Search This Blog

Wednesday, July 10, 2024

July 9, 2024 - Reflect

Today's a Tuesday. I have no patients scheduled today. Though may nag walk-in kanina, sabi ko i-schedule na lang siya for tomorrow. Day-off ko today. Este, wala pala akong day-off. Day-off ko lang kapag walang pasyente and kapag tinamad ako magclinic. I own my time. Hehe.

Kung walang patient and kung walang gala, i usually clean the house. Hindi yung general cleaning ha. Hindi kaya ng isang araw kapag i-general cleaning ko ito. Walis, walis lang at mop ng floors. Nagre-arrange din ng konting furnitures at konting punas ng alikabok.

Ako lang ba? Yung nakaka-experience na habang naglilinis, o kaya kapag naghuhugas ng mga pinggan or any household chores, yun yung time na andami mong naiisip? Kung ano-ano tumatakbo sa utak mo. Halo-halo. Naiisip mo yung mga nangyari sa past, yung mga expectations mo in the future and yung current situation mo in the present. Minsan depende pa sa mood na kapag badtrip ka habang naglilinis today, yung mga naaalala mong nangyari in the past puro badtrip rin. Minsan mai-inspire kang gumawa ng kung ano-ano na namang bagay na mag-u-uplift ng character, morality and spirit mo. Mag-babasa ng libro, aaralin sa gitara yung isa sa mga favorite song mo na matagal mo na gustong aralin, wala lang time, o kaya mag-eexercise, na oo parang pangarap na lang lahat yan. Hahaha. O kaya magpaplan ka in your mind na, 'Okay, mamaya aayusin ko na yung cabinet ko na 1 month ko na pinaplanong ayusin.', tapos bigla ka na naman tatamarin. Hahaha. Oo, this day naisip ko gawin yan pero as usual tinamad na naman ako. Hahaha.

While doing all these pagwawalis and mopping kanina, siyempre laging may naka-play na music on my background. Hindi na mawawala yan. Ewan, i can't live without music talaga. Can you? Di ba hindi rin? Anyway, naka-play lang in random yung playlist sa spotify, yung Tatak Pinoy yata yun then one of the songs playing has lyrics na nagpapa-alala sa akin yung mga nagawa ko in the past. As a human being, i also did a lot of bad things. Not to the point na i killed somebody ha. Haha. But, bad things na nabanggit sa 7 deadly sins. Yeah i know, lahat tayo nagawa lahat yan. We are all humans. We are sinful. Kaya si Jesus Christ sacrificed for our sins... Wait... Isantabi muna natin yang religious side of my story.

As i was saying, everytime na naglilinis ako or naghuhugas ng pinggan or anything doing household chores, nagkakaroon ako ng reflection moment. Which is not bad at all. Kumbaga para siyang therapeutic na rin for me. Well, kaya nga 'Reflect' ang title nitong entry. Kayo ba? Do you also experience the same?

P.S.: After i cleaned the house, i rewarded myself with some Shrimp Aligue Pasta. Na naman! Because marami akong stock ng aligue sa ref. 😃 Nakapag-luto ulit and pasta na naman. I know, i know. Pasta na naman?? Yes, pasta is one of my comfort foods and as you all know, i love cooking and cooking is my love language. 🥰

Tuesday, July 2, 2024

July 1, 2024 - Crush ko si...


Sinusubok na naman tayo ng katamaran. Alam kong hindi naman ako obligadong gumawa ng entry dito palagi pero sayang naman di ba? Naumpisahan na. Ano ba 'to? Diary?? 😅

Last month isa lang ang entry ko. Busy ako. Sige, isa na sa mga dahilan yung clinic. Pasyente. Halos everyday, which i am grateful. I'm not complaining. Pero naman bes, last month, oo nga pala, nagkasakit ako.

Yung pag atake ng asthma ko last month hindi ganun sa dati nung bata bata pa ako up to my teenage to early 20s ko. Super mild. Hindi ko kinailangang gumamit ng nebulizer and nakakapagclinic pa ako. Well, nagstart naman kasi sa sipon na may kasamang mild sored throat sa una then unti unti nang nagumpisa ang pag ubo ubo ko.

For the whole month of june, inuubo ako. Medyo masama ang pakiramdam but not to the point na bed ridden ako. Nakakapagpasyenye pa nga eh. Pero napansin na din ng mga pasyente ko matagal na nga itong ubo ko. Up until today, July 1 na, may konting ubo pa pero pagaling na rin naman.

