Search This Blog

Wednesday, November 12, 2025

November 11, 2025 - One Mop Day

Ok, kwento: Marami tayong realizations after nitong bagyo. Here's 2 of the many thoughts i wanna share. I'll make it short and in bullet form kasi tamad kayo magbasa at hindi naman kayo interesado.

1. You don't need a lot of makamundong things. We only need enough. Enough basic needs and enough things which earn you a living. You can add nice things which you think you deserve but just enough to live a comfortable and a meaningful life. Greed is a sin and magiging kalat at basura lang naman lahat yan once nasira ng baha! At hindi mo madadala yan sa langit!

2. You don't need a large house. Ang hirap i-maintain at linisin! Paguwi mo ng bahay niyo after a tiring work, kakain at matutulog ka lang naman! What a waste of space, unless that space is earning money! Again, you only need enough space, just enough to live a comfortable and a meaningful life. And again, greed is a sin.

Eto na lang muna sa ngayon dahil antok na ako. Napagod akong nag-mop! Hehehe

#adayinaboringlifeofgarps 
#day032garps



Saturday, October 4, 2025

October 3, 2025 - Iloilo and Guimaras Foodtrip


Ok, kwento: "What we ate during our trip to Iloilo and Guimaras 1-minute vlog." Alam ko hindi niyo tinatanong pero gusto ko lang magbigay ng honest review. Hahaha..bakit ba? Dahil nga foodie ako (yes, self-proclaimed, haha), whenever i go to a place for the first time, gusto ko matikman kung ano yung local, native or specialty particularly sa place na yun, experience their food culture ba. Yung makatikim ng something new, for the first time of course, brings me delight! Chariz! Since taste is subjective naman, so whatever my comments are, they are my own preference and my own opinion. Huwag niyo ako awayin. Haha. But to be fair, i'll share na lang my most faves na may konting review nang walang nasasaktan at may mahabang kwento. Hehe.

First fave, Batwan and Bye Bye ice cream ng Happy Endings Creamery in Molo Mansion. Batwan is maasim and mostly ginagamit siya as pampaasim sa mga savory dishes pero surprisingly masarap siya as dessert! Nakakaadik yung pagkaasim niya plus hindi siya matamis which i like even more. Cause you know i'm matanda na. Hihi. Bye bye is burnt rice ice cream. Hindi na bago ito pero first time ko kasi makatikim niyan. One of their bestsellers daw nila to. Infernes, deserve! It's a yes for me! Para siyang ginataang munggo. Hehe. Pero instead na gata, cream or milk ang gamit. Masarap!

Second fave, yung kilawin ng DT Restaurant sa Miagao, Iloilo. Not sure kung anong fish ang ginamit pero feeling ko tuna rin siya. Alam niyo yung SuTuKil ng mga Cebuano (Sugba, Tuwa, Kilawin)? Yung Kil, yun siya. Tuna ang usually alam kong ginagamit kasi na fish sa Sutukil. Typical kilawin na may gata pero ang sarap nito! Yung fish naluto na siya siguro sa pagkakababad sa suka pero ang lambot pa rin. Yung mga aromatics light lang, lalo na yung luya, di masyadong nagooverpower yung lasa at halos wala kang makita among the ingredients kaya di ka masusurprise na 'ew luya' pag ngumuya ka. Hehe. Yung grilled tuna belly, saks lang. Malambot. As of the grilled oyster with cheese, uhm saks lang din pero heto ang masasabi ko, "mas masarap ang talaba ng Dagupan City, mas malinamnam." I can compare kasi nga taga Dagupan ako. Parang Dagupan Bangus ang linamnam ng talaba ng Dagupan. "Umami" i think is the right term. Kung makabisita kayo ng Dagupan, you'll get what i mean. Hehe.

