Search This Blog

Tuesday, December 31, 2024

December 30, 2024 - Nepo Mall at 6pm

Nagpunta ng Nepo Mall at around 6pm to do some last minute groceries. Actually konti lang pinamili ko. Pang "White Salad" lang ni mama for tomorrow's New Year's eve. At 3 packs ng paper towels. Pati pang dinner na rin pala namin ni mudra dahil tamad na kami magluto. Super meal letter B ng Jollibee, upsize ng drinks into pineapple juice. Haha. Yeah in detailed. Dalawa lang kami ni mudra tonight. May mga kanya kanyang ganap yung mga sibs ko. I know late na, kakatapos ko lang din kasi nagpasyente ng 5:30pm. Gabi na daw sabi ni mama para bumili pa ako today ng mga pinapabili niya. Sabi ko naman, okay lang kasi 9pm pa naman magsasara ang Nepo Mall this day and bukas malamang sa malamang wala na kaming time to do this shit. Char! Oo, busy kami kaya wala kaming time mag-grocery nung mga nakaraang araw. Nung pasko nga halos di naman kami naghanda. Ngayong New Year's eve konti lang din dahil kami-kami lang naman ni mudra at mga kapatid ko. Si Juancho lumuwas na kahapon pa dahil ayaw daw niya mangyari ulit yung buong biyahe nakatayo siya sa bus! Nakipagsabayan ba naman sa dami na ng bumabalik ng MNL for work! Na-trauma from last year na uwi niya! Haha! Jusko! Kung ako rin naman, never again men! Hahaha!

Marami ako nakitang kilala ko sa Robinsons Supermarket sa Nepo today! Pero as an ISFJ (Introvert Sensing Feeling Judging) type of personality, i am socially awkward. So, i try to avoid every single one of them as possibly as i can! Hahaha! I'd say hi na lang sa messenger kung sakaling may biglang mag-chat at sabihing "Uy nakita kita sa Nepo!" Hahaha! Kung wala, aba eh mas mabuti! Sorry guys. Nagpapanic talaga ako kapag may nakikita akong kilala ko sa public places. So awkward! 🤣

Speaking of panicking, may nakita akong pinaka-iiwas iwasan kong tao sa buong buhay ko! Dalawa sila actually. Yung isa, he "used to be my friend but now WTFIH (who the fuck is he?!)?!" and yung kasama niya, yung asawa niya na ewan, basta, tangina! Hahaha! Galit pa rin talaga ako eh, no? Hahaha! Oo, tangina eh! Yung asawa niya ang una kong nakita, di ko na nakita yung pagmumukha nung "used to be my friend but now WTFIH". Matic na siguro yun na kung nasaan siya, andun din yung asawa niya. Well, whatever. Wala nako pake kung magkasama man sila at that moment, basta makita ko lang isa sa mga pagmumukha nila, jusko, batse na ako agad! Hindi tuloy ako nakakuha ng cream cheese sa may chiller section kasi nakita ko agad pagmumukha nung gurl na yun! Hahaha! Hanla sorry, masama na kung masama eh may atraso pa sila sa akin! Tangina! Hahaha. Anyway, nevermind. They are not worth my kwento here. They. Are. No. One. But. Mere. Worms. Hahahaha.

Anyway, san na tayo ulit? Ah, dun sa journey ko sa Nepo Mall. Hehe. So after ko nga nagmadaling pumila na sa cashier kasi badtrip na ako sa nakita ko, nagtake out na nga lang ako ng dinner namin ni mudrakels. Buti na lang hindi gaanong mahaba pila sa cashier sa supermarket at jollibee. Took me only around 5-7 minutes of waiting to get my take out.

Right outside the main entrance and exit ng mall, may mga tricycle na na nakapila. So sakay ako kasi medyo mabigat at may bitbit akong dalawang drinks, baka matapon kapag nilakad ko pa pauwi. Though 260 meters lang talaga ang mall sa house namin.

Me: Kuya sa Sunrise lang, magkano?
Kuya Driver: 50 lang
Me: Ang mahal naman kuya! (sabay sakay na agad sa trike dahil nga nagmamadali na ako)
Kuya Driver: (habang kinakalasag na yung trike niya) Bakit kasi hindi niyo dala kotse niyo madam?
Me: Ay wala akong kotse kuya! Poor lang ako!
Kuya Driver: Hindi ako naniniwala! Kutis mo pa lang, kutis pang mayaman! (tapos sinwitch on yung ilaw niya sa loob) Oh! Tignan mo ang ganda mo pa! Ano ba pinangliligo mo? Gatas?
Me: Ay wow kuya! Sana all! Binobola bola mo pa ako. Nakasakay na nga ako sa tricycle mo.
Kuya Driver: Oh doctora ka pa pala! (kasi nga naman naka-scrub suit pa pala ako. Nakita niya name tag ko) Ang pinakamababa na sahod niyo 40,000 kada buwan!
Me: Ay hindi totoo yan! San niyo nakuha yan?? Hahaha!

At hindi natapos kakadaldal si kuyang driver hanggang makarating kami sa bahay within 3 minutes. Hahaha! Kasi nga malapit lang talaga siya! Hulaan niyo magkano binigay kong pamasahe? Hahahaha. 🤣

Wednesday, December 25, 2024

December 25, 2024 - Another after 2am Thoughts

Obviously, it's past 2am. 2:17am to be exact as of this momennt of writing. I just want to savour and remember what i am effin thinking and feeling as of this moment.

Yung feeling medyo alanganin kasi di ko ma-explain. Though marami naman na ako napapanood or nababasa about this. I think it's called limerence. Or is it not? Ewan
Basta kapag about emotions talaga, napakalawak ang scope niyan, mostly hindi accurate at ang hirap i-explain with words.

Kakatapos nga pala ng noche buena. Happy birthday Jesus! Yey! ☺️ Parang nagmidnight snack lang ako. Kasabay ko kumain si cho. That's around 12:30 am to 1am yata. Tulog na si mama, myki at dana. What's on the table? It's ham, queso de bola and chicken macaroni salad. Then napagisip isip ko, why not wrap them with seaweed. Turns out good! You should try it. I think naman anything wrapped in nori sheets will turn out good. Seaweeds kasi enhances flavors and di ba nga, umami...?

Back to why i decided to write this piece again. Parang nagiging freedom wall, confession cubicle at diary ko na ito ha. Well according naman to this blog's description, it's about anything, a place where i get to say what i wanted to say but never did. But...may limitations. Siyempre yung medyo private, embarrasing and i know will get me into trouble, i do not publish. All the people's names involved in each of my published entries, unless it will not harm them, i keep them in my drafts. I just go over them whenever i decided to visit this blogsite and malay ko ba sometimes kapag tinotopak i will just decide to publish them right away and bahala na ulit si batman kung magkabistuhan na. Haha.