Hindi ako physician pero may diagnosis ako sa sarili ko. Haha. Yan tayo eh, self diagnosis lagi. 1st, i think, think lang ha, it was the C word. Like nung sakit kaya nagkapandemic. Pero dahil i am already vaccinated with booster, ang C na yun is parang trangkaso na lang ngayon. In denial?? Haha. Di naman ako nagpacheck up eh so how am i be so sure?? 🤣

2nd, eto sure ako. I was over fatigued. Yung trabaho ko nakakapagod din. Akala niyo ba easy peasy ang dentistry? Haha. Try niyo. Sinabayan pa ako ng puyat lagi. So humina ang immune system ko. Eto sure ako kung bakit ako puyat lagi. Dahil ito dun sa crush ko eh! Hahahahahahahahahaha!

So ito na nga ang chismis mars... Hahahahahaha! Gagi joke lang pero may half truth. Choz! 🤣 Puyat nga ako lagi kasi ini-stalk ko yung crush ko sa mga social media niya. Inaabangan ko kung online siya. Eww, stalker! 🤣 Para na naman akong PBB nito (PaBeBe na parang teenager). Juskoday! Itong kwarentang to kumakarengkeng pa! 🤣 Puyat lagi, kagaya ngayon, nagpupuyat ulit, chinicheck kung online siya, at inaabangan ko bawat post niya.

Gusto niyo ba ng clue kung sino siya? Comment down below. Hahahahaha! Chariz!

Ang masaklap mars, puyat nga ako lagi, pero never ko pa naman siya nakausap. Ni 'hi' or 'hey' sa messenger, wala mars! Parang tanga ano? 🤣Ayoko mag-initiate ng communication mars. Natatakot ako.

Hindi ko na maalala kung yung mga past relationship ko eh, ako ba yung nag-initiate or sila. Ew! May ganito ako?? Hahaha. Though now, hindi naman ako naghahanap ng someone ngayon. Wala ako intention na makipagrelationship or whatsoever sakanya ha. Friends nga kami sa fb matagal na eh, around 12 years ago na yata kaming friends pero never pa kami nagkita in person. Nagha-heart sa mga posts of each other, nagla-like, nagco-comment paminsan minsan pero never nagchat. Hahaha! Saklap noh? 🤣 Oh ayan may clue na! Stalk niyo mga fb posts ko. Isa isahin niyo! 🤣

Siguro nga i don't interest him. Kasi kung meron man ni isang patak ng interest, makikipagusap yan eh. Db? Correct me if i'm wrong ha. Men, aminin niyo. 🤣 Sa pagkaka alam ko, matagal na rin naman siyang single. Wala lang talaga siyang interest sa akin. Periodt. 🤣

*I'll end this entry here. May ADHD yata ako. (Self diagnosis ulit ✌️😁) Gusto ko na muna i-open yung farmville ko. 🤣

*Isa na namang napakawalang kwentang entry. Nagpuyat lang. Salamat sa pagbabasa. Peace yow! Until next 'napakawalangkwentang entry' 🤣

*Bitin ba sa kwento? Comment down below kung gusto niyo pa para sipagin ako. 🤣

P.S.: Walang kinalaman yung photo sa topic ngayon. Gusto ko lang ilagay. Yan lang yung next na ieedit kong video para sa cooking vlog ko. Abangan. Hahaha. 🤣

Monday, June 17, 2024

June 17, 2024 - Pait at Alat


Oo nga hindi mo tinatanong, pero isa to sa mga favorite kong luto ng talaba. Simple lang kasi eh.

Yung pait ng dahon ng ampalaya at yung anghang ng luya, feeling ko nagagamot niya yung ano mang sama ng pakiramdam ko.

Literal na sama ng pakiramdam ha. Like ubo, sipon at hika. Well, yung luya at ampalaya naman talaga kasi medicinal plant sila.

Bonus points na lang din yung linamnam at distinctive taste of saltiness at lasang tubig dagat yung talaba.

Inalmusal ko ito today. A nutriment to start another busy day in the clinic today.

Sunday, May 26, 2024

May 26, 2024 - Decade Four

Today marks the first hour of my 4 decades of existence in this so called planet Earth.

I have come to acknowledge that, just like Jon Snow, I still "Know Nothing". 

There's still so much to learn, places to go, emotions to contemplate and control, people to meet and build rapport (and be disappointed by their existence and wished you have not met them anyway and end up being a misanthrope). Kidding. 🤣

Those realizations are enough reasons to always remember to remain humble, be appreciative and be grateful for everything, for this gift of life, for the good, and the bad and the ugly that comes with it. For there's always pros and cons, negative-positive, ups and downs, yin and yang.

This day might also be the best day to apologize to the people i called old at 40 when i was a lot younger. 'Cause now i finally get it when they said, they effin' do not know what the f*** they were doing back then either. Sorry... The meme was true all along! Hahaha!