Third fave, yung Pancit Molo ng CarmiΓ±a Balay Nga Bato. Ang sarap niya. Creamy na parang sopas yung soup. At yung chocolate de batirol, ang smooth, parang inistrain muna para walang grainy feels sa lalamunan. Hindi siya kagaya ng ibang natitikman kong chocolate de batirol na may parang buhangin feels. Itong kay Balay Nga Bato ang swabe sa lalamunan at hindi siya matamis, which i usually like kasi hindi nakakasamid.

~~~~ to be continued

Sunday, September 21, 2025

September 21, 2025 - Patola




Ok, kwento: Nung mga bata bata pa ako, ayoko ng patola! Parang itong gulay lang na ito yung pinaka-ayaw ko sa lahat noon. Siguro dahil ang weird niya para sa isang gulay na napaka-bango! For me lang ha. Ang bango niya kasi kapag naluluto. Which i find it weird, pati sa lasa. Iba. Weird yung pagkamabango niya para sa isang gulay. Tapos yung texture niya medyo slimy na parang saluyot. Well, to be honest yung saluyot ayoko din nung una, pero nung napilit kami na kumain ng gulay, nagustuhan ko na rin.

Balik tayo kay patola. Hehe. Yung patola medyo natagalan bago ko nagustuhan compared sa ibang gulay na mas natanggap kong kainin during my adolescent age. Haha. Siguro nasa during my 20s or 30s na ako bago ko siya nagustuhan.

Nasimulan ko siyang nagustuhan nung nalaman kong isang siyang loofah! Hahaha! Yes, dahil isa siyang roughage na naglilinis ng bituka. Dahil sa obsession ko na magdetox dahil feeling bloated ako everytime, feeling ko malilinisan ng patola ang insides ko eh, kaya minahal ko na si patola eversince. Hehe. Well, alam ko namang lahat ng green and leafy vegetables ay roughage, special si patola eh. Loofah nga kasi siya! So ayun, as time goes by na rin at dahil madalas mamalengke si mudra ng patola na hinahalo sa mga dinengdeng at miswa natutunan ko na siya magustuhan. Pati sa lasa at sa texture niya.

Sunday, August 10, 2025

August 10, 2025 - Batanes Day 5 of 5 (May 25, 2025)

Ok, kwento: Upload ko nga to kasi i need to delete na these files from my phone. Here's an effortlessly compiled, no filter, no trending background music vlog. These are all taken only right from my phone so pagpasensyahan sa quality. Which sort of i also like kasi more authentic, more real, more i don't know. Basta! Bakit ba nag-e-explain ako dito? Hahaha..tuloy ko kwento ko sa blogger site ko. Dun kayo magbasa! Andaming chismis dun tungkol sa buhay ko! Hahahaha! Mga chismosa, enjoy! 🀣

https://boringlifeofgarps.blogspot.com/2025/08/august-10-2025-batanes-day-5-of-5-may.html

Tuloy ko kwento dito:
Wait lang ha. Kasi on the process pa itong kwento ko. Hahahaha. Inu-update update ko lang to every now and then. So kung babalikan niyong basahin ang mga blogs ko dito, may nadadagdag. Minsan may nababawas. Pero madalas may nadadagdag.

So anyway, ikwekwento ko lang naman yung mga nangyari during that last day of the trip sa Batanes based sa video and bago ko makalimutan. Ok time check muna, it's 1:10 am as of this moment of writting so baka ituloy ko na naman to paggising ko mamayang umaga or sa gabi na bago na naman ako matulog. Hahaha..bitin ba? Wait lang kayo ha. Exayted much? Bukas na! Tulog muna tayo! πŸ€ͺ