Eto na naman. Inaantok na naman ako eh. Actually naka dalawang beses na akong tulog kagabi at ng after lunch kahapon. Mga 3 hours each din yun. Siguto binabawi ng katawan ko yung mga nakaraang puyat ko. Hehe. Puyat ba ang tawag dun? Eh when i sleep at 3am, i will wake up at 8am. So at least i have 5 hours of sleep. And i think it's enough na kasi after clinic hours minsan, i get a short sleep at 5:30pm till 7pm or 8pm. If medyo pagod until 9. Then magdidinner kahit hindi na gutom. Nakasanayan na, which i think i have to stop that habit. Yung kahit hindi naman gutom, kakain pa rin. I want to change that.

*Wait lang. Itutuloy ko pa ba to? Medyo pumipikit na mga mata ko eh. Paggising ko mamaya, malamang iba na mood ko. Ni hindi ko pa nakwento bakit ako malungkot ngayon.

Tuesday, December 17, 2024

December 17, 2024 - Past 2AM Thoughts

Ok, December 17 ngayon, birthday ni mama! Yey! More birthdays mama, and stay healthy please.

Anyway, this is not about mama's birthday. This is about my madaling araw thoughts. Jusko, kahapon parang 4-5 hours lang ang tulog ko. Tapos eto na naman ako nagpupuyat. Inaamin ko, kaya ko naman matulog agad, i just chose not to. Ibababa ko lang tong phone ko, close my eyes, imagine things, and maya-maya tulog na ako agad. Yes i can do that! But just like i said, i chose not to sleep early. Why? Eto...

Have you ever experienced being attached to a person, i mean yah romantically attached pero 50 50 nararamdaman mong 50 percent ganun din siya pero 50 percent sure ka din na hindi? Crazy right? Parang nababaliw na yata ako. Ako lang naman to. Wala siyang kasalanan. Hindi niya alam. Pero di rin ako sigurado na hindi niya alam. See? This goes round and round and round and round. Ayoko na pero parang gusto ko pa.

To be continued...kasi nga eto, antok na ako..hahaha, wag ka magalit ✌️😆

Saturday, December 14, 2024

December 14, 2024 - Untitled Muna

12.14.2014
8.12 km
12602 steps
Ok, kwento:
•Alam ko hindi niyo tinatanong, pero gusto ko lang magkwento. Hehe
•Hanggang 55 minutes lang muna tinapos ko sa ep.4 ng When the Phone Rings.  Naumay ako beh. Bumalik ako sa pakikinig ng Marilag ni Dionela nang paulit ulit hanggang di ko namalayan naka 8.12 km na pala ako. Kaya ko pa hanggang 9km pero we'll save that km goal on the other days. May bukas pa naman. Siguuroo. Hopefully. Babangon pa ako bukas. May mga nakaschedule pa akong pasyente. I need funds. Hehehe.
•Andami na naman pumasok sa isip ko while running, este while jogging? este while treadmilling??? Is there such a word as treadmilling??? So ayun na nga, isheshare ko sana yung mga naisip ko kaso nakalimitan ko na. Haha. Sorry, next time na lang. Or kapag naalala ko i-update ko to. Basta sipagin ako. Hahaha.
•Wash up na muna ako. Bye! ✌️😝
•Walang kwentang kwento! Akin waja ka balet ey? ✌️🤣

December 14, 2024 - This is not good

This is not good na kasi nagiging attached na ako sayo. Hinihintay kita lagi mag-online. Naghihintay ako na baka sakaling i-chat mo ako. Hahahaha. Desperate??? Kaya nga ako napupuyat eh. Hinihintay kita. Actually kabisado ko na kung kailan ka nagoonline. Huhu. Ayoko na. Naaapektuhan na ang daily life ko. Charingg! Haha. Pero seriously, this is getting out of hand. Wala kang kasalanan. This is all my fault. Masyado lang akong easily attached?? And i can easily build a habit like looking at your profile every now and then. To see if you're online or what have you been posting. Malapit ko na nga yata accidentally mapindot yung like button sa mga old pictures mo eh. Na kung sakali mang mangyari yun, eh obvious na obvious na i'm stalking your profile. Hahahaha. Huhuhu. i think i need help na! Hahahaha

Thursday, December 5, 2024

Dec. 5, 2024 - Sinigang na Bangus

Ok kwento: Disclaimer lang. Hindi ito sinigang recipe. Hahaha.

Ok kwento: Sinigang na bangus ang peborit food ni Justy. Sino si Justy? Yung aso namin! Hehe. Nabansagan siyang "miss bangus" nung vet doctor nung minsang dinala namin siya sa vet clinic. Tinatry siyang pakainin ng chicken liver pero ayaw niya. Dog food lalong ayaw niya! Bangus lang talaga! 😅





Wednesday, November 20, 2024

November 20, 2024 - Urbandub

Just a 6-minute compilation of clips. May kwento pa 'to, and will just put everything including other random photos on my blogspot because i know, it's umay na and why not keep my blogspot updated 'cause old school is cool! 😝


P.S.: This kwento is still in process. Antok na ako. Hahaha. Update ko na lang ito every now and then. Sa ngayon, ito muna.

Updated: Nov. 22, 2024, Friday

Just like i promised that i'll be updating this post. So...Urbandub gig. Just a quick background, not about the band but at how i started liking them. Should i say i am a fan? Well, i stan them ever since year 2003 when their Embrace album was released. Most popular song and the first song i liked was Soul Searching. I was first acquainted of this band because of my besfren Jeeboy and his other friends who became also my friends. And the friends of their friends became also my friends and the connection goes on. Hehe. Jeeboy were in a band, so sometimes when they had the chance to play somewhere they were invited to, Jeeboy would sometimes tag me along. Those were the times. Super fun! We were so young during those times! We were in our early 20s. We used to hang out until the year 2010 i guess? And as we grow old, we seldom hang out. Each one of us had to go on with our lives.


Now, Jeeboy and I still hang out until now though not that often but when we see each other, parang kahapon lang kami nagkita. Nothing's changed. Kahit year pa ang nakalipas. Wait, mag-Tagalog na tayo. Ang hirap mag-english eh. So last few months lang, i guess August or September nag announced ang Urbandub on their fb page that they will be having a gig at Baguio on November. So me, not that excited, pero i had this urge na sige why not go to this gig since they are one of my favorite alternative rock local bands. Honestly this was my first time seeing them live though lagi sila dito sa Dagupan every Bangus Festival or during any event na maimbitahan sila, i never go see them live. Unang una, napakaraming tao. I hate the crowds. Sa totoo lang. Ayoko nakikipagsiksikan sa mga crowds dito sa Dagupan. No offense ha. Kahit na i am from here. Hahaha. Nagpupunta ako sa kalutan ed dalan dati. I think mga twice or thrice lang then hindi na naulit. Yun yung mga times na need ko talagang pumunta kasi nagoorganize kami ng get together ng mga batchmates ko nung high school. Kaya alam ko na kung gaano karaming tao at kung gaano kalagkit at kainit during those times. Hahaha! Never again. Hinding hindi ako sumasadyang pumunta ng Bangus Fest just to watch my favorite band perform for free! Not in those kinds of set up. Sobrang hasel for me.