I have also finally accepted that i could no longer go back to sizes XS and S. It's now M if i wanna feel confidently fanciable but regret it later anyway because you don't know how greatly i endured tucking my bloated pot in just to look like it was the same as when i was 18. So L would probably be my most comfortable fit now, where i could move freely and won't struggle tucking in and holding my breath for a long period of time. 😅

In addition to body changes 😅, this day might also be the best time to regret not listening to our elderly when they said, take good care of your health. Junk the junks! Get enough sleep and exercise daily. Because, deym! I still consider myself young ha but my back feels like it's seventy-ish na! Age diseases also starting to get evident! It's all true! And yes, "Noooooo!" will also be my reaction! 🤣

Lastly, but will never be the last grasp in all of these 40-ish drama, is that never feeling bad ever again for myself for making a lot of mistakes. In fact, making mistakes is the key to learning anything in this world. I have finally embraced the essence of never regreting any of the decisions i made because it will only lead to another decision-making anyway! Then to another mistake, then to another, and then to another mistake to learn from. It's an endless loop! Why waste a stew?

You will prolly still see me making mistakes and might get famous by making a lot of it. Suure..i will get hurt and get scars along the way. Every battle won't be that easy. But, oh no! You will never see me succumb. These scars are my medium to the peak!

Thursday, May 23, 2024

May 23, 2024 - B&BW

Okay, kwento: Simple lang ang kaligayahan ko. Wala po akong chopper ha. Food chopper meron yung tig-50 pesos sa Shopee.

Anyway, simple lang ang kaligayahan ko. Bukod sa food, mahilig ako sa fragrance mists.

During elementary days ko may binubusitsit na akong pabango. Ang pinakasikat noon, Angel's Breath! Naaalala ko nung una ako magkaroon ng Angel's Breath nung 8 years old ako! Turning grade 3 ako nun! School year starts every month of June kasi noon! Oo naaalala ko pa, di tulad ni Mayora! Hahaha!

Ganito itsura nung packaging niya noon.

Tandang tanda ko pa, kasi niregalo siya sa akin ng pinsan ko nung 8th birthday ko! Kung sakali mang maamoy ko ulit ang Angel's Breath, for sure babalik lahat sa akin ang memories ko nung childhood days ko.

Thank you nga pala Koko, kung mabasa mo man ito. Ikaw yung nagregalo sa akin nun noon. But i doubt you remember dahil 3 years old ka palang yata nun. So si mama mo naman talaga yung nagregalo sa akin. Sinulat lang ng "From Koko". Hahaha!

Highschool comes, ang sikat na mga pabango noon ay yung mga pabango sa Bench at Penshoppe. Na-try ko lahat yan pero may pinaka-favorite ako sa Bench. Yung aerosol spray na color green! And i can't believe na until now meron pa rin siya! Sinearch ko nga!


May tatlong different scent ito pero itong green ang pinaka-favorite ko. So kapag naamoy ko ulit ito, maaalala ko yung crush ko nung high school! Hehehehe! Landi!

Okay, college comes. During my Accountancy days ha. So ito na yung mga panahong ang uso is Victoria's Secret at Bath & Body Works. 

Pero ang pinakapaborito kong scent is yung sa Bath & Body Works na Warm Vanilla Sugar. Eversince na-introduced sa akin itong scent na ito, ito na yung pinaka-pinaka fave ko. Naalala ko pa nun, yung una kong natry ito, sa pinsan ko pa noon yun. Imported na bigay sakanya ng friend niyang nasa tateh! Shimmer mist siya so may glitters siya tapos sobrang bango at sobrang tagal mawala yung amoy! Naligo ka na't lahat lahat andun pa rin yung amoy! Kaya ever since, warm vanilla sugar na ang binibili kong scent ng bath & body works.

My second favorite is this one Juniper Breeze.
Bihira ko mahanap itong scent na ito. Madalas di siya available. Kaya kung may pagkakataon, i buy! Nakaka-happy lang for me ang scent na ito. Fruity and refreshing! Kaya naging one of my favorites ko 'to kasi andami ko ding nostalgic memories sa U.L. nung accountacy days ko. Mostly, yung umuulan, tapos nasa school. Basta! Haha! Itong scent na ito ang madalas na gamit ko noon. Bigay lang din siya noon ng mga balikbayan titas. Alam niyo naman, ganyan lagi ang madalas na pasalubong nila.

Pero don't get me wrong ha. Gusto ko lahat ng scents ng VS at B&BW! Lalo na lagi ito ang madalas na gift ng mga kamaganak at friends. Sobrang na-aapreciate ko lahat yang mga gifts nila kaya lahat yan ginagamit ko. And hindi basta basta kasi authentic yung mga binibigay nila. Thank you. Thank you. Lapit na birthday ko. Beke nemen. Hahahaha!

Nakaka-sad lang kasi andami nang imitation, non-original/authentic, in short FAKE na VS at B&BW ngayon! Andami na nagbebenta sa mga online shops na ganyan! Kaya madalas ayoko na bumili. Nasasayang ang pera! Parang tubig na lang na mabilis mawala ang amoy! Minsan ang hirap nang kilatisin kung fake or original ba. Kainis andaming scammer!