Ok tuloy na natin ang pagkukwento. Time check muna, 4:05pm as of this moment of writing, August 10 pa rin and today is a Sunday. Sunday din yung May 25, 2025 kasi kasama sa video yung snap ko sa simbahan sa Batanes. Last day of the trip namin yun, day 5, and flight namin pabalik na ng Clark is 11 am yata. So may time pa kami mag mass ni ser raymond sa simbahan nila ng 7am. Walking distance lang from our hotel to the church. Parang walang 10 minutes? Tapos after church naghanap kami ni ser kung saan kami makakabili nung bawang na nakatirintas. Nakita kasi namin sa mga guest na nagconference sa same hotel na tinuluyan din namin yun na may bitbit sila na parang gift siya as a token of appreciation? Bawang na nakatirintas na pwede mo isabit sa leeg mo. Ganern! At ang ganda niya! So nainggit kami. FYI, bawang ang isa sa mga local products ng Batanes na ineexport din sa ibang bansa. Hindi ko lang makita yung brochure ng tourism ng Batanes, nakalagay dun eh. Di ko na alam saan ko naitago. Updatr ko to kung nahanap ko. Hehe



Friday, August 1, 2025

Aug. 1, 2025 - Quick Thought and Reflections

So August na! Medyo ambilis na naman ng mga araw. Bukas makalawa Pasko feels na. Pero gusto ko lang magreflect about last month.

Sobrang negative ng nakaraang July. As in literal na negative sa financial status. 2 weeks walang clinic dahil sa habagat, mga bagyo at baha. As in half of the month nawalan ka ng income then yung sanang kinita mo ng 2 weeks na yun katumbas siya nung expenses mo for the month. Negative bruh!

Pero grateful pa rin kasi kahit papaano may savings na kahit kakarampot, may panggastos in case of emergency just like last month na 2 weeks na walang income. No work, no pay kasi kami bhie. Ganyan kapag self-employed. Pero siyempre dahil kakarampot lang yun it will only last for a very short time. Di na kaya kapag lumampas pa ng 2 weeks yun. Sobrang anxious na ko nun bhie kapag tumagal na nang ganun.

Anyway, as much as malapit na kami atakihin ng anxiety dahil sa walang income, di ko rin naman maalis sa isip ko na paano na lang yung iba na walang wala talaga? Yung walang source of income? Yung isang kahig, isang tuka? Tapos naalala ko si Pers, yung dating naghahatid sundo kina Dana sa East Central noon gamit yung tribike niya. Dumadaan daan pa rin siya dito sa bahay, kumukuha ng kalakal. Pero everytime dumadaan siya dito, siguro once a week, binibigyan din namin siya ng food, old clothes and money, bukod pa sa iniipon namin na pangkalakal niya na binebenta niya sa junk shop. Homeless siya, FYI. Nung isang araw na punta niya rito, inaalipunga siya dahil nababad nang ilang araw na sa baha. Iika ika na siya maglakad. Sobrang awa kami sakanya. So paano na lang siya di ba? Mukhang wala na rin naman siyang pamilya. The only posession he has is his tribike. Hindi ko alam ibang details ng buhay niya pero just looking at him, you know.

Wednesday, July 30, 2025

July 30, 2025 - My Feel Good Movie List

Dahil may nadaanan akong post about Joshua Jackson and The Mighty Ducks, may mga naaalala akong movies nung younger years ko, not limited to my teen years and early 20s na ilang beses ko na napanood and gusto ko pa rin mapanood ulit ngayon:

1. The Mighty Ducks 1, 2, 3
2. Little Giants
3. The Goonies
4. Honey I Shrunk the Kids 1,2, Honey We Shrunk Ourselves
5. Back to the Future 1, 2, 3
6. Now and Then
7. She's All That
8. Casper
9. Angels in the Outfield
10. Little Rascals
11. It Takes Two
12. Sandlot
13. The Indian in the Cupboard
14. Dumb and Dumber
15. Eurotrip
16. American Pie
17. Jumanji
18. Hook
19. Jurassic Park
20. Twister
21. 10 Things I Hate About You
22. Blank Check
23. Richie Rich
24. My Girl 1, 2
25. Babe
26. Clueless
27. Baby's Day Out
28. Dennis the Menace
29. White Chicks
30. Scary Movie
31. Addams Family
32. Beethoven
33. Teenage Mutant Ninja Turtles