This time, sa Baguio naman, alam ko mas chill ang crowd dahil limited lang ang tickets. And i know yung klase ng crowd ng mga taga Baguio. Iba. Mas kumportable. Mas chill. Ewan pero i love the Baguio peeps! Mas civilized! Hehehe! Paumanhin sa mga tao sa baba. Peace.✌️😄 Taga baba din ako. 😆


Anyway, here are the other random pictures taken. Mga walang kwenta naman din ang mga photos na ito. Naupload ko naman na sa IG ko yung ibang pictures.









Ang galing ano? Urbandub ang title pero ni isang picture ng Urbandub wala! Hahaha! Nasa IG ko nga, or fb. Stalk me na lang! 😄

Medyo maaga natapos yung gig. Pasado 10pm? And may dalawang bands pa na nagperform before Udub. Turncoats and Amateurish. Mga tubong Baguio! At ang gagaling nila! See? Mga artists talaga ang mga taga Baguio. Without a doubt.


So after nga nung event pasado alas diyes, trinay namin magpunta ng night market sa may harrison rd. dun sa puro pagkain dahil gutom na kami. Dito ang sobrang daming tao. Every night yata ganun dun, sinasara nila ang harrison. Nagkataon na weekend kaya ang daming tao. Ang dami ding food! Nilibot namin ni jeeboy pero para wala naman ako trip dahil parang puro kwek kwek, tokneneng, balut at shawarma lang nakikita ko! Foodie ako pero as of that moment, hindi ko trip yung kakain kang nakatayo tapos sobrang daming tao, ang haba ng pila. Gutom na gutom ka na tapos pipila ka pa rin nang napakatagal. Huwag na uy! So nagpunta na lang kami ng session rd. Naghanap ng pwedeng makainan ng ganun oras, mga 11:30pm na rin nun eh. Then oo nga pala, yung Pizza Volante 24hours silang open! Ayos sirin! So dun na lang namin napagdesisyunan na kumain. Hence, the pasta and the refillable brewed coffee sa mga pictures. Pizza Volante pero walang pizza?? Yes, natimingan namin na naubos na ang pizza nila that time and hindi pabraw prepared ang dough. Huhu, sayang. Yun pa naman ang masarap dun. Pero inferness masarap naman din yung mga pasta nila. Sulit na. Di naman sila overpriced.


After having our late dinner, around 1am na yata. Nagpunta na kami sa na-booked naming stay-in. Sa 3bu. Tig isa kami ng pods. Favorite ko na sa 3bu kasi super convenient lang niya and mura pa. Ok naman siya. Sulit na din kasi pagtulugan lang naman talaga ang purpose mo para hindi ka matulog sa burnham park na malamok at sobrang lamig. Hahaha. Sa 3bu you can spend for as low as 400 per head kapag sa upper bunker from 2pm check in until 12noon on the next day. Basta book early and online to avail their lowest fees. Air conditioned ang room, comfortable naman ang bed or bunker, may privacy, though may mga kasama kang ibang back packers, tahimik lang yung place, though common din ang cr, ok naman, nililinis naman siya lagi. I will be checking in again at 3bu kung may mga lagad ako sa Baguio na need ko ng over night stay.



Thursday, November 14, 2024

Nov. 14, 2024 - Atchara

Ok, kwento: Wala muna akong 10k steps tonight dahil umaatake na naman yung migraine ko. Ang salarin? Yung Jjamppong instant noodles ng lucky me na kinain ko kahapon! This is what you get kapag matigas ang ulo mo, sasakit talaga ang ulo mo! Gunggunam! Hahaha! Alam na ngang bawal, sige pa rin. Pinikchuran ko pa nga! Hahaha!



Nov. 13, 2024 - 10K






Ok, kwento: A hundred additional steps from last night. 10376 steps tonight! Yuhoo!

I started monitoring my steps since last week pa. Last week pa-5k 5k steps lang ako. Pero months before ko maisipang i-monitor through my smart watch, 30 minutes walk with konting jog lang ang kaya ko sa walking pad.  Sobrang tamad ko gumalaw galaw ngay. Bumili pa ako ng walking pad a.k.a treadmill tapos di ko lang din gagamitin?? Hahahaha! Display ang peg! Hindi kasi ako nakakalabas ng bahay kaya bumili ako ng walking pad ko, though sobrang lapit lang ng De Venecia Road kung saan nagjojog ang mga tao dito. Unang una, tinatamad ako. Hahaha. Pangalawa, wala ako kasama magjog, boring. 🤷 Pangatlo, delikads, ang dami na dumadaan na sasakyan dun. Mabibilis pa. Tapos mausok at maalikabok. Hehe. Ayoko lang talaga lumabas. 😄 Tsaka last, ewan kung uso pa ba? Hahaha!

Na-motivate ko lang i-extend ang walk ko everyday after ko umakyat ng Mt. Ulap! Anak ng teteng! Ang yabang kong akyatin yung 1800 plus something masl na bunok na yun nang wala man lang akong preparation beforehand. Hahahaha! 30 minutes walking lang ang usual na ginagawa ko noon na hindi rin naman brisk walking, chill walk lang at once in a blue moon pa! Haha! No regular exercise tapos ang trabaho ko sa clinic na nasa bahay lang na madalas pa na nakaupo! Hindi ko kineri lalo na yung pababa ang tarik nung bundok! Buti pala natapos ko kundi tatawanan lang ako ni ser Raymond! Hahahaha! Tengena! Kinagabihan nagawa pa namin gumala ni ser sa Baguio, siyempre additional lakad na naman dahil sobrang traffic sa may Baguio Country Club, sa may Christmas Village na napaka-disorganized ng ticketing at pag-entrance nila dun, which is nakatayo na naman kami for an hour! Ginalit nila si ser ah! Gusto pa makipagaway! Hahahaha! After nun, di na kami nakapagdinner dahil sobrang pagod na ako. Sobrang sakit na ng mga binti, paa at lahat lahat na, masakit! Akala ko mamamatay na ako kinagabihan nun dahil sobrang sakit din ng ulo ko! Tengene!

