Search This Blog

Friday, August 23, 2024

August 23, 2024 - Limerence

 Lagi na lang napapadaan sa fyp ko sa tiktok, facebook or saan mang social media site yung term na "Limerence". Well, yeah algorithm, i know, kasi madalas ko rin naman i-like kapag naeencounter ko 'to.


Let me define Limerence in my own understanding and based sa aking experience. Hehe.:

So Limerence, ito yung may crush ka pero di ka naman niya kina-crush-back. Hahaha! Yung pagka-crush mo sakanya umabot na sa point na delulu ka na. Ini-stalk mo lahat ng social media accounts niya. Umaasa ka na baka naman pwede maging kayo. Why not di ba? Posible naman pero hindi ka naman niya kinakausap, so paano? Hahaha! Madalas kang mag-imagine ng mga scenes na "kayo" doing what "being kayo" is supposed to be doing. Minsan napapanaginipan mo siya dahil lagi mo siyang iniisip. Ini-stalk mo nga kasi lagi  ang fb profile niya, checking if he's online. Alam na alam mo kailan siya nag-oonline pero hindi ka naman niya china-chat. Hahaha! Lagi mo nga hina-heart ang mga shine-share niyang memes sa fb kahit wala namang kwenta. At dahil nga delulu ka, minsang mapa-heart din sa mga posts mo, akala mo naman may gusto na din siya sa-yo! Delulu amfufu! Hahaha! The list goes on and it's kinda pathetic.

So heto nanamn tayo sa crush crush na yan! Cringggee! Ang cheap! Ang pathetic di ba? Ito pa nga lang na pag-create ng entry about limerence is already one sign of limerence. "Jusko Mayan! Ang tanda mo na crush crush pa rin nasa isip mo! Dapat nga may asawa kana. Dapat may anak ka na. Tumatanda ka nang dalaga. Walang magaalaga sayo kapag tumanda ka. Sayang egg cells mo. Nabubulok na yung matres mo. Mamamatay kang mag-isa." Heto yung mga naririnig ko sa mga toxic people na nakapaligid sa akin. Hahahaha! Deym!

Wait. Parang ayoko na ituloy tong entry na to. Naisip ko lang naman na ilagay sa entry ko for this month yung Limerence eh. Medyo nawawalan nako ng motivation to write something. Yung may sense. I just want to vent out. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami ko din gustong gawin pero madalas tinatamad ako. Gusto ko na lang humilata sa kama buong araw. Do nothing and just think, think think. Is it the hormones? Or i'm just getting old. I don't know na.

Need ko rin siguro ng kausap. Pero kasi napansin ko rin madalas kapag once may nakakausap nako, ayoko na din bigla nang may kausap! Hahaha! Baliw na ba ako? Or is it because i'm a gemini. Heto na naman tayo sa mga zodiac signs na ito. May nabasa ako na isa sa mga nakaka turn off sa isang tao is yung mahilig sa mga zodiac zodiac signs na yan. Cringe daw? Totoo ba? Well..i think totoo. Haha!

Nalulungkot ba ako? Hindi ko din alam. Siguro? Pero hindi rin. Haha. Ang gulo ano? I'm not happy but i'm not sad either.

May nagbabasa ba nitong mga blogs ko? Kasi kung meron man, ang cringe ano?? Not sharing this to my social media sites kasi wala namang sense itong entry na to. Hehe. Gusto ko lang may mai-publish. Malalaman ko na lang na may nagbabasa nito kapag may nag-comment. Pero sana naman you could tell me who are my commenters pero nawawala din kasi yung suspense thinking na "sino kaya yung nagcomment na yun?"


Ayoko na. Bye. :)

Monday, August 5, 2024

August 5, 2024 - Ang Prinsesa at ang Gisantes

Ok, kwento: Speaking of "Princess and the Pea", naalala ko nung 1st year high school ako, may pina-homework sa amin sa Filipino subject na mag-summarize ng isang foreign fairy tale tapos itranslate sa Tagalog.