34. Karate Kid
35. Space Jam
36. The Baby Sitters Club
38. Mrs. Doubtfire
39. Little Big League
40. The Secret Garden
41. The Next Karate Kid
42. Look Who's Talking
43. Journey to the Center of the Earth
44. Matilda
45. 17 Again
46. A Little Princess
47. The Brady Bunch Movie
48. The Breakfast Club
49. Flipped (nasa 20s nako nito pero lapag ko lang dito)
50. Practical Magic
51. Empire Records
53. Reality Bites
54. Waterworld
55. Coneheads
56. Pet Shop
57. 3 Ninjas
58. Ghostbusters
59. What A Girl Wants
60. Not Another Teen Movie
61. Can't Hardly Wait
62. Jawbreaker
63. Forest Gump
64. Castaway
65. 10,000 B.C.
66. Free Willy
67. I Know What You Did Last Summer
68. She's Out of My League
69. She's the Man
70. Miss Congeniality
71. Shawshank Redemption
72. 


The list goes on. Will update everytime maalala ko. Feel free to comment your feel-good movie, baka parehas tayo, di ko lang maalala yung iba sa ngayon.

Saturday, June 28, 2025

June 28, 2025 - Drafts

Ok, kwento: andami nang nasa drafts ko, ipupublish ko ba? Hehe. Di na naman ako makatulog. It's 1:17am as of this time of writing. Nainis lang ako kasi kakalabas lang ng Squid Game Season 3 tapos sa news feed ko sa fb andami nang spoiler. Hehe. I know i know, pwede namang huwag muna ako mag-fb and panoorin ko na lang nang tuloy tuloy yung SG3 in peace, eh gusto ko nga mag fb eh!! Hahahaha. Galit yarn? Ewan, may ADHD na nga yata ako eh. Sa 1 hour episode kasi ng isang kdrama, hindi ko kayang panoorin yan nang isang upuan lang. I will pause at 10-15 minutes of continouos watching then i will switch into doing something else. Hindi ko kaya teh yung tuloy tuloy na panonood kaya yang isang episode nahahati yan sa apat, minsan pa nga lima o anim! Hahahaha!

So napunta ako sa blogging ulit. Cause i need to express what i'm effin' feeling today and for the past few days. Ayoko mag-rant sa social media, nakakahiya. Hahaha! Kaya dito na lang. Medyo gumagaan pakiramdam ko when i'm journalling, journalling??? May word bang ganun?? Haha. And kapag binabalikan kong basahin yung mga naisulat ko, natatawa ako eh. Kaya ko pa lang magsulat ng ganun? Haha. (*pats myself on the back 🀭)  Ang daldal ko sa blogs. Pero mahiyain ako in person. Chariz! Pero di nga, oo mahiyain talaga ako. Or maybe, may pinipili ang kadaldalan ko. 🀷

Anyway, itulog ko na lang muna siguro ito. Ituloy ko na lang ulit siguro yung SG3 bukas. May pasyente pa pala. Haha. Tigas na naman ng ulo eh! Wala bang mag-ggood night sa akin diyan? I guess wala. Eh wala talaga eh! Tengeneng yan! Pangit ba ako?? Wala bang may crush sa akin?? Hahaha! Biglang nagdrama eh! Epekto na yata to ng pagpupuyat! Oh siya siya! Good night self dahil walang nag ggoodnight sa akin kundi sarili ko lang! Oo sarili ko lang! Hahaha! (pathetic biatch). πŸ˜…

Friday, June 13, 2025

June 13, 2025 - Vunong

Ok, kwento: Trinay? Ni-try? We tried? Hahaha. Ah basta. Sinubukan namin ni ser i-experience yung "vunong" sa "Vunong at Jessica's Place" sa Batanes.

"Vunong" nga pala refers to a traditional meal ng mga taga Batanes. Wrapped ito ng breafruit leaves. Ang unique niya kasi di ba mostly ang common na alam nating pinangbabalot ng mga native foods ay dahon ng saging o kaya yung wineave? Ni-weave? Woven? Hahaha!!! Ah basta yung hinahabi na tuyong dahon ng coconut leaves gaya ng ginagamit sa pambalot ng "patupat" sa pangasinan or "puso" sa cebu.

