Ako. 😄

Then ayun na nai-submit naman on time. Nai-check then returned back na to us to see how we did. And yes and of course, i got a perfect grade on that work! 10/10! Beks, my bestfriend, i think also got a perfect grade on her work too. Naalala niyo ba noon na kapag nagbabalik ng activities na nasa coupon bond, isa isang inaannounce kung ilan ang nakuha mong grade sa harap ng buong klase? Well, ganun yung eksena noon.

So eto na nga, ang highlight ng aking story for today. Hahaha! Habang tinatawag ang name and binabanggit ang scores, may palakpakan na may kasamang kantsawan yan. When it's my name na being called, boom perfect score nga! Siyempre i'm elated and proud of myself. Pinaghirapan ko yun eh! Then in the middle of my moment, meron kaming isang atribida na kaklase na bigla bigla na lang nagsalita out loud in front of everybody, "Ta si "M (real name ng bff ko) ang gumawa!" So nasabi ko na lang siguro sa sarili ko that time, "WHAT?? Tengena ka!" Hahahaha! Panira ng moment amfufu! Take note, lalaki siya! Inggit ang qaqu!

I don't mean to be mysogynist or whatever pero hindi ko kasi ineexpect na sasabihin yun ng isang male classmate ko. Though right after naman niya sabihin yun, may "Joke lang" sabay tawa, well mej napahiya din ako nun noh. Hayop! Hahaha!

Wala naman kaming naging tampuhan nung classmate ko na yun after. Alam naman naming lahat na mapangasar lang talaga siya. Hindi ko lang talaga makalimutan yung eksenang yun sa Filipino subject na yun! Gahd that was already 26 years ago na pala! Hahaha!

Hanggang ngayon naman friends kami. And lately lang naging pasyente ko pa yung anak niya. Hahaha. Turns out, naging crush niya pala ako nung high school! Hahaha! What are the odds?! 😁

Wednesday, July 10, 2024

July 9, 2024 - Reflect

Today's a Tuesday. I have no patients scheduled today. Though may nag walk-in kanina, sabi ko i-schedule na lang siya for tomorrow. Day-off ko today. Este, wala pala akong day-off. Day-off ko lang kapag walang pasyente and kapag tinamad ako magclinic. I own my time. Hehe.

Kung walang patient and kung walang gala, i usually clean the house. Hindi yung general cleaning ha. Hindi kaya ng isang araw kapag i-general cleaning ko ito. Walis, walis lang at mop ng floors. Nagre-arrange din ng konting furnitures at konting punas ng alikabok.

Ako lang ba? Yung nakaka-experience na habang naglilinis, o kaya kapag naghuhugas ng mga pinggan or any household chores, yun yung time na andami mong naiisip? Kung ano-ano tumatakbo sa utak mo. Halo-halo. Naiisip mo yung mga nangyari sa past, yung mga expectations mo in the future and yung current situation mo in the present. Minsan depende pa sa mood na kapag badtrip ka habang naglilinis today, yung mga naaalala mong nangyari in the past puro badtrip rin. Minsan mai-inspire kang gumawa ng kung ano-ano na namang bagay na mag-u-uplift ng character, morality and spirit mo. Mag-babasa ng libro, aaralin sa gitara yung isa sa mga favorite song mo na matagal mo na gustong aralin, wala lang time, o kaya mag-eexercise, na oo parang pangarap na lang lahat yan. Hahaha. O kaya magpaplan ka in your mind na, 'Okay, mamaya aayusin ko na yung cabinet ko na 1 month ko na pinaplanong ayusin.', tapos bigla ka na naman tatamarin. Hahaha. Oo, this day naisip ko gawin yan pero as usual tinamad na naman ako. Hahaha.

While doing all these pagwawalis and mopping kanina, siyempre laging may naka-play na music on my background. Hindi na mawawala yan. Ewan, i can't live without music talaga. Can you? Di ba hindi rin? Anyway, naka-play lang in random yung playlist sa spotify, yung Tatak Pinoy yata yun then one of the songs playing has a lyrics na nagpapa-alala sa akin yung mga nagawa ko in the past. As a human being, i also did a lot of bad things. Not to the point na i killed somebody ha. Haha. But, bad things na nabanggit sa 7 deadly sins. Yeah i know, lahat tayo nagawa lahat yan. We are all humans. We are sinful. Kaya si Jesus Christ sacrificed for our sins... Wait... Isantabi muna natin yang religious side of my story.

As i was saying, everytime na naglilinis ako or naghuhugas ng pinggan or anything doing household chores, nagkakaroon ako ng reflections moment. Which is not bad at all. Kumbaga para siyang therapeutic na rin for me. Well, kaya nga 'Reflect' ang title nitong entry. Kayo ba? Do you also experience the same?

P.S.: After i cleaned the house, i rewarded myself with some Shrimp Aligue Pasta. Na naman! Because marami akong stock ng aligue sa ref. 😃 Nakapag-luto ulit and pasta na naman. I know, i know. Pasta na naman?? Yes, pasta is one of my comfort foods and as you all know, i love cooking and cooking is my love language. 🥰

Tuesday, July 2, 2024

July 1, 2024 - Crush ko si...