Teka, inaantok na ako ah. Maaga pa. 1AM pa lang. 1AM??? Maaga pa??? Hahaha! Ituloy ko kwento ko paggising ko sa umaga. 🤣



Sunday, November 10, 2024

Nov. 10, 2024 - Liver Spread

Ok, kwento: Sunday ngayon. As of this moment of writing, it's 9AM at kakagising ko lang. Sorry late na. Hindi ako batugan. Wala naman akong pasyente this morning. Mamayang hapon pa. So, naghanap ako ng breakfast. Sanay nga kasi akong nagaalmusal. Pakagising ko wala si mama, malamang nagsimba. Ako? Bakit di din ako nagsimba? Don't question my faith in God. Chariz! 😌 So nakita ko nga itong Reno liver spread. Ayun. Hindi ko napaalam itong liver spread so malamang pagagalitan ako paguwi ni mudrakels. Gagamitin pa yata ito sa kaldereta. 😅

P.S. More kwento like this on my blog. 😅 https://boringlifeofgarps.blogspot.com

Sunday, October 27, 2024

October 27, 2024 - Stairway to Gen.Luna

Ok kwento: Hindi ako sure kung need ko pa ikwento 'to kasi cringe. Wala namang kabuluhan. May ma-i-entry lang. Sayang eh. Sulitin ang monetization. Hehe.

Nag-pre-dent ako sa UB (University of Baguio) year 2012-2015 pero before ako magenroll ng dentistry, i used to work sa isang homebased call center sa Baguio rin starting year 2008. So medyo matagal tagal rin pala ako nag-stay ng Baguio and i can say, Baguio City was my second home. And nung bumaba na ako to continue my Dentistry proper sa VMUF (Virgen Milagrosa University Foundation), nagkaroon ako ng mild sepanx because i left my heart in Baguio. Chariz! Drama. Naka-move on na ako. Hahaha!

Anyway, yung stairway naman kasi ang talagang topic dito. Na-miss ko lang yung naging buhay ko sa Baguio as a student. And itong stairway na ito from Upper Bonifacio St. paakyat ng Gen. Luna lang naman ang inaakyat ko araw-araw noon papasok ng school. Hindi basta-basta ang stairway na ito dahil matarik! Kung 1st time mo akyatin ito talagang hihingalin ka at kinabukasan, sasakit ang mga binti mo. Idagdag mo pa kung wala kang regular exercise. Ewan na lang kung di ka pa humandusay diyan.

Imagine my used to daily routine noon. After mo malagpasan yang stairway na yan, kailangan mo pang maglakad ng ilang kilometro papunta ng RCB building for your 1st class nang pagka-aga agang 7am, sa 7th floor! Uy ang galing, sira yung elevator! Hahaha! No choice. Use the stairs! 🤷🤣

Ang mga tao sa Baguio, sanay sa akyatan at babaan at pakalayo layong lakaran. Kahit gaano pa katarik, basic na lang ito sakanila. Ito yung nami-miss ko sa Baguio, yung nate-train yung cardio mo. Ang sarap maglakad lang dahil malamig. Papawisan ka ng konti pero hindi gaano nakakapagod kahit napakalayo pa. Sarap din ng tulog after.

After almost 10 years, nadaanan ko na ulit itong stairway na ito. Infairness naayos na yung pagkakasemento. Naging pulido. Hindi na bitak bitak. Medyo lumuwag na yung bawat step. At hindi na madulas, for sure. Lalo na kapag umuulan. Actually sikat itong stairway na ito. Eto nga nagpapicture pa ako oh! Hahaha!



Saturday, October 5, 2024

October 5, 2024 - Angel's

A day in a life of a reklamadora?? Hahaha. Wala naman ako masyadong reklamo. Gusto lang kitang i-redirect dito tapos pindot pindutin mo yang mga ads na nakapalibot dito! Chariz! 🤣

Kidding aside. Reklamo sa Angel's Pizza?? Sa quality at lasa ng mga pizza at nung garlic parmesan wings wala akong reklamo. Masarap at bagong luto lagi at masarap nga yung Garlic Parmesan Wings nila ifurrr! Pero sa napakatagal nilang i-serve ang mga orders! Jusmiyo! Una sa Assada Centre, ayun dun kami una umorder ng pizza. Ubos na daw ang mga chicken and pasta nila. So pizza lang ang na-order for take out. Napakatagal as expected, oo alam na namin laging ganun dun kasi napakarami din kasi nilang orders in line. Sige okay lang, pagbigyan. So naisipan namin pumunta ng branch nila sa Lucao, yung bagong bukas lang. May dine in tables, maraming tables and chairs pero napakarami ring taong kumakain! Ay sus! Mas malala. For only our order of garlic parmesan wings, yun lang, umabot ng isang oras! 🥲

Wednesday, October 2, 2024

October 2, 2024 - Pho & Banh Mi


Ok kwento: On November 9, 2023, kumain ako mag-isa sa "D' Original Vietnamese Bread" dito lang malapit sa amin. Oo, "D' Original Vietnamese Bread" ang pangalan nung kainan na yan. Yan yung nakalagay sa karatula nila. And obviously Vietnamese dishes ang sineserve diyan. Particularly, Pho at Banh Mi, as their business name suggests.

Matagal na itong Vietnamese kainan na ito sa Dagupan. Dito ko din first time makatikim ng vietnamese dishes. I think around year 2004-2005 unang na-introduce sa akin ni Ate Jing (ex-gf ng pinsan ko) itong vietnamese kineme na ito. Sikat ito nung panahon na yun actually dahil naalala ko pati yung bespren ko na si Jeeboy dinala din niya ako dito. Then yung mga pinsan ko laging nag-a-ayang bumili ng vietnamese bread dito.

Maliit lang itong pwesto na ito dati. Meron lang isang food display na stainless steel na may glass na siguro 1-2 meters wide kung saan nakadisplay yung mga baguette and yung mga fillings and condiments on each container. Just like sa authentic streets ng Vietnam na nagseserve ng vietnamese bread. Tapos may isang set lang ng monoblock na table and chairs. So maliit lang talaga siya. Usually kasi for take out lang talaga sila.

Ang nasagap kong chika about dun is, ang original na may ari nun noon is isang Vietnamese na nakapangasawa ng pinay dito. So siya din ang nagluluto at ang gumagawa ng lahat ultimo yung baguette from scratch. Ngayon, wala na daw yung Vietnamese dito. Di ako sure kung nategi na or bumalik na ng Vietnam. Humina ang radar ko sa chismis besh, pasensya na. Hahaha. Anyway, so iba na nga ang may ari ngayon, pinamana na lang daw yung recipe sa kung sino man ang may ari ng pwesto ngayon. Bagong pwesto na rin itong pwesto nila ngayon, lumipat na sila sa mas maraming tao at establishments. Though malapit lang naman nilipatan, dati kasi nasa Bonuan Gueset sila, ngayon sa Arellano na. Sorry sa mga hindi nakakarelate na nagbabasa nito. 😁

So ang verdict nga pala about sa food, dati, oo ang sarap yung pho at vietnamese bread nila noon! Ang layo sa lasa, texture ng baguette and sa ingredients noon na ginagamit nila sa ngayon. Kulang kulang na rin ng ingredients, specially yung mga herbs and spices na dati nilalagay nila. Ngayon tinipid na eh. So-so na lang sila ngayon. Though di naman natin sila masisisi kasi wala na nga yung original na Vietnamese na gumagawa noon. I can compare kasi i have been to Vietnam na din, ate their authentic foods kaya don't tell me na ang arte ko naman! Charies! 🤣

So if you'll ask me if i'll eat there again or buy their vietnamese bread again? Sure! Okay naman eh. Ano lang kasi, nakaka-miss lang siguro yung authentic and original. 😊


Sunday, September 29, 2024

September 28, 2024 - I Know You Know Ikaw 'To



Ang bilis ng mga araw. Di ko namalayan na antagal ko na din walang entry dito. Wala naman din kasi akong ma-kwento. Napaka-mundane ng buhay ko lately. Well, lagi naman. Pero ewan, busy lang siguro. Sa clinic? Naah.
Honestly, na-a-out of focus ako. Dahil na rin siguro na social media. Panay scroll lang. FB, Tiktok, IG, etc. Paulit ulit na lang, everyday. I can't say napupuyat ako kasi i get 6-7-8 hours of sleep a day. Kung napuyat man ako, usually nababawi ko yung tulog sa late afternoon. Gigising na ng late night, magdi-dinner. Then matutulog na ulit. Hehe. Unhealthy routine ano?

So ito na nga yung reason kung bakit ko ulit naisipan mag-entry dito. Hehe. Ayoko na kasi humaba pa to kasi medyo antok na din ako. 11:45pm na as of this moment of writing. Napagod yata ako this day kaya ako inaantok na. Andami ko nagawa today. Himalang walang nagpaschedule ng appointment this saturday so i got to do a lot of things. Typical household chores pero at least nagawa ko after napakatagal na rin. Tapos bukas ayun jam packed yung schedule. Sunday talaga ang free time ng mga patients. Ay wait, tignan mo yan. Lumihis na naman tayo sa topic. Yung reason kung bakit ko ulit naisipan magupload ng entry dito. May ADHD na yata ako.

Ok balik tayo sa topic. Well kasi, gusto ko lang na dito sabihin na, "How are you?" "How are you today?" "How's life lately?" "Are you okay?" "If you want to talk about something, i'm just here. I will listen." "Nahihiya kasi ako i-chat ka. Hindi naman kasi tayo close. Gustong gusto kita kausapin. Matagal na. I already tried actually. I hearted your post, yung sa highlights sa messenger tapos sa chat siya lalabas? Alam mo yun di ba? Nag-thank you ka pa nga eh, in tagalog. Then we started a conversation about your post. Pero na-feel ko na na medyo reserved ka. So sige, inisip ko na lang na, hindi naman kasi talaga tayo close eh. Pagbigyan. So after ilang days, nag-attempt ulit ako. Sent you a photo of a food that reminded me of you. FYI, ikaw naman kasi yung nagsuggest ng food na yun sa comment mo sa photo ko noong matagal na. Nagkataon lang na i have it on hand kaya naalala kita. Haha. Wait nga parang inaaway na kita. 😂  Ang reserved mo pa rin. Di ko magawang pahabain yung convo. Hindi ka kasi nagtatanong. So na-feel ko na. Hanggang dun na lang talaga. I know madaldal ka in person, makwento ka. Marami kang alam. Alam ko conversationalist ka kasi may vlogs ka eh, which i watch every single of your uploads. You talk a lot. You need to talk a lot because that's what you do. Na-sad lang ako na hindi ka interesadong kausapin ako. Na makipagkwentuhan sa akin. Don't get me wrong ha, i just want to know you better and maybe become friends? Kasi i admire you. You inspire me. Feeling ko andami kong matututunan sayo kapag naging friend kita. For me, cool ka! You are good at what you do. Very passionate ka sa work mo dati which i find it so inspiring. And your hobby, na i would also like to learn. Taking pictures! 😢 You have a talent. I also want to learn from you. Gusto ko ulit magheart ng mga latest posts mo sa highlights eh kaso natatakot na ako na baka this time, you will ignore me na. 😢

Siguro nga hanggang dito lang talaga. Just admiring you from afar. Don't get me wrong, hindi kita crush! Huwag kang ma-feeling! 😂

Friday, August 23, 2024

August 23, 2024 - Limerence

 Lagi na lang napapadaan sa fyp ko sa tiktok, facebook or saan mang social media site yung term na "Limerence". Well, yeah algorithm, i know, kasi madalas ko rin naman i-like kapag naeencounter ko 'to.


Let me define Limerence in my own understanding and based sa aking experience. Hehe.:

So Limerence, ito yung may crush ka pero di ka naman niya kina-crush-back. Hahaha! Yung pagka-crush mo sakanya umabot na sa point na delulu ka na. Ini-stalk mo lahat ng social media accounts niya. Umaasa ka na baka naman pwede maging kayo. Why not di ba? Posible naman pero hindi ka naman niya kinakausap, so paano? Hahaha! Madalas kang mag-imagine ng mga scenes na "kayo" doing what "being kayo" is supposed to be doing. Minsan napapanaginipan mo siya dahil lagi mo siyang iniisip. Ini-stalk mo nga kasi lagi  ang fb profile niya, checking if he's online. Alam na alam mo kailan siya nag-oonline pero hindi ka naman niya china-chat. Hahaha! Lagi mo nga hina-heart ang mga shine-share niyang memes sa fb kahit wala namang kwenta. At dahil nga delulu ka, minsang mapa-heart din sa mga posts mo, akala mo naman may gusto na din siya sa-yo! Delulu amfufu! Hahaha! The list goes on and it's kinda pathetic.

So heto nanamn tayo sa crush crush na yan! Cringggee! Ang cheap! Ang pathetic di ba? Ito pa nga lang na pag-create ng entry about limerence is already one sign of limerence. "Jusko Mayan! Ang tanda mo na crush crush pa rin nasa isip mo! Dapat nga may asawa kana. Dapat may anak ka na. Tumatanda ka nang dalaga. Walang magaalaga sayo kapag tumanda ka. Sayang egg cells mo. Nabubulok na yung matres mo. Mamamatay kang mag-isa." Heto yung mga naririnig ko sa mga toxic people na nakapaligid sa akin. Hahahaha! Deym!

Wait. Parang ayoko na ituloy tong entry na to. Naisip ko lang naman na ilagay sa entry ko for this month yung Limerence eh. Medyo nawawalan nako ng motivation to write something. Yung may sense. I just want to vent out. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami ko din gustong gawin pero madalas tinatamad ako. Gusto ko na lang humilata sa kama buong araw. Do nothing and just think, think think. Is it the hormones? Or i'm just getting old. I don't know na.

Need ko rin siguro ng kausap. Pero kasi napansin ko rin madalas kapag once may nakakausap nako, ayoko na din bigla nang may kausap! Hahaha! Baliw na ba ako? Or is it because i'm a gemini. Heto na naman tayo sa mga zodiac signs na ito. May nabasa ako na isa sa mga nakaka turn off sa isang tao is yung mahilig sa mga zodiac zodiac signs na yan. Cringe daw? Totoo ba? Well..i think totoo. Haha!

Nalulungkot ba ako? Hindi ko din alam. Siguro? Pero hindi rin. Haha. Ang gulo ano? I'm not happy but i'm not sad either.

May nagbabasa ba nitong mga blogs ko? Kasi kung meron man, ang cringe ano?? Not sharing this to my social media sites kasi wala namang sense itong entry na to. Hehe. Gusto ko lang may mai-publish. Malalaman ko na lang na may nagbabasa nito kapag may nag-comment. Pero sana naman you could tell me who are my commenters pero nawawala din kasi yung suspense thinking na "sino kaya yung nagcomment na yun?"


Ayoko na. Bye. :)

Monday, August 5, 2024

August 5, 2024 - Ang Prinsesa at ang Gisantes

Ok, kwento: Speaking of "Princess and the Pea", naalala ko nung 1st year high school ako, may pina-homework sa amin sa Filipino subject na mag-summarize ng isang foreign fairy tale tapos itranslate sa Tagalog.

Criteria to get a perfect or a high grade should be in 500 words maximum and should be in 1 paragraph only. Not really sure kung 500 words nga ba talaga or 10 sentences. Hindi ko na maalala. Basta parang ganun na may limit sa number of words or sentences! 😄

Tapos yun na nga, napili ko ang "The Princess and the Pea". Sobrang privileged ko noon dahil sila mama bumibili talaga ng mga reading materials or books na mga pambata, e.g. compilation of signatured classic fairy tales. Yung mga books na naka-hard bound, makukulay, maraming drawings at makikintab na papel. Marami rin kaming references and sources kasi sila lola at lolo marami ring books, encyclopedias and dictionaries. Tapos yung pakarami raming set of encyclopedias topics arranged from A to Z. May mini library sila lolo noon. Mini library kasi may isang corner ng mga cabinet and shelves na puro books. And baka nga nakumpleto ni lolo lahat ng issue ng magazines ng National Geographic up until today kung nabubuhay pa si lolo ngayon. Speaking of National Geographic magazines ni lolo, i think nadisposed na lahat yun nung nababad sa baha. Sayang! 🙁

We were so "Privileged" back then dahil hindi na namin kinailangang pumunta pa ng school or public library para lang makapag-research. And take note, hindi pa uso ang internet at cellphone noon. Though may computers na, computers are not yet for everyone's use pa sa panahon na yun. So, thank you lola and lolo! We know you are partying hard na up there in heaven! Eyyy! 😄🤙

Balik tayo sa "The Princess and the Pea". So siyempre may book kami niyan noon at may English-Tagalog dictionary rin kami. Ngayon, may google translate na eh. Napakaswerte ng mga estudyante ngayon. Just right now in-enter ko sa google translate ang Tagalog ng "The Princess and the Pea",... it's "Ang Prinsesa at ang Gisantes". Papahirapan ko pa ba ang sarili ko na alalahanin kung anong Tagalog ng Pea?? So siguro nga ganyan yung title na sinulat ko noon.

Another requirement ng homework activity na yun is dapat type written sa isang short coupon bond. 1 inch margin on all 4 sides. Wow! Naalala ko pa! Haha! Dahil nung time na yun wala kaming typewriter, nakiusap ako sa bestfriend ko nung high school na si "Bekang" na i-typewritten yung sa akin since alam ko sila may typewriter sila. Binigay ko kay "Beks" yung summary ko para siya na ang mag-type. Ako ang gumawa nung summary ha, hindi ako nagpatulong kay mama. Ako ang nagsulat from scratch. Ako. 😄

Then ayun na nai-submit naman on time. Nai-check then returned back na to us to see how we did. And yes and of course, i got a perfect grade on that work! 10/10! Beks, my bestfriend, i think also got a perfect grade on her work too. Naalala niyo ba noon na kapag nagbabalik ng activities na nasa coupon bond, isa isang inaannounce kung ilan ang nakuha mong grade sa harap ng buong klase? Well, ganun yung eksena noon.

So eto na nga, ang highlight ng aking story for today. Hahaha! Habang tinatawag ang name and binabanggit ang scores, may palakpakan na may kasamang kantsawan yan. When it's my name na being called, boom perfect score nga! Siyempre i'm elated and proud of myself. Pinaghirapan ko yun eh! Then in the middle of my moment, meron kaming isang atribida na kaklase na bigla bigla na lang nagsalita out loud in front of everybody, "Ta si "M (real name ng bff ko) ang gumawa!" So nasabi ko na lang siguro sa sarili ko that time, "WHAT?? Tengena ka!" Hahahaha! Panira ng moment amfufu! Take note, lalaki siya! Inggit ang qaqu!

I don't mean to be mysogynist or whatever pero hindi ko kasi ineexpect na sasabihin yun ng isang male classmate ko. Though right after naman niya sabihin yun, may "Joke lang" sabay tawa, well mej napahiya din ako nun noh. Hayop! Hahaha!

Wala naman kaming naging tampuhan nung classmate ko na yun after. Alam naman naming lahat na mapangasar lang talaga siya. Hindi ko lang talaga makalimutan yung eksenang yun sa Filipino subject na yun! Gahd that was already 26 years ago na pala! Hahaha!

Hanggang ngayon naman friends kami. And lately lang naging pasyente ko pa yung anak niya. Hahaha. Turns out, naging crush niya pala ako nung high school! Hahaha! What are the odds?! 😁

Wednesday, July 10, 2024

July 9, 2024 - Reflect

Today's a Tuesday. I have no patients scheduled today. Though may nag walk-in kanina, sabi ko i-schedule na lang siya for tomorrow. Day-off ko today. Este, wala pala akong day-off. Day-off ko lang kapag walang pasyente and kapag tinamad ako magclinic. I own my time. Hehe.

Kung walang patient and kung walang gala, i usually clean the house. Hindi yung general cleaning ha. Hindi kaya ng isang araw kapag i-general cleaning ko ito. Walis, walis lang at mop ng floors. Nagre-arrange din ng konting furnitures at konting punas ng alikabok.