Yung vunong sa jessica's place, isang set na siya na iseserve sayo. Walang ibang tanong kundi, 'ilan?'. Walang ibang menu kundi yun lang. Matic. Nakakahiya nga nung pumunta kami ni ser dun, pasado 8pm na yata. Pa-closed na sila. Hinihintay na lang yata nila matapos yung mga naunang kumakain. Pero ambait nila kasi winelcome pa rin kami at kung okay lang ba daw na maghintay kami kasi naubusan na yata ng sila supplies. Kinailangan pa daw nila magprepare ulit. Huhu. Soafer nakakahiya. Pero mababait talaga sila dun. Lahat ng locals sa Batanes napakafriendly.

Detailed component ng vunong, composed siya ng traditional turmeric rice, tapos may different kinds of meat. May beef tapa, may fish, may meatball, may Ivatan-style preserved pork na ang tawag daw ay "lunyis". Tapos lahat yan nakabalot sa Nakapalaking breadfruit leaves. Yung meal set may side dish nang kasama na parang beef soup na may pako leaves. Di namin alam ang tawag pero para siyang beef nilaga. Tapos may pako salad at "wakay" (kamote) pancake as dessert. Ang verdict? Siyempre masarap. As you can see sa reactions namin ni ser sa 10-minute vlog ko. Watch niyo, huwag na kayo mahiya. Hahahaha.

Food: 9/10
Service: 10/10

Ambiance: 9/10 (Very home-y. Presko! Actually bahay talaga siya ng may-ari. Malamang si madam Jessica 😁 Tapos ang dining nasa parang side garden nila. Limited ang tables and chairs na napakabigat dahil gawa yata sa narra o molave. Sosyal! ☺️ Pang small crowd lang talaga which we liked kasi parang napaka-private, napaka-peaceful at natututukan nila yung quality ng sineserve nila nang hindi rin nagmamadali. Plantita si madam Jessica! Ang daming halaman! Ang daming orchids! Ang gaganda! Also as a nagmamarunong na plantita, i know, ang mamahal ng mga halaman nila. Downside lang ng maraming halaman sa bahay? Malamok! Sinindihan nga kami ng katol (iykyk 😁) Pet-friendly din sila kasi may pet dog sila na friendly din. 😊

Ok, side kwento: May pinagkukwentuhan kami ni ser about sa kundol na nakain namin earlier this day nung nag-lunch kami somewhere during our tour. Haha. Wala lang. Share ko lang. Nasa vlog. Turn on the subtitles na lang para maintindin niyo kasi may mga parts talaga na hindi ko naiintindihan pinagsasabi ni ser. Hahaha. Yun lang. Andami ko pang gustong sabihin dito eh pero, masakit na ulo ko. Itulog ko na muna. Till my next blog. Magbasa kayo! Na808080 na tayo dahil di na tayo nagbabasa eh. Puro na lang reels! Puro tiktok! True? True! K, see yah! Peace! ✌️

Friday, May 16, 2025

May 16, 2025 - PRC

Ok, kwento: So kanina nga sa PRC office nung nagpaparenew ako ng ID, amoy na amoy beh buong office yung kwan. So bigla ako nag-crave ng shawarma. Tapos right outside sa office ng PRC may Turks! Hahaha! Yung manifestation and asking for signs ko talaga laging binibigay ni Lord pero yung makita yung crush ko in person ayaw Niya ibigay! Char! 🀭

P.S. Kung makita niyo man ako somewhere kumakain mag-isa, yes i'm lonely kaya buntukan niyo ako ng pera para sumaya naman ako. 😊

Wednesday, May 14, 2025

May 12, 2025 - Post-elections

Post-elections.

Bread House Resto
Ambiance: 9/10 (interior+exterior)
Parking: 8/10 (important 'to sa mga kainan, believe me)
WC: 5/10 (pang isahan lang ang CR? Nasad ako πŸ™)
Customer Service: 9/10 (servers+security guards outside)
Food: 7.5/10 (presentation), 6.5/10 (taste)

Babalikan?: Sure! Di ko pa natikman lahat eh. Malay niyo tumaas ang 6.5/10. Hinahanap ko yung wow factor pero i'm sure may i-i-improve pa sila when it comes to food. Di ba nga foodie ako??? Hahaha!

Disclaimer: Sariling opinion ko lang 'to. Huwag kang ANO diyan! 🀣