Sinusubok na naman tayo ng katamaran. Alam kong hindi naman ako obligadong gumawa ng entry dito palagi pero sayang naman di ba? Naumpisahan na. Ano ba 'to? Diary?? 😅

Last month isa lang ang entry ko. Busy ako. Sige, isa na sa mga dahilan yung clinic. Pasyente. Halos everyday, which i am grateful. I'm not complaining. Pero naman bes, last month, oo nga pala, nagkasakit ako.

Yung pag atake ng asthma ko last month hindi ganun sa dati nung bata bata pa ako up to my teenage to early 20s ko. Super mild. Hindi ko kinailangang gumamit ng nebulizer and nakakapagclinic pa ako. Well, nagstart naman kasi sa sipon na may kasamang mild sored thoat sa una then unti unti nang nagumpisa ang pag ubo ubo ko.

For the whole month of june, inuubo ako. Medyo masama ang pakiramdam but not to the point na bed ridden ako. Nakakapagpasyenye pa nga eh. Pero napansin na din ng mga pasyente ko matagal na nga itong ubo ko. Up until today, July 1 na, may konting ubo pa pero pagaling na rin naman.

Hindi ako physician pero may diagnosis ako sa sarili ko. Haha. Yan tayo eh, self diagnosis lagi. 1st, i think, think lang ha, it was the C word. Like nung sakit kaya nagkapandemic. Pero dahil i am already vaccinated with booster, ang C na yun is parang trangkaso na lang ngayon. In denial?? Haha. Di naman ako nagpacheck up eh so how am i be so sure?? 🤣

2nd, eto sure ako. I was over fatigued. Yung trabaho ko nakakapagod din. Akala niyo ba easy peasy ang dentistry? Haha. Try niyo. Sinabayan pa ako ng puyat lagi. So humina ang immune system ko. Eto sure ako kung bakit ako puyat lagi. Dahil ito dun sa crush ko eh! Hahahahahahahahahaha!

So ito na nga ang chismis mars... Hahahahahaha! Gagi joke lang pero may half truth. Choz! 🤣 Puyat nga ako lagi kasi ini-stalk ko yung crush ko sa mga social media niya. Inaabangan ko kung online siya. Eww, stalker! 🤣 Para na naman akong PBB nito (PaBeBe na parang teenager). Juskoday! Itong kwarentang to kumakarengkeng pa! 🤣 Puyat lagi, kagaya ngayon, nagpupuyat ulit, chinicheck kung online siya, at inaabangan ko bawat post niya.

Gusto niyo ba ng clue kung sino siya? Comment down below. Hahahahaha! Chariz!

Ang masaklap mars, puyat nga ako lagi, pero never ko pa naman siya nakausap. Ni 'hi' or 'hey' sa messenger, wala mars! Parang tanga ano? 🤣Ayoko mag-initiate ng communication mars. Natatakot ako.

Hindi ko na maalala kung yung mga past relationship ko eh, ako ba yung nag-initiate or sila. Ew! May ganito ako?? Hahaha. Though now, hindi naman ako naghahanap ng someone ngayon. Wala ako intention na makipagrelationship or whatsoever sakanya ha. Friends nga kami sa fb matagal na eh, around 12 years ago na yata kaming friends pero never pa kami nagkita in person. Nagha-heart sa mga posts of each other, nagla-like, nagco-comment paminsan minsan pero never nagchat. Hahaha! Saklap noh? 🤣 Oh ayan may clue na! Stalk niyo mga fb posts ko. Isa isahin niyo! 🤣

Siguro nga i don't interest him. Kasi kung meron man ni isang patak ng interest, makikipagusap yan eh. Db? Correct me if i'm wrong ha. Men, aminin niyo. 🤣 Sa pagkaka alam ko, matagal na rin naman siyang single. Wala lang talaga siyang interest sa akin. Periodt. 🤣

*I'll end this entry here. May ADHD yata ako. (Self diagnosis ulit ✌️😁) Gusto ko na muna i-open yung farmville ko. 🤣

*Isa na namang napakawalang kwentang entry. Nagpuyat lang. Salamat sa pagbabasa. Peace yow! Until next 'napakawalangkwentang entry' 🤣

*Bitin ba sa kwento? Comment down below kung gusto niyo pa para sipagin ako. 🤣

P.S.: Walang kinalaman yung photo sa topic ngayon. Gusto ko lang ilagay. Yan lang yung next na ieedit kong video para sa cooking vlog ko. Abangan. Hahaha. 🤣

Monday, June 17, 2024

June 17, 2024 - Pait at Alat


Oo nga hindi mo tinatanong, pero isa to sa mga favorite kong luto ng talaba. Simple lang kasi eh.

Yung pait ng dahon ng ampalaya at yung anghang ng luya, feeling ko nagagamot niya yung ano mang sama ng pakiramdam ko.

Literal na sama ng pakiramdam ha. Like ubo, sipon at hika. Well, yung luya at ampalaya naman talaga kasi medicinal plant sila.

Bonus points na lang din yung linamnam at distinctive taste of saltiness at lasang tubig dagat yung talaba.

Inalmusal ko ito today. A nutriment to start another busy day in the clinic today.