Criteria to get a perfect or a high grade should be in 500 words maximum and should be in 1 paragraph only. Not really sure kung 500 words nga ba talaga or 10 sentences. Hindi ko na maalala. Basta parang ganun na may limit sa number of words or sentences! 😄

Tapos yun na nga, napili ko ang "The Princess and the Pea". Sobrang privileged ko noon dahil sila mama bumibili talaga ng mga reading materials or books na mga pambata, e.g. compilation of signatured classic fairy tales. Yung mga books na naka-hard bound, makukulay, maraming drawings at makikintab na papel. Marami rin kaming references and sources kasi sila lola at lolo marami ring books, encyclopedias and dictionaries. Tapos yung pakarami raming set of encyclopedias topics arranged from A to Z. May mini library sila lolo noon. Mini library kasi may isang corner ng mga cabinet and shelves na puro books. And baka nga nakumpleto ni lolo lahat ng issue ng magazines ng National Geographic up until today kung nabubuhay pa si lolo ngayon. Speaking of National Geographic magazines ni lolo, i think nadisposed na lahat yun nung nababad sa baha. Sayang! 🙁

We were so "Privileged" back then dahil hindi na namin kinailangang pumunta pa ng school or public library para lang makapag-research. And take note, hindi pa uso ang internet at cellphone noon. Though may computers na, computers are not yet for everyone's use pa sa panahon na yun. So, thank you lola and lolo! We know you are partying hard na up there in heaven! Eyyy! 😄🤙

Balik tayo sa "The Princess and the Pea". So siyempre may book kami niyan noon at may English-Tagalog dictionary rin kami. Ngayon, may google translate na eh. Napakaswerte ng mga estudyante ngayon. Just right now in-enter ko sa google translate ang Tagalog ng "The Princess and the Pea",... it's "Ang Prinsesa at ang Gisantes". Papahirapan ko pa ba ang sarili ko na alalahanin kung anong Tagalog ng Pea?? So siguro nga ganyan yung title na sinulat ko noon.

Another requirement ng homework activity na yun is dapat type written sa isang short coupon bond. 1 inch margin on all 4 sides. Wow! Naalala ko pa! Haha! Dahil nung time na yun wala kaming typewriter, nakiusap ako sa bestfriend ko nung high school na si "Bekang" na i-typewritten yung sa akin since alam ko sila may typewriter sila. Binigay ko kay "Beks" yung summary ko para siya na ang mag-type. Ako ang gumawa nung summary ha, hindi ako nagpatulong kay mama. Ako ang nagsulat from scratch. Ako. 😄

Then ayun na nai-submit naman on time. Nai-check then returned back na to us to see how we did. And yes and of course, i got a perfect grade on that work! 10/10! Beks, my bestfriend, i think also got a perfect grade on her work too. Naalala niyo ba noon na kapag nagbabalik ng activities na nasa coupon bond, isa isang inaannounce kung ilan ang nakuha mong grade sa harap ng buong klase? Well, ganun yung eksena noon.

So eto na nga, ang highlight ng aking story for today. Hahaha! Habang tinatawag ang name and binabanggit ang scores, may palakpakan na may kasamang kantsawan yan. When it's my name na being called, boom perfect score nga! Siyempre i'm elated and proud of myself. Pinaghirapan ko yun eh! Then in the middle of my moment, meron kaming isang atribida na kaklase na bigla bigla na lang nagsalita out loud in front of everybody, "Ta si "M (real name ng bff ko) ang gumawa!" So nasabi ko na lang siguro sa sarili ko that time, "WHAT?? Tengena ka!" Hahahaha! Panira ng moment amfufu! Take note, lalaki siya! Inggit ang qaqu!

I don't mean to be mysogynist or whatever pero hindi ko kasi ineexpect na sasabihin yun ng isang male classmate ko. Though right after naman niya sabihin yun, may "Joke lang" sabay tawa, well mej napahiya din ako nun noh. Hayop! Hahaha!

Wala naman kaming naging tampuhan nung classmate ko na yun after. Alam naman naming lahat na mapangasar lang talaga siya. Hindi ko lang talaga makalimutan yung eksenang yun sa Filipino subject na yun! Gahd that was already 26 years ago na pala! Hahaha!

Hanggang ngayon naman friends kami. And lately lang naging pasyente ko pa yung anak niya. Hahaha. Turns out, naging crush niya pala ako nung high school! Hahaha! What are the odds?! 😁

Wednesday, July 10, 2024

July 9, 2024 - Reflect

Today's a Tuesday. I have no patients scheduled today. Though may nag walk-in kanina, sabi ko i-schedule na lang siya for tomorrow. Day-off ko today. Este, wala pala akong day-off. Day-off ko lang kapag walang pasyente and kapag tinamad ako magclinic. I own my time. Hehe.

Kung walang patient and kung walang gala, i usually clean the house. Hindi yung general cleaning ha. Hindi kaya ng isang araw kapag i-general cleaning ko ito. Walis, walis lang at mop ng floors. Nagre-arrange din ng konting furnitures at konting punas ng alikabok.

