Search This Blog

Tuesday, December 31, 2024

December 30, 2024 - Nepo Mall at 6pm

Nagpunta ng Nepo Mall at around 6pm to do some last minute groceries. Actually konti lang pinamili ko. Pang "White Salad" lang ni mama for tomorrow's New Year's eve. At 3 packs ng paper towels. Pati pang dinner na rin pala namin ni mudra dahil tamad na kami magluto. Super meal letter B ng Jollibee, upsize ng drinks into pineapple juice. Haha. Yeah in detailed. Dalawa lang kami ni mudra tonight. May mga kanya kanyang ganap yung mga sibs ko. I know late na, kakatapos ko lang din kasi nagpasyente ng 5:30pm. Gabi na daw sabi ni mama para bumili pa ako today ng mga pinapabili niya. Sabi ko naman, okay lang kasi 9pm pa naman magsasara ang Nepo Mall this day and bukas malamang sa malamang wala na kaming time to do this shit. Char! Oo, busy kami kaya wala kaming time mag-grocery nung mga nakaraang araw. Nung pasko nga halos di naman kami naghanda. Ngayong New Year's eve konti lang din dahil kami-kami lang naman ni mudra at mga kapatid ko. Si Juancho lumuwas na kahapon pa dahil ayaw daw niya mangyari ulit yung buong biyahe nakatayo siya sa bus! Nakipagsabayan ba naman sa dami na ng bumabalik ng MNL for work! Na-trauma from last year na uwi niya! Haha! Jusko! Kung ako rin naman, never again men! Hahaha!

Marami ako nakitang kilala ko sa Robinsons Supermarket sa Nepo today! Pero as an ISFJ (Introvert Sensing Feeling Judging) type of personality, i am socially awkward. So, i try to avoid every single one of them as possibly as i can! Hahaha! I'd say hi na lang sa messenger kung sakaling may biglang mag-chat at sabihing "Uy nakita kita sa Nepo!" Hahaha! Kung wala, aba eh mas mabuti! Sorry guys. Nagpapanic talaga ako kapag may nakikita akong kilala ko sa public places. So awkward! 🤣

Speaking of panicking, may nakita akong pinaka-iiwas iwasan kong tao sa buong buhay ko! Dalawa sila actually. Yung isa, he "used to be my friend but now WTFIH (who the fuck is he?!)?!" and yung kasama niya, yung asawa niya na ewan, basta, tangina! Hahaha! Galit pa rin talaga ako eh, no? Hahaha! Oo, tangina eh! Yung asawa niya ang una kong nakita, di ko na nakita yung pagmumukha nung "used to be my friend but now WTFIH". Matic na siguro yun na kung nasaan siya, andun din yung asawa niya. Well, whatever. Wala nako pake kung magkasama man sila at that moment, basta makita ko lang isa sa mga pagmumukha nila, jusko, batse na ako agad! Hindi tuloy ako nakakuha ng cream cheese sa may chiller section kasi nakita ko agad pagmumukha nung gurl na yun! Hahaha! Hanla sorry, masama na kung masama eh may atraso pa sila sa akin! Tangina! Hahaha. Anyway, nevermind. They are not worth my kwento here. They. Are. No. One. But. Mere. Worms. Hahahaha.

Anyway, san na tayo ulit? Ah, dun sa journey ko sa Nepo Mall. Hehe. So after ko nga nagmadaling pumila na sa cashier kasi badtrip na ako sa nakita ko, nagtake out na nga lang ako ng dinner namin ni mudrakels. Buti na lang hindi gaanong mahaba pila sa cashier sa supermarket at jollibee. Took me only around 5-7 minutes of waiting to get my take out.

Right outside the main entrance and exit ng mall, may mga tricycle na na nakapila. So sakay ako kasi medyo mabigat at may bitbit akong dalawang drinks, baka matapon kapag nilakad ko pa pauwi. Though 260 meters lang talaga ang mall sa house namin.

Me: Kuya sa Sunrise lang, magkano?
Kuya Driver: 50 lang
Me: Ang mahal naman kuya! (sabay sakay na agad sa trike dahil nga nagmamadali na ako)
Kuya Driver: (habang kinakalasag na yung trike niya) Bakit kasi hindi niyo dala kotse niyo madam?
Me: Ay wala akong kotse kuya! Poor lang ako!
Kuya Driver: Hindi ako naniniwala! Kutis mo pa lang, kutis pang mayaman! (tapos sinwitch on yung ilaw niya sa loob) Oh! Tignan mo ang ganda mo pa! Ano ba pinangliligo mo? Gatas?
Me: Ay wow kuya! Sana all! Binobola bola mo pa ako. Nakasakay na nga ako sa tricycle mo.
Kuya Driver: Oh doctora ka pa pala! (kasi nga naman naka-scrub suit pa pala ako. Nakita niya name tag ko) Ang pinakamababa na sahod niyo 40,000 kada buwan!
Me: Ay hindi totoo yan! San niyo nakuha yan?? Hahaha!

At hindi natapos kakadaldal si kuyang driver hanggang makarating kami sa bahay within 3 minutes. Hahaha! Kasi nga malapit lang talaga siya! Hulaan niyo magkano binigay kong pamasahe? Hahahaha. 🤣

1 comment: