Ok, kwento: Gaya ng title ko sa YT channel ko, "Just another mundane December 24 and 25." Kaya nga "A Day in a Boring Life" siya eh. Nakipaglaro lang naman sa natitirang bulilit ni Justy na i-aadopt na ni Achi Nora kinabukasan. Nagluto lang ng konting pang noche buena pero dinner na pala namin yun kasi by 10pm tulog na kami. haha. Gusto lang namin talaga magpahinga nang maaga dahil ilang araw na rin kaming 'feeling under the weather' dito lahat. Nagkahawaan na. Inuubo, sinisipon, hinihika pero tuloy pa rin sa pagpapasyente. Kailangan eh. hehe.
On the 25th, which is today, ganun pa rin. So tulog ako magdamag. Wala ako gana magluto luto. Walang gana lumabas ng bahay. Pero thank God, nakapagpahinga rin nang mahaba haba! Kinabukasan tuloy ang adulting era. Pero, ok, bring it on! Medyo nakapag-recharge na rin naman. Merry Christmas na lang ulit sa lahat. π
#adayinaboringlifeofgarps
#day065garps
#lifewithouttrendingbackgroundmusic
12.24-25.2025