Ako lang ba? Yung nakaka-experience na habang naglilinis, o kaya kapag naghuhugas ng mga pinggan or any household chores, yun yung time na andami mong naiisip? Kung ano-ano tumatakbo sa utak mo. Halo-halo. Naiisip mo yung mga nangyari sa past, yung mga expectations mo in the future and yung current situation mo in the present. Minsan depende pa sa mood na kapag badtrip ka habang naglilinis today, yung mga naaalala mong nangyari in the past puro badtrip rin. Minsan mai-inspire kang gumawa ng kung ano-ano na namang bagay na mag-u-uplift ng character, morality and spirit mo. Mag-babasa ng libro, aaralin sa gitara yung isa sa mga favorite song mo na matagal mo na gustong aralin, wala lang time, o kaya mag-eexercise, na oo parang pangarap na lang lahat yan. Hahaha. O kaya magpaplan ka in your mind na, 'Okay, mamaya aayusin ko na yung cabinet ko na 1 month ko na pinaplanong ayusin.', tapos bigla ka na naman tatamarin. Hahaha. Oo, this day naisip ko gawin yan pero as usual tinamad na naman ako. Hahaha.

While doing all these pagwawalis and mopping kanina, siyempre laging may naka-play na music on my background. Hindi na mawawala yan. Ewan, i can't live without music talaga. Can you? Di ba hindi rin? Anyway, naka-play lang in random yung playlist sa spotify, yung Tatak Pinoy yata yun then one of the songs playing has a lyrics na nagpapa-alala sa akin yung mga nagawa ko in the past. As a human being, i also did a lot of bad things. Not to the point na i killed somebody ha. Haha. But, bad things na nabanggit sa 7 deadly sins. Yeah i know, lahat tayo nagawa lahat yan. We are all humans. We are sinful. Kaya si Jesus Christ sacrificed for our sins... Wait... Isantabi muna natin yang religious side of my story.

As i was saying, everytime na naglilinis ako or naghuhugas ng pinggan or anything doing household chores, nagkakaroon ako ng reflections moment. Which is not bad at all. Kumbaga para siyang therapeutic na rin for me. Well, kaya nga 'Reflect' ang title nitong entry. Kayo ba? Do you also experience the same?

P.S.: After i cleaned the house, i rewarded myself with some Shrimp Aligue Pasta. Na naman! Because marami akong stock ng aligue sa ref. 😃 Nakapag-luto ulit and pasta na naman. I know, i know. Pasta na naman?? Yes, pasta is one of my comfort foods and as you all know, i love cooking and cooking is my love language. 🥰

Tuesday, July 2, 2024

July 1, 2024 - Crush ko si...


Sinusubok na naman tayo ng katamaran. Alam kong hindi naman ako obligadong gumawa ng entry dito palagi pero sayang naman di ba? Naumpisahan na. Ano ba 'to? Diary?? 😅

Last month isa lang ang entry ko. Busy ako. Sige, isa na sa mga dahilan yung clinic. Pasyente. Halos everyday, which i am grateful. I'm not complaining. Pero naman bes, last month, oo nga pala, nagkasakit ako.

Yung pag atake ng asthma ko last month hindi ganun sa dati nung bata bata pa ako up to my teenage to early 20s ko. Super mild. Hindi ko kinailangang gumamit ng nebulizer and nakakapagclinic pa ako. Well, nagstart naman kasi sa sipon na may kasamang mild sored thoat sa una then unti unti nang nagumpisa ang pag ubo ubo ko.

For the whole month of june, inuubo ako. Medyo masama ang pakiramdam but not to the point na bed ridden ako. Nakakapagpasyenye pa nga eh. Pero napansin na din ng mga pasyente ko matagal na nga itong ubo ko. Up until today, July 1 na, may konting ubo pa pero pagaling na rin naman.

Hindi ako physician pero may diagnosis ako sa sarili ko. Haha. Yan tayo eh, self diagnosis lagi. 1st, i think, think lang ha, it was the C word. Like nung sakit kaya nagkapandemic. Pero dahil i am already vaccinated with booster, ang C na yun is parang trangkaso na lang ngayon. In denial?? Haha. Di naman ako nagpacheck up eh so how am i be so sure?? 🤣

2nd, eto sure ako. I was over fatigued. Yung trabaho ko nakakapagod din. Akala niyo ba easy peasy ang dentistry? Haha. Try niyo. Sinabayan pa ako ng puyat lagi. So humina ang immune system ko. Eto sure ako kung bakit ako puyat lagi. Dahil ito dun sa crush ko eh! Hahahahahahahahahaha!