Ako lang ba? Yung nakaka-experience na habang naglilinis, o kaya kapag naghuhugas ng mga pinggan or any household chores, yun yung time na andami mong naiisip? Kung ano-ano tumatakbo sa utak mo. Halo-halo. Naiisip mo yung mga nangyari sa past, yung mga expectations mo in the future and yung current situation mo in the present. Minsan depende pa sa mood na kapag badtrip ka habang naglilinis today, yung mga naaalala mong nangyari in the past puro badtrip rin. Minsan mai-inspire kang gumawa ng kung ano-ano na namang bagay na mag-u-uplift ng character, morality and spirit mo. Mag-babasa ng libro, aaralin sa gitara yung isa sa mga favorite song mo na matagal mo na gustong aralin, wala lang time, o kaya mag-eexercise, na oo parang pangarap na lang lahat yan. Hahaha. O kaya magpaplan ka in your mind na, 'Okay, mamaya aayusin ko na yung cabinet ko na 1 month ko na pinaplanong ayusin.', tapos bigla ka na naman tatamarin. Hahaha. Oo, this day naisip ko gawin yan pero as usual tinamad na naman ako. Hahaha.

While doing all these pagwawalis and mopping kanina, siyempre laging may naka-play na music on my background. Hindi na mawawala yan. Ewan, i can't live without music talaga. Can you? Di ba hindi rin? Anyway, naka-play lang in random yung playlist sa spotify, yung Tatak Pinoy yata yun then one of the songs playing has a lyrics na nagpapa-alala sa akin yung mga nagawa ko in the past. As a human being, i also did a lot of bad things. Not to the point na i killed somebody ha. Haha. But, bad things na nabanggit sa 7 deadly sins. Yeah i know, lahat tayo nagawa lahat yan. We are all humans. We are sinful. Kaya si Jesus Christ sacrificed for our sins... Wait... Isantabi muna natin yang religious side of my story.

As i was saying, everytime na naglilinis ako or naghuhugas ng pinggan or anything doing household chores, nagkakaroon ako ng reflections moment. Which is not bad at all. Kumbaga para siyang therapeutic na rin for me. Well, kaya nga 'Reflect' ang title nitong entry. Kayo ba? Do you also experience the same?

P.S.: After i cleaned the house, i rewarded myself with some Shrimp Aligue Pasta. Na naman! Because marami akong stock ng aligue sa ref. 😃 Nakapag-luto ulit and pasta na naman. I know, i know. Pasta na naman?? Yes, pasta is one of my comfort foods and as you all know, i love cooking and cooking is my love language. 🥰

Tuesday, July 2, 2024

July 1, 2024 - Crush ko si...


Sinusubok na naman tayo ng katamaran. Alam kong hindi naman ako obligadong gumawa ng entry dito palagi pero sayang naman di ba? Naumpisahan na. Ano ba 'to? Diary?? 😅

Last month isa lang ang entry ko. Busy ako. Sige, isa na sa mga dahilan yung clinic. Pasyente. Halos everyday, which i am grateful. I'm not complaining. Pero naman bes, last month, oo nga pala, nagkasakit ako.

Yung pag atake ng asthma ko last month hindi ganun sa dati nung bata bata pa ako up to my teenage to early 20s ko. Super mild. Hindi ko kinailangang gumamit ng nebulizer and nakakapagclinic pa ako. Well, nagstart naman kasi sa sipon na may kasamang mild sored thoat sa una then unti unti nang nagumpisa ang pag ubo ubo ko.

For the whole month of june, inuubo ako. Medyo masama ang pakiramdam but not to the point na bed ridden ako. Nakakapagpasyenye pa nga eh. Pero napansin na din ng mga pasyente ko matagal na nga itong ubo ko. Up until today, July 1 na, may konting ubo pa pero pagaling na rin naman.

Hindi ako physician pero may diagnosis ako sa sarili ko. Haha. Yan tayo eh, self diagnosis lagi. 1st, i think, think lang ha, it was the C word. Like nung sakit kaya nagkapandemic. Pero dahil i am already vaccinated with booster, ang C na yun is parang trangkaso na lang ngayon. In denial?? Haha. Di naman ako nagpacheck up eh so how am i be so sure?? 🤣

2nd, eto sure ako. I was over fatigued. Yung trabaho ko nakakapagod din. Akala niyo ba easy peasy ang dentistry? Haha. Try niyo. Sinabayan pa ako ng puyat lagi. So humina ang immune system ko. Eto sure ako kung bakit ako puyat lagi. Dahil ito dun sa crush ko eh! Hahahahahahahahahaha!

So ito na nga ang chismis mars... Hahahahahaha! Gagi joke lang pero may half truth. Choz! 🤣 Puyat nga ako lagi kasi ini-stalk ko yung crush ko sa mga social media niya. Inaabangan ko kung online siya. Eww, stalker! 🤣 Para na naman akong PBB nito (PaBeBe na parang teenager). Juskoday! Itong kwarentang to kumakarengkeng pa! 🤣 Puyat lagi, kagaya ngayon, nagpupuyat ulit, chinicheck kung online siya, at inaabangan ko bawat post niya.

Gusto niyo ba ng clue kung sino siya? Comment down below. Hahahahaha! Chariz!

Ang masaklap mars, puyat nga ako lagi, pero never ko pa naman siya nakausap. Ni 'hi' or 'hey' sa messenger, wala mars! Parang tanga ano? 🤣Ayoko mag-initiate ng communication mars. Natatakot ako.

Hindi ko na maalala kung yung mga past relationship ko eh, ako ba yung nag-initiate or sila. Ew! May ganito ako?? Hahaha. Though now, hindi naman ako naghahanap ng someone ngayon. Wala ako intention na makipagrelationship or whatsoever sakanya ha. Friends nga kami sa fb matagal na eh, around 12 years ago na yata kaming friends pero never pa kami nagkita in person. Nagha-heart sa mga posts of each other, nagla-like, nagco-comment paminsan minsan pero never nagchat. Hahaha! Saklap noh? 🤣 Oh ayan may clue na! Stalk niyo mga fb posts ko. Isa isahin niyo! 🤣

Siguro nga i don't interest him. Kasi kung meron man ni isang patak ng interest, makikipagusap yan eh. Db? Correct me if i'm wrong ha. Men, aminin niyo. 🤣 Sa pagkaka alam ko, matagal na rin naman siyang single. Wala lang talaga siyang interest sa akin. Periodt. 🤣

*I'll end this entry here. May ADHD yata ako. (Self diagnosis ulit ✌️😁) Gusto ko na muna i-open yung farmville ko. 🤣

*Isa na namang napakawalang kwentang entry. Nagpuyat lang. Salamat sa pagbabasa. Peace yow! Until next 'napakawalangkwentang entry' 🤣

*Bitin ba sa kwento? Comment down below kung gusto niyo pa para sipagin ako. 🤣

P.S.: Walang kinalaman yung photo sa topic ngayon. Gusto ko lang ilagay. Yan lang yung next na ieedit kong video para sa cooking vlog ko. Abangan. Hahaha. 🤣

Monday, June 17, 2024

June 17, 2024 - Pait at Alat


Oo nga hindi mo tinatanong, pero isa to sa mga favorite kong luto ng talaba. Simple lang kasi eh.