So ito na nga ang chismis mars... Hahahahahaha! Gagi joke lang pero may half truth. Choz! 🤣 Puyat nga ako lagi kasi ini-stalk ko yung crush ko sa mga social media niya. Inaabangan ko kung online siya. Eww, stalker! 🤣 Para na naman akong PBB nito (PaBeBe na parang teenager). Juskoday! Itong kwarentang to kumakarengkeng pa! 🤣 Puyat lagi, kagaya ngayon, nagpupuyat ulit, chinicheck kung online siya, at inaabangan ko bawat post niya.

Gusto niyo ba ng clue kung sino siya? Comment down below. Hahahahaha! Chariz!

Ang masaklap mars, puyat nga ako lagi, pero never ko pa naman siya nakausap. Ni 'hi' or 'hey' sa messenger, wala mars! Parang tanga ano? 🤣Ayoko mag-initiate ng communication mars. Natatakot ako.

Hindi ko na maalala kung yung mga past relationship ko eh, ako ba yung nag-initiate or sila. Ew! May ganito ako?? Hahaha. Though now, hindi naman ako naghahanap ng someone ngayon. Wala ako intention na makipagrelationship or whatsoever sakanya ha. Friends nga kami sa fb matagal na eh, around 12 years ago na yata kaming friends pero never pa kami nagkita in person. Nagha-heart sa mga posts of each other, nagla-like, nagco-comment paminsan minsan pero never nagchat. Hahaha! Saklap noh? 🤣 Oh ayan may clue na! Stalk niyo mga fb posts ko. Isa isahin niyo! 🤣

Siguro nga i don't interest him. Kasi kung meron man ni isang patak ng interest, makikipagusap yan eh. Db? Correct me if i'm wrong ha. Men, aminin niyo. 🤣 Sa pagkaka alam ko, matagal na rin naman siyang single. Wala lang talaga siyang interest sa akin. Periodt. 🤣

*I'll end this entry here. May ADHD yata ako. (Self diagnosis ulit ✌️😁) Gusto ko na muna i-open yung farmville ko. 🤣

*Isa na namang napakawalang kwentang entry. Nagpuyat lang. Salamat sa pagbabasa. Peace yow! Until next 'napakawalangkwentang entry' 🤣

*Bitin ba sa kwento? Comment down below kung gusto niyo pa para sipagin ako. 🤣

P.S.: Walang kinalaman yung photo sa topic ngayon. Gusto ko lang ilagay. Yan lang yung next na ieedit kong video para sa cooking vlog ko. Abangan. Hahaha. 🤣

Monday, June 17, 2024

June 17, 2024 - Pait at Alat


Oo nga hindi mo tinatanong, pero isa to sa mga favorite kong luto ng talaba. Simple lang kasi eh.

Yung pait ng dahon ng ampalaya at yung anghang ng luya, feeling ko nagagamot niya yung ano mang sama ng pakiramdam ko.

Literal na sama ng pakiramdam ha. Like ubo, sipon at hika. Well, yung luya at ampalaya naman talaga kasi medicinal plant sila.

Bonus points na lang din yung linamnam at distinctive taste of saltiness at lasang tubig dagat yung talaba.

Inalmusal ko ito today. A nutriment to start another busy day in the clinic today.

Sunday, May 26, 2024

May 26, 2024 - Decade Four

Today marks the first hour of my 4 decades of existence in this so called planet Earth.

I have come to acknowledge that, just like Jon Snow, I still "Know Nothing". 

There's still so much to learn, places to go, emotions to contemplate and control, people to meet and build rapport (and be disappointed by their existence and wished you have not met them anyway and end up being a misanthrope). Kidding. 🤣

Those realizations are enough reasons to always remember to remain humble, be appreciative and be grateful for everything, for this gift of life, for the good, and the bad and the ugly that comes with it. For there's always pros and cons, negative-positive, ups and downs, yin and yang.

This day might also be the best day to apologize to the people i called old at 40 when i was a lot younger. 'Cause now i finally get it when they said, they effin' do not know what the f*** they were doing back then either. Sorry... The meme was true all along! Hahaha!

I have also finally accepted that i could no longer go back to sizes XS and S. It's now M if i wanna feel confidently fanciable but regret it later anyway because you don't know how greatly i endured tucking my bloated pot in just to look like it was the same as when i was 18. So L would probably be my most comfortable fit now, where i could move freely and won't struggle tucking in and holding my breath for a long period of time. 😅

In addition to body changes 😅, this day might also be the best time to regret not listening to our elderly when they said, take good care of your health. Junk the junks! Get enough sleep and exercise daily. Because, deym! I still consider myself young ha but my back feels like it's seventy-ish na! Age diseases also starting to get evident! It's all true! And yes, "Noooooo!" will also be my reaction! 🤣

Lastly, but will never be the last grasp in all of these 40-ish drama, is that never feeling bad ever again for myself for making a lot of mistakes. In fact, making mistakes is the key to learning anything in this world. I have finally embraced the essence of never regreting any of the decisions i made because it will only lead to another decision-making anyway! Then to another mistake, then to another, and then to another mistake to learn from. It's an endless loop! Why waste a stew?

You will prolly still see me making mistakes and might get famous by making a lot of it. Suure..i will get hurt and get scars along the way. Every battle won't be that easy. But, oh no! You will never see me succumb. These scars are my medium to the peak!

Thursday, May 23, 2024

May 23, 2024 - B&BW

Okay, kwento: Simple lang ang kaligayahan ko. Wala po akong chopper ha. Food chopper meron yung tig-50 pesos sa Shopee.

Anyway, simple lang ang kaligayahan ko. Bukod sa food, mahilig ako sa fragrance mists.

During elementary days ko may binubusitsit na akong pabango. Ang pinakasikat noon, Angel's Breath! Naaalala ko nung una ako magkaroon ng Angel's Breath nung 8 years old ako! Turning grade 3 ako nun! School year starts every month of June kasi noon! Oo naaalala ko pa, di tulad ni Mayora! Hahaha!

Ganito itsura nung packaging niya noon.

Tandang tanda ko pa, kasi niregalo siya sa akin ng pinsan ko nung 8th birthday ko! Kung sakali mang maamoy ko ulit ang Angel's Breath, for sure babalik lahat sa akin ang memories ko nung childhood days ko.

Thank you nga pala Koko, kung mabasa mo man ito. Ikaw yung nagregalo sa akin nun noon. But i doubt you remember dahil 3 years old ka palang yata nun. So si mama mo naman talaga yung nagregalo sa akin. Sinulat lang ng "From Koko". Hahaha!

Highschool comes, ang sikat na mga pabango noon ay yung mga pabango sa Bench at Penshoppe. Na-try ko lahat yan pero may pinaka-favorite ako sa Bench. Yung aerosol spray na color green! And i can't believe na until now meron pa rin siya! Sinearch ko nga!


May tatlong different scent ito pero itong green ang pinaka-favorite ko. So kapag naamoy ko ulit ito, maaalala ko yung crush ko nung high school! Hehehehe! Landi!

Okay, college comes. During my Accountancy days ha. So ito na yung mga panahong ang uso is Victoria's Secret at Bath & Body Works. 

Pero ang pinakapaborito kong scent is yung sa Bath & Body Works na Warm Vanilla Sugar. Eversince na-introduced sa akin itong scent na ito, ito na yung pinaka-pinaka fave ko. Naalala ko pa nun, yung una kong natry ito, sa pinsan ko pa noon yun. Imported na bigay sakanya ng friend niyang nasa tateh! Shimmer mist siya so may glitters siya tapos sobrang bango at sobrang tagal mawala yung amoy! Naligo ka na't lahat lahat andun pa rin yung amoy! Kaya ever since, warm vanilla sugar na ang binibili kong scent ng bath & body works.

My second favorite is this one Juniper Breeze.
Bihira ko mahanap itong scent na ito. Madalas di siya available. Kaya kung may pagkakataon, i buy! Nakaka-happy lang for me ang scent na ito. Fruity and refreshing! Kaya naging one of my favorites ko 'to kasi andami ko ding nostalgic memories sa U.L. nung accountacy days ko. Mostly, yung umuulan, tapos nasa school. Basta! Haha! Itong scent na ito ang madalas na gamit ko noon. Bigay lang din siya noon ng mga balikbayan titas. Alam niyo naman, ganyan lagi ang madalas na pasalubong nila.

Pero don't get me wrong ha. Gusto ko lahat ng scents ng VS at B&BW! Lalo na lagi ito ang madalas na gift ng mga kamaganak at friends. Sobrang na-aapreciate ko lahat yang mga gifts nila kaya lahat yan ginagamit ko. And hindi basta basta kasi authentic yung mga binibigay nila. Thank you. Thank you. Lapit na birthday ko. Beke nemen. Hahahaha!

Nakaka-sad lang kasi andami nang imitation, non-original/authentic, in short FAKE na VS at B&BW ngayon! Andami na nagbebenta sa mga online shops na ganyan! Kaya madalas ayoko na bumili. Nasasayang ang pera! Parang tubig na lang na mabilis mawala ang amoy! Minsan ang hirap nang kilatisin kung fake or original ba. Kainis andaming scammer!