Yung pait ng dahon ng ampalaya at yung anghang ng luya, feeling ko nagagamot niya yung ano mang sama ng pakiramdam ko.

Literal na sama ng pakiramdam ha. Like ubo, sipon at hika. Well, yung luya at ampalaya naman talaga kasi medicinal plant sila.

Bonus points na lang din yung linamnam at distinctive taste of saltiness at lasang tubig dagat yung talaba.

Inalmusal ko ito today. A nutriment to start another busy day in the clinic today.

Sunday, May 26, 2024

May 26, 2024 - Decade Four

Today marks the first hour of my 4 decades of existence in this so called planet Earth.

I have come to acknowledge that, just like Jon Snow, I still "Know Nothing". 

There's still so much to learn, places to go, emotions to contemplate and control, people to meet and build rapport (and be disappointed by their existence and wished you have not met them anyway and end up being a misanthrope). Kidding. 🤣

Those realizations are enough reasons to always remember to remain humble, be appreciative and be grateful for everything, for this gift of life, for the good, and the bad and the ugly that comes with it. For there's always pros and cons, negative-positive, ups and downs, yin and yang.

This day might also be the best day to apologize to the people i called old at 40 when i was a lot younger. 'Cause now i finally get it when they said, they effin' do not know what the f*** they were doing back then either. Sorry... The meme was true all along! Hahaha!

I have also finally accepted that i could no longer go back to sizes XS and S. It's now M if i wanna feel confidently fanciable but regret it later anyway because you don't know how greatly i endured tucking my bloated pot in just to look like it was the same as when i was 18. So L would probably be my most comfortable fit now, where i could move freely and won't struggle tucking in and holding my breath for a long period of time. 😅

In addition to body changes 😅, this day might also be the best time to regret not listening to our elderly when they said, take good care of your health. Junk the junks! Get enough sleep and exercise daily. Because, deym! I still consider myself young ha but my back feels like it's seventy-ish na! Age diseases also starting to get evident! It's all true! And yes, "Noooooo!" will also be my reaction! 🤣

Lastly, but will never be the last grasp in all of these 40-ish drama, is that never feeling bad ever again for myself for making a lot of mistakes. In fact, making mistakes is the key to learning anything in this world. I have finally embraced the essence of never regreting any of the decisions i made because it will only lead to another decision-making anyway! Then to another mistake, then to another, and then to another mistake to learn from. It's an endless loop! Why waste a stew?

You will prolly still see me making mistakes and might get famous by making a lot of it. Suure..i will get hurt and get scars along the way. Every battle won't be that easy. But, oh no! You will never see me succumb. These scars are my medium to the peak!

Thursday, May 23, 2024

May 23, 2024 - B&BW

Okay, kwento: Simple lang ang kaligayahan ko. Wala po akong chopper ha. Food chopper meron yung tig-50 pesos sa Shopee.

Anyway, simple lang ang kaligayahan ko. Bukod sa food, mahilig ako sa fragrance mists.

During elementary days ko may binubusitsit na akong pabango. Ang pinakasikat noon, Angel's Breath! Naaalala ko nung una ako magkaroon ng Angel's Breath nung 8 years old ako! Turning grade 3 ako nun! School year starts every month of June kasi noon! Oo naaalala ko pa, di tulad ni Mayora! Hahaha!

Ganito itsura nung packaging niya noon.

Tandang tanda ko pa, kasi niregalo siya sa akin ng pinsan ko nung 8th birthday ko! Kung sakali mang maamoy ko ulit ang Angel's Breath, for sure babalik lahat sa akin ang memories ko nung childhood days ko.

Thank you nga pala Koko, kung mabasa mo man ito. Ikaw yung nagregalo sa akin nun noon. But i doubt you remember dahil 3 years old ka palang yata nun. So si mama mo naman talaga yung nagregalo sa akin. Sinulat lang ng "From Koko". Hahaha!

Highschool comes, ang sikat na mga pabango noon ay yung mga pabango sa Bench at Penshoppe. Na-try ko lahat yan pero may pinaka-favorite ako sa Bench. Yung aerosol spray na color green! And i can't believe na until now meron pa rin siya! Sinearch ko nga!


May tatlong different scent ito pero itong green ang pinaka-favorite ko. So kapag naamoy ko ulit ito, maaalala ko yung crush ko nung high school! Hehehehe! Landi!

Okay, college comes. During my Accountancy days ha. So ito na yung mga panahong ang uso is Victoria's Secret at Bath & Body Works. 

Pero ang pinakapaborito kong scent is yung sa Bath & Body Works na Warm Vanilla Sugar. Eversince na-introduced sa akin itong scent na ito, ito na yung pinaka-pinaka fave ko. Naalala ko pa nun, yung una kong natry ito, sa pinsan ko pa noon yun. Imported na bigay sakanya ng friend niyang nasa tateh! Shimmer mist siya so may glitters siya tapos sobrang bango at sobrang tagal mawala yung amoy! Naligo ka na't lahat lahat andun pa rin yung amoy! Kaya ever since, warm vanilla sugar na ang binibili kong scent ng bath & body works.

My second favorite is this one Juniper Breeze.
Bihira ko mahanap itong scent na ito. Madalas di siya available. Kaya kung may pagkakataon, i buy! Nakaka-happy lang for me ang scent na ito. Fruity and refreshing! Kaya naging one of my favorites ko 'to kasi andami ko ding nostalgic memories sa U.L. nung accountacy days ko. Mostly, yung umuulan, tapos nasa school. Basta! Haha! Itong scent na ito ang madalas na gamit ko noon. Bigay lang din siya noon ng mga balikbayan titas. Alam niyo naman, ganyan lagi ang madalas na pasalubong nila.

Pero don't get me wrong ha. Gusto ko lahat ng scents ng VS at B&BW! Lalo na lagi ito ang madalas na gift ng mga kamaganak at friends. Sobrang na-aapreciate ko lahat yang mga gifts nila kaya lahat yan ginagamit ko. And hindi basta basta kasi authentic yung mga binibigay nila. Thank you. Thank you. Lapit na birthday ko. Beke nemen. Hahahaha!

Nakaka-sad lang kasi andami nang imitation, non-original/authentic, in short FAKE na VS at B&BW ngayon! Andami na nagbebenta sa mga online shops na ganyan! Kaya madalas ayoko na bumili. Nasasayang ang pera! Parang tubig na lang na mabilis mawala ang amoy! Minsan ang hirap nang kilatisin kung fake or original ba. Kainis andaming